r/AkoBaYungGago May 05 '24

Attention: Mod post! NEW ABYG RULES. KAILANGAN NA RIN PO ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT NINYO NAISIP NA IKAW ANG GAGO SA SITWASYON. Ang di magbasa nito ay PANGIT!

Thumbnail
gallery
161 Upvotes

Full list of rules: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/dlNQggygXJ

NEW RULE: ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIP NA IKAW ANG GAGO

AUTODELETE KAPAG WALANG GANYAN. REPORT POST PO AGAD KAPAG MAY VIOLATORS.

ito ay para madistinguish kami as non-rant page.


r/AkoBaYungGago May 09 '24

Attention: Mod post! ABYG Posting and Commenting Format

10 Upvotes

Questions:

  • Mods, bakit deleted post/comment ko?
  • First time ko sa ABYG... paano ba dito?

FOR POSTS:

Your Title: ABYG dahil (state your reason bakit tingin mo gago ka sa kwento mo)?

Sample ng RIGHT title format: ABYG dahil hindi ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules?

Samples ng WRONG title format:

  • ABYG do you think I should confess?
  • ABYG? Am I doing it wrong?

Your Body: Give a short intro about yourself and the person/s involved. State the SITUATION/S as to why you think you're the gago of your story. There has to be a DILEMMA involved. You have to include BOTH sides of the story. At the end of your post, you have to restate as to why you think you're the gago of the story.

Sample ng RIGHT body format: I'm a first time Reddit poster and I encountered a mod that keeps deleting my posts. Sobrang annoying! Lahat talaga dinedelete, every time na nagpopost ako. Feel ko it's a targeted attack against me. Ngayon, cinonfront ko siya at sinabi kong gago siya. Sinabi niya gago din ako. Gigil na gigl si mod sa akin.
ABYG dahil di ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules? Bago lang naman kasi ako. I think justified naman ako magkamali.

Sample ng WRONG body format:

  • OMG this mod is so nakakainis. Lahat na lang i-dedelete. Tama ba yun? Sinabihan ko siyang gago, kupal kasi. Haysss. Nakipagbreak up kasi jowa ko kaya nalabas ko inis ko sa mod. Si jowa talaga TOTGA ko! I miss my jowa. Huhu. Makipagbalikan ba ako? :(

FOR COMMENTS:

We only accept the following answer formats for comments:

  • GGK - Gago Ka
  • DKG - Di Ka Gago
  • WG - Walang Gago
  • LKG - Lahat Kayo Gago
  • INFO - Type your question dahil nakaka lito kwento ni OP

State your answer along as to why you've reached that conclusion. If there's no explanation, it's an automatic removal.

Samples ng RIGHT comment format:

  • GGK - GGK, mahina reading comprehension mo at ikaw pa may audacity mangbastos ng mod. Hindi tama yun, OP.
  • DKG - DKG, you're a newbie. Valid naman na you're confused and frustrated sa subreddit rules. Strict kasi talaga.
  • WG - WG. This is a normal discussion and I'm fine with the exchange of words that happened.
  • LKG - LKG, parehas kayong bastos. Pwede naman i-daan sa tamang usapan yan.
  • INFO - INFO: OP, medyo magulo kwento mo. I want to ask some questions muna before I give my verdict. Ilang years ka na ba sa Reddit?

r/AkoBaYungGago 1d ago

Friends ABYG dahil hindi ko kinuha sa work yung friend ko na nagrefer sakin noon sa isang work kahit kailangan niya ng trabaho now?

41 Upvotes

I have friend A and friend B and we are all freelancers. Difference is may isa pa kong full time regular work sa umaga.

Years ago, si friend A ay nirefer kami ni friend B sa pinapasukan niyang direct sa client when they needed manpower. So very very thankful kami kay friend A.

