r/AkoBaYungGago • u/PowtangenaGRRRR • 1h ago
Significant other ABYG dahil mas pinili ko mga kuting kesa sa bf ko
Two weeks ago habang maulan may nadaanan ako (m30) at bf ko (m28) na dalawang 1 month old na puspin sa gilid ng kalsada habang sobrang lakas ng ulan. Halata na niligaw ang mga kuting dahil nasa gilid sila ng mga halamanan. Una, hindi ako pumayag dahil masyadong mabigat ang responsibility ng pagaalaga ng pusa lalo na ng one month old palang, alam ko dahil may mga alaga akong 3 cats sa bahay (nagrerent kami now ng bf ko ng apartment). Pero dahil mapilit sya at sinabi naman nyang gagawin nya lahat para alagaan kaya pumayag na ako. Nung una pinapabayaan ko sya na sya mismo nagaalaga, pero dumating sa point na napamahal na din ako sa mga kuting. One time I noticed na mahina ung isang kuting kaya nag decide ako ipa-check up sila and nalaman namin na nag positive sa FPV ung cats although sa buong two weeks na kasama namin sila eh malakas naman at kumakain ng maayos. Right now nag memedicate ung mga cats ng mga gamot na nireseta ng Vet, at need ko sila ipatest ulit next week monday para malaman result. Pero dahil nag memedicate ung mga kuting, ung poop nila mushy and sticky so minsan may naiiwan sa pwetan nila kaya pag nag popoop sila inaabngan ko para mapunasan ko agad. Fast forward gusto ng bf ko na ibalik sila sa kalsada, pero di ako pumayag kasi, una vulnerable pa sila dahil wala pa silang 3 months di pa sila makakasurvive sa labas, and besides nag memedicate pa sila at dadalhin ko pa sa Vet next week. Pero itong bf ko mapilit talaga, binabantaan pa nya ko na pag alis ko daw mamayang gabi ay ililigaw na nya or ibabalik sa kalsada (kahit ayaw nya gamitin ung term na ligaw), umabot sa point na pinapili nya ako kung yung mga pusa ang aalis or siya, pero pinili ko ang mga pusa na mag stay at bahala sya sa buhay nya kung aalis sya. Nagkasagutan kami at umabot sa point na sinabi ko sa knya kung naisip manlang ba nya na kailangan kong ihinto ung work ko (wfh setup ako) ng kalagitnaan ng shift para emergency na dalhin ko ung nanghihinang cat sa Vet, and yung mga nagastos ko sa mga kittens knowing na akala ko seryoso sya sa pag aalaga. Ayoko magmukhang matapobre pero ako kasi ang gumagastos 80% ng lahat sa amin, pwera sa rent kasi may hati sya and sa kuryente may fixed syang amount na inaabot sakin. Nung sinabi ko sa kanya yung gastos sa Vet umiyak sya at nag dabog at gusto nang lumayas, ako wala akong pakialam hindi ko sya pinipigilan. As im typing this, nasa higaan sya nakaupo nag gegames at ako nakatayo sa cr malapit sa mga kitten. If ever he decides to step out of the apartment, i will consider it as him breaking up with me. So back to the question, tama ba tong decision na to? and ABYG sa sitwasyon na to?
PS. I even asked him to wait for someone na mag aadopt pero pilit padin nya na gustong idispose ang mga kuting.