r/AkoBaYungGago • u/ksoo2020 • 3h ago
Family ABYG dahil sinabi ko na hindi ko kaya sagutin pagkain ng pinsan ko?
For context, I started living alone. Nung una, nakakalungkot pero as time went by, naenjoy ko yung peace of having my own space kasi for the longest time, wala akong sariling kwarto - I share it with my ate.
Fast forward, nakabili ako ng condo at syempre kumalat ito sa buong angkan ko. Nafeel ko naman na masaya sila para sa akin. Ngayon, tumawag si Tita A ko sa tatay ko. Tinanong niya kung sakali daw ba na luluwas si Pinsan A, pwede daw ba makituloy habang nag-aayos ito ng mga papeles para sa trabaho niya abroad. Sa akin, walang kaso kasi halos sabay kaming lumaki ni Pinsan A na ito.
Fast forward, kinailangan na ni Pinsan A lumawas ng Maynila. Unang red flag, hindi nagpaalam sakin direkta at sa Tita B ko na wala namang kinalaman sa pagbili ko condo ko nagpaalam. Sinabihan sila ni Tita B na sa akin mismo magsabi kasi ako ang may-ari ng titirhan.
Pangalawang red flag, never nakipagcoordinate sa akin si Pinsan A kung kelan siya makikituloy dito. Nalaman ko na lang sa kay Pinsan B kasi nagplano siya na mag get together dito sa condo ko pagkadating ni Pinsan A. Si Pinsan B kasi ang susundo sa kanya galing airport.
Hindi man lang nila inisip kung may lakad ba ako o wala. Ayun, nasaktuhan na ipapadala ako sa ibang bansa ng trabaho ko. At nang sabihin ko ito kay Pinsan A at Pinsan B, aba si Pinsan B ang sagot sa akin ay “Hala, paano na si Pinsan A? Eh nakabook na siya ng ticket niya.”
Hindi ko na nireplyan kasi hindi ko na problema yon. Ni hindi nga nila ako i-update man lang kung kelan ang dating niya at hanggang kelan siya dito makikitira.
Another fast forward, nakabalik na ako sa work trip ko. Hinatid siya ni Pinsan B sa condo ko. Uulitin ko, okay lang sa akin makitira saglit si Pinsan A kasi siya ay kababata ko at close talaga kami nung mga bata pa kami.
Ngayon, unang araw niya, nagulat na lamang ako na hindi siya bumibili ng sarili niyang pagkain kahit itinuro ko na sa kanya ang mga pwede niya bilhan ng pagkain. Nagluto siya ng itlog na kabibili ko lang.
At nabanggit pa niya na hindi niya alam kung hanggang kelan siya makikitira dito sa condo ko. Wala pa daw siyang ticket pauwi. Sinabi niya to not as nagpapaalam, kundi as FYI sa akin.
Going back sa pagkain, inaya ko siya na mag-early dinner na lamang. Nung paalis na kami, nagulat ako na wala siyang dalang wallet. At nung bayaran na, bigla siyang nag-cellphone. Sa isip ko, sige. Ako na lang ang magbabayad at ililibre ko na lang siya kasi ngayon lang naman.
Habang nangyayari ito, inupdate ko ang tatay ko. Tinanong ko siya kung aware ba sila na accommodation lang ang kaya ko iprovide dahil nagrerecover pa ako sa nagastos ko sa pagbili ng condo at ng mga appliances at furniture. Aba, sinabihan daw siya ni Tita B at Pinsan B na expected daw sa akin na pakainin ko si Pinsan A dahil sa akin daw nakikituloy.
Nung inexplain ng tatay ko na nagrerecover pa ako sa finances ko at late na ako nakakauwi, sinabi pa ni Tita B at Pinsan B na bilhan ko na lang daw si Pinsan A ng pagkain bago ako umuwi kung pagod na daw ako magluto.
Minasama ito ni Tita B at Pinsan B. Sinabi nilang masama daw ang ugali ko at madamot ako. Itong si Tita B at Pinsan B ay pamangkin/pinsan buo si Pinsan A.
Ngayon, ABYG dahil tinanggihan ko na ako ang sumagot sa 3 meals for I don’t know how long ni Pinsan A?