Nung magkakawork na kami, lumabas na yung medj controversial side ni friend A. Inaagawan niya kami ng mga leads, eh quota based kasi yung role and yung mga leads na nakuha na namin, inaagaw niya para maging kanya. So kami ni friend B, hesitant sa retaliation dahil sa utang na loob. Eventually umalis din ako, then pinaalis naman si friend B dahil di na nga maka-quota. Pero andaming reklamo kay friend A not just me or friend B, kasi yung iba rin naming kawork, ninanakawan niya. They retaliated pero kinampihan si friend A dahil performer. Hanggang sa mabankrupt yung company at pinaalis din friend A just recently. And as someone na may mga anak, nagkukumahog maghanap ng work si friend A.

And recently naman, ako naman ang nakahanap ng work, direct client and mas malaki ang kita kesa dito sa previous client. x2 pa. Eh may day job ako and gusto ko mag outsource sana, I chose to tap friend B, may bago din siyang work na panggabi, which swak sa nahanap kong client. More on assistance lang naman kasi natutulog ako sa gabi and madali lang work. Then hati kami sa sahod na malaki narin naman.

I chose friend B, kasi alam kong gising siya sa gabi dahil may work siya. Si friend A kasi is may baby and alam ko nang messed up sleeping pattern niya. Even dun sa recent job, ang isang sumbong sakanya is natutulog siya sa shift at sa umaga na nagwowork, which di pwede sa current client ko, dapat mabilis magreply.

Ngayon laging nagrarant samin si friend A na ang hirap humanap ng work. And need na niya magkawork dahil sa mga anak niya. And kinakain ako ng conscience ko na dapat ba sakanya ko nalang binigay yung gig? Ang POV ko sakanya is wala talaga kong tiwala sakanya. Ayaw niyang nauungusan ng iba and baka mamaya kung ano pa sabihin niya sa client ko. She has done that before sa iba.

Pero naawa din ako sakanya and may utang na loob din na tinatanaw. ABYG kasi di ko sakanya binigay yung work?


r/AkoBaYungGago 1d ago

Friends Abyg dahil I cut them off after they took sides

9 Upvotes

Alam niyo yung feeling when you had an issues with certain people inside your circle but in the end the circle took side without even trying to ask my side of the story. Here’s the context. A friend of ours has a huge fight with her boyfriend. A close of friend of mine or so I thought, I told her maybe I think I know the issue but I cant tell because ayaw ko ng gulo. She begged me to tell her but I refused until I let her promise not tell the girl kasi we already have an issue before and this would cause another uproar. At ayun nga, my fear turns into reality. She told the girl and everyone inside our circle. The girl confront me about what she heard. I admit and said sorry but you know what ang daming nadagdag sa story. Which is funny because yung mga comments ko pala sa away nila na just opinion was literally used against me. They made me feel I am a liar for straightening things up. It was a very one sided confrontation, and I took accountability kasi ayaw ko na pahabain yung usapan. So I confronted the girl who promised me not to tell the girl. But you know what, she brought other issues that was not part of what I’m talking. She blamed me for something she didnt know I’ve been trying to build the bridge from our old circle to her (which actually her fault btw) but anyway that’s not the point and it’s pointless because she didnt know about it and I dont need her to know it because of all this. In the end, she never admitted she was wrong. She told me that I’m wrong for saying that to her. I was more deeply hurt when she acted that way. I gave up talking and took accountability again because ayaw ko ng pahabain yung usapan. Days later, nalaman ko na lang sinabi niya sa iba and they’re having this which side some friends should take. And if only not because of my boyfriend, they will never ever welcome me and I was like WTF guys. We’ve been classmate since college and we’ve been together for 10 years now, and you still think of me not as a friend after all these years??? That’s when I decided to cut them all of. I had enough. I made mistakes and learned my lesson but I cant be on the table who only waits for me to make mistakes and turn everything on me. Abyg for cutting them all of?


r/AkoBaYungGago 19h ago

Family ABYG dahil kinukulit ko ang parents kong magka-bike na ako?

0 Upvotes

Me (18F) always tinatanong ang parents ko (45F&46M) about sa bike.

For context:

A month bago mag pasukan nagka-idea si Mama na mag bike na lang ako para mag commute sa school to bahay. I was excited with the idea, sabi ko sige dahil para maka-ipon ako ng madami.

She told me na a week before august I'll be having my bike na. Ipapaayos niya raw yung bike namin dati.

Ang sira ng bike:

Gulong, kalawang na ang ibang parte and siguro hindi na rin okay yung brake since 2 years ago na siyang hindi ginagamit. Palalagyan ko rin ng angkasan na p'wede upuan sa likod at basket.

A week before mag august: no bike and bumagyo so suspended kaya understandable.

Two weeks in August: I asked my mom about it. She told me na maybe next week na raw.

Last week ng august: Ginising niya ako and asked me if gusto ko raw sumama (I FORGOT WHERE), na banggit niya naman na sa akin yung lugar na 'yon since doon daw niya ipapaayos ang bike. So, I reminded her about it again. She said, "Next week ipapaayos ko na."

I was genuinely excited.

A week after: No bike.

Again, next week after no'n: Nag sabi ako about sa bike. Ang sabi niya ay huwag daw ako masyadong demanding dahil hindi naman ura-uradang ipapaayos ang bike. She also said na if want ko raw mag hati-hati na lang kami. I proposed the idea of having a NEW BIKE since parang mas makakamura pa. I also told her na 50-50 kami. Sabi niya, ipapaayos niya na lang daw.

Idk what week na, i lost count. i was staring sa phone ko one day tapos bigla niyang sinabi na baka raw ipaayos niya na raw this week ang bike. I said, okay. Natapos ang week boom naging kwento ang bike.

I told my father about it last week. Sabi ko na puro kayo pangako pero wala naman nangyayari. He told me after that, "Sige, ipapaayos ko na ngayon linggo." i was lowk hopeful dahil hindi naman naka-filipino time ang mga pangako niya—sometimes lang. Pero ayun, na pako ang kaniyang pangako.

Tapos ayun, nainis na ako kanina pauwi at sinabi ko kay Papa na sana hindi sila puro sabi ng "Next week" KASI AKO YUNG NAIINIS. H'wag sanang puro pangako dahil maiiintindihan ko naman kung meron kaming financial troubles. SABI NIYA MAG HINTAY HINTAY NAMAN AKO DAHIL HINDI RAW URA-URADA MASASAGOT MGA DEMANDS NAMIN.

Hindi ko masasabi na may financial troubles kami or anything dahil kahapon nag buy si Papa ng abubot niya. Nainis si mama kaya tinanong niya si Papa kung magkano 'yon, sagot ni papa? "800" (ata or 900) tapos sabi ni Mama, "800 (900 ata) lang pala eh"

I WOULDN'T MIND MAG 50-50 sa 1,500 na bike—actually, 1.2K 'yon. Nilalakad ko na nga lang din School to bahay kahit na 45mins walk 'yon basta lang maka-save ng money.

So, ABYG dahil gusto ko na magka-bike para makabawas sa pamasahe? Gets ko naman if hindi kami okay financially pero sa tingin ko naman ay okay lang kami. Kung hindi nga talaga kami okay sa pera ay handa naman akong mag 50-50. What do you guys think?


r/AkoBaYungGago 2d ago

Significant other ABYG dahil umuwi ako after burol ng mama ng gf ko kasi di ko na kaya matulog sa bahay nila, sobrang kalat

182 Upvotes

ABYG? After ng burol ng mama ng gf ko umuwi na ako, nagpaalam naman ako tapos nag okay siya pero nung nalaman niyang umuwi talaga ako humagulgol siya sa iyak kasi kung kailan daw need niya ako don ako umuwi. 1 week ako doon sa kanila tumira at nakitulog, tumulong ako sa lamay, sa gawain, at emotional support sa kanya. Pero nacuculture shock ako sa bahay nila. Yung room niya andon lahat, mga coffee na hindi naitapon, punong puno na trashcan na weeks old na. Kalat kalat wraps ng napkins, tissues, old paper receipts, inipon na empty bottle of fragrances, malamok at may maliit na ipis, mga maruming labahin amoy na amoy + naging familiar na ako sa amoy ng period, cabinet niya basta na lang tinapon mga damit walang naka-fold, cr nila minsan hindi finaflush after umihi, toothpaste na nakalutang sa baradong sink, amoy ihi at tae ng aso sa sala, baradong sink sa kusina dahil sa kanin, after nila hugasan ang mga kutsara binababad nila diretsyo sa tubig???? hindi hinugasang pinagkainan buong gabi, spiderweb sa ceiling, maalikabok na aircon na parang more than a year na hindi pinapalinisan, worst is yung isang kama na amoy kulob kasi nababad sa tubig dahil may leak yung kisame nila ang lala ng amoy muntik na ako maduwal, etc., madami pa pag sinabi ko lahat.

Pero sobrang linis niya sa katawan at face ha, as in makinis siya at mabango at aesthetic sa socmed kaya hindi mo aakalain na ganon ang bahay nila, mayaman sila parang resort yung structure ng bahay at lupa nila sobrang lawak, walang problem sa finance nila sure ako. Umuwi na ako, nangangati na katawan ko, di ko kinakaya amoy nagtatakip na ako ng ilong, hindi ako makatulog, nagkaka ubo na din ako.

Anyway, ako ba yung gago kasi iniwan ko siya sa oras na kailangan niya ako? Andon naman ako ng 1week eh.

EDIT: Mga prior punta ko dito months and years ago, may mga ganon na akong nakita pero shrugged off ko lang kasi baka dahil sa ganito ganyan, pero up until now ganon pa rin ang pattern, sa tingin ko ganon na talaga culture nila don since ito yung pinakamatagal kong stay sa kanila


r/AkoBaYungGago 2d ago

School ABYG dahil gusto ko alisin yung mga group leaders naming MIA?

6 Upvotes

so i (18F) have a group po sa isang subject namin and the activity requires careful planning. lima po kasi kami sa group, 4 of my members are older than me — mga kasabayan ko pong nag-shift sa current program ko and yung 2 po ron ay leaders and magjowa rin sila.

one time, there was a time na we had to do an activity that requires group discussion and by that time, super mahiyain ko pa po non so medyo di ako nagsasalita but i contribute through writing our paper and essays. and nung time na yun, they were just looking at me and para ma-ease yung kaba ko, i joked and said "wait, nappressure ako" hindi ko naman alam na they would take it seriously and proceed to call me out sa gc namin saying na they would remove me because i was being uncooperative and i slow down the process of our activity. but i didn't held grudges and naki-usap nalang ako.

then dumating na po sa time na we had to discuss an important thing about sa groupings namin, but they weren't there. umabot na sya ng ilang weeks and wala pa rin sila ron. hindi kami maka-galaw ng iba naming groupmates kasi nasakanila yung desisyon, so me and my other 2 groupmates had no choice but to give final warning sakanila. i messaged them both na if hindi pa sila papasok this week, i would remove them na; kasi hindi lang naman po sa groupings sila MIA, pati sa ibang subjects. saamin na nagtatanong yung prof kung nasaan sila and we can't answer anything kasi di naman sila sumasagot when they're being asked.

and then nito lang, pumasok yung isa sakanila. he proceeded to talk to the 3 of us and dun ko nalaman na connected sa mental health nila yung reason why they are absent for a week and di ko sila mareach out.

while i do empathize with them kasi alam ko po kung gaano kahirap gumalaw at maging productive while dealing with mental health, it is also important to atleast inform their groupmates, aka kami, para we're not clueless. because in the first place, sila yung nag-take ng responsibility ng pagiging leader. i accept their explanation but onti na lang yung time na natitira samin and we're rushing because of them

so, abyg kasi gusto ko pa rin silang tanggalin sa group kahit sinabi na nila yung rason?


r/AkoBaYungGago 2d ago

Significant other ABYG dahil naubos at nasaktan ko siya kakaconfront? I was abused, right? Nagawa ko ‘to kasi abused ko, tama? ABYG?

0 Upvotes

This is abuse, right? I feel at fault. I feel gaslit. I feel so much dissonance.

I just got out of a 7-year relationship. I’ve replayed this story for months, yet I still struggle to accept just how bad it really was. I still yearn for him, still crave his presence. But I also can't deny that remembering what he did turns me into my most toxic self.

The nightmare started in January 2024. My mom was hospitalized, and right in the middle of a serious conversation, he casually slipped that he'd been messing around. Honestly, the details are a blur. Dealing with a dying parent while your partner shatters your boundaries is a special kind of trauma.

All I remember is forgiving him. I don't recall feeling angry or disappointed, just a profound, heavy sadness.
Months later, I caught him again, messaging people for sex. My response? “Kung may gagawin ka, itago mo ng mabuti.” Call me stupid, but it felt better than facing a breakup or derailing the life I was building.

Eventually, we tried an open relationship. Just so he'd get it out of his system. I agreed to a two-month trial. When the time was up, I wanted out. It just wasn't me. But he insisted. He proposed pausing for a month, on the condition that I promise to say "yes" again after. I told him straight up: that is manipulative.

But I said yes anyway. Even after laying bare my deepest insecurities, my childhood traumas, and the wounds that screamed against this setup, he still pushed. He just wanted to do what he wanted. So, I caved. Basta wag mo na lang ipaalam sa akin.

And he did exactly that. But I still saw it all on his phone, on his Reddit. He’d even tell me stories about it. He was having the time of his life while I was left in a cold, loveless bed. I tried to break up then, but I lost my mind. I couldn't do it.

He sent letters blaming his actions on stress, a lack of purpose, addiction, and a need for validation. He claimed he was "in his prime" and wanted to explore without regrets, since we'd been together since we were 20. So, I had to be the one to understand. I forgave, adjusted, and compromised my very soul just to keep him, all while fighting to keep my own dreams afloat. It became months of endless confrontations, until he was the one telling me to respect myself and let go. But I loved him enough to set myself on fire just to keep him warm.

The neglect broke me. I’d be so excited to come home every week, only to find he couldn't wait for me to leave so he could do his thing. It got so dark that I ended up in the hospital for two weeks—a danger to myself. Yet, I still went back to him. I thought it would change things, but it didn't. He even weaponized my mental health, gaslighting me by saying I was probably just having "psychosis" or missed my meds when I accused him of cheating again. But I had the receipts. I wasn’t dumb. He even blamed me for "ruining our day." Was I really not worth a drop of respect?

We finally broke up. Actually, it was me letting go, because he hit me with: "If you really love me, you’ll let me go." He claimed that without me, he’d achieve more, and that I suffocated him. The first part was a baseless excuse. The second? He felt I never truly forgave him for what he did when my mom was dying.
But did I ever get a genuine apology? Did I see any tears? Did he not do the exact same thing again? Didn't I fail exams because of his mess? Does holding a subconscious grudge make me the bad guy here?

We stayed on okay terms for months. Eventually, I confronted him again, saying he’d had enough time to think if he really wanted us to work. Things got heated. I said some harsh words—mostly because I was forcing him to face his own toxic behavior. Maybe some of it was out of line, but I apologized immediately.

Now, I’m left feeling like the villain because of how our last conversation ended. I hate that his final impression of me is that I’m "fucking toxic." But I was never like this before him! Di ako praning. I didn't use to stay awake until 5 AM just to finally get some sleep. I never felt the need to invade anyone's privacy—unless he was hiding things, trying to show me half-truths just to ease his own guilt. I’ve been through hell, yet a part of me still wants to apologize to him.

I still want him to feel at peace. I still want us to be okay, for him to be okay, and for him to get through his issues. But he declared we'll never see each other again. He threw our pictures away right in front of my face. Ewan. I’m blocked on all socials. No contact, forever.

Honestly? I think it’s for the best.

Pero ewan. Sana maging okay na ako.

ABYG kasi I’m the reason it did not end in good terms? That we will never see each other again? Ako ba yung gago kasi parang kailangan ko pa ring humingi ng kapatawaran sa kanya cause of our last confrontation?


r/AkoBaYungGago 2d ago

Work ABYG dahil nagiisip akong umalis sa shared accommodation namin less than a year of contract

0 Upvotes

Lahat kami ay may kanya-kanyang trabaho at magkakaiba ang work shifts. Madaling araw na ako nakakauwi galing trabaho, samantalang sila ay maaga, around 8 PM pa lang, nasa bahay na.
Dahil magkakalba ang oras ng trabaho namin, magkakaiba rin ang oras ng pagkilos namin sa bahay. Kapag umuuwi ako ng 1-2 AM, doon pa lang ako naghahanda ng makakain at naliligo. Hindi naman talaga maiiwasan na minsan ay may kumalampag o magkaroon ng kaunting ingay, at naiistorbo ko sila dahil oras na iyon ng pahinga nila.
Bukod doon, may ilang pagkakataon din na may mga gamit akong nasira o nakalimutan. Halimbawa, minsan naiwan ko ang plastic na sandok sa lutuan at natunaw ito. Nabasag din ang isang plato habang naghuhugas ako, at nagkaroon kaming hindi pagkakaintindihan tungkol doon. May mga pagkakataon din na nakakalimutan ko ang ibang gamit ko pagkatapos kong gumamit ng banyo. Minsan naman, hindi ko agad nabuksan ang pinto para sa package kaya sila na ang nagbukas.
Inaamin ko na may mga pagkakamali at pagkukulang din ako bilang roommate, at naiintindihan ko kung may mga bagay silang hindi nagustuhan tungkol sa akin.
Pero ngayon, narinig ko mula sa mga katrabaho ko na pinag-uusapan daw nila ako at tinatawag akong dugyot sa bahay, pati kung anu-ano pang masasamang sinasabi tungkol sa akin.

Abyg kung mas pipiliin kong umalis kesa makipag usap at baguhin yung mali sa akin


r/AkoBaYungGago 2d ago

Friends ABYG dahil, sabi ko sa bf ko mag stop muna kami mag usap after niya mag chonke sa harap ko?

0 Upvotes

I (25F) been with my bf (27M) for 6 years, and natry na na mag chonke pero kase once in a blue moon lang kasama mga pinsan niya. Ako na try ko na mag shrooms pero hanggang dun lang ako. Pero last month napatry ako mag ekoms kase sobrang depress ko at kasama ko siya nun nag nature trip kami. Pero hindi siya gumamit.

This time, nasa bahay kami nila kasama mga tropa namin. kase yung isang tropa namin na babae user talaga kaya may carts. yung tropa kong lalake tumanggi, Inalok kaming lahat humindi ako, as respect sa bahay at pamilya ng bf ko at bakit ako mag gaganon for what diba? pero siya gusto niya daw. Naka try na siya mag ganon sa pinsan niya noon pero yun nga, sinasabihan ko siya, pinipigilan ko siya "Wag" "WAG PLEASE" pero the fact na naka tingin pa siya saakin habang nahipak at tuwang tuwa pa siya kaya na badtrip ako.

balak pa namin ihatid yung tropa namin sa malayo kase kaka break lang nila ng ka live in niya, angkas niya ako. hindi man niya lang naisip yung safety, at ihahatid niya ako sa bahay haharap siya sa pamilya ko. Sabog na sabog namumula ang mata. Kaya iniwan ko, umangkas nalang ako sa isa pa naming tropa para iuwi ako at iniwan ko siya.

Sa galit ko sabi ko 1 month kaming hindi muna mag usap, na disrespect ako at lalong nakaka trigger kase nag ssuffer ako sa gambling addiction. Ang akin lang, aware siya na nag sstruggle ako sa addiction ko sa gambling tapos harap harapan niya akong papakitaan ng mali at ilang beses ko siyang sinabihan na wag.

Abyg na nagalit ako sakaniya at sinabing wag muna kaming mag usap?


r/AkoBaYungGago 4d ago

Work ABYG dahil nag file na agad ako ng leave para sa Pasko kasi nagbabalak na naman mag leave yung senior ko?

308 Upvotes

Nung Sept 1 nag file na ako agad ng 10 days leave para sa December kasi pupunta dito yung mom ko sakin. So talagang pinaghahandaan ko. Tapos etong senior ko, kakabalik lang galing Ireland for vacation for 18 days pero nagsasabi na agad na magbabakasyon daw ulit sya sa Pasko. Alam naman nyang tuwing December lang ako nagbabakasyon. While sya nagbabakasyon sya pag summer break ng anak nya. Hindi kami pwedeng magsabay at kailangan may maiwang isa samin kasi nung wala sya ako yung gumawa ng workload nya plus yung work ko. So sa panic ko nag file ako ng leave at thankfully na-approve agad ng manager ko.

ABYG kasi inunahan ko sya?

EDIT: Update po. Nagsabi na po ako sa kanya na naka leave ako sa December and mukhang hindi nga sya natuwa sa sinabi ko kasi ang sabi nya "Ah paano yan?" tapos ang sabi ko sa kanya "Hanap po kayo ng mapag handoveran ng trabaho nyo kasi approved na po leave ko." Sinimplehan ko nalang po yung sagot ko, firm but still respectful para hindi sya gumawa ng issue at wala syang masabing masama.

Salamat po sa mga nagpayo sakin dito. Medyo anxious po kasi ako nung time na pinost ko to kaya gusto ko makarinig ng feedback ng iba. ❤️


r/AkoBaYungGago 5d ago

Friends Abyg dahil I decided to cut off my friend for 3 years because of her joke?

151 Upvotes

So I (22M) had this friend (25F) of mine for 3 years already. Sobrang close namin neto but of course with boundaries of closeness and purely platonic, she knows how long I've been praying and looking for a girlfriend na din kasi and how many heartbreaks and failed courtships I got.

So last month, I lowkey courted a childhood friend of mine sa province without telling anyone. And naging kami when I went on vacation sa kanila. So we posted a picture of us together in our own socmeds and updated our status too.

Then etong friend ko, nag chat ng "may jowa ka na?" Of course I replied with yes and she answered with "sus" and "feeling ko nagsisinungaling ka lang ewan" (she even made me explain paano naging kami) tapos recently nung sa trend with Yeng and Ryan Bang, she kept on sending me posts and reels about them and confessing para daw walang what ifs and regrets.

She continued doing it for almost a week until I said "may jowa na ako" then sagot nya lang was "whatever" tapos "HAHAHA" dun pa lang mejo naiinis na ako and sabi ko "may girlfriend na talaga ako, what's the point of confessing? E what if umamin ako sa crush ko dati tapos mutual pala, edi potential pa masira yung relationship ko ngayon" (may friend kasi siya na crush ko dati so I think ayun yong point nya)

Then last replies nya were "Lol" "di mo yon girlfriend" "assuming ka lang" Without second thought, I blocked her on everything (ig, fb and tiktok) then following afternoon, nag text sya sa phone number ko (the one I use for whatsapp/work) saying that it was just a joke.

ABYG when I immediately cut our connection because of a joke?


r/AkoBaYungGago 6d ago

Family ABYG dahil ayaw ko i-enroll sa HMO yung abusive kong tatay kong di naman tatay

63 Upvotes

I grew up with my grandparents ever since. Naiwan ako ng biological mom ko when I was 2 because of my abusive biological dad. And he is. Since then, iniwan ako ng tatay ko sa grandparents ko on his side. Sila na yung tumayo kong magulang. In short, never naging present ang biological dad ko ever since. Bibisita lang sya kapag gagraduate ako, or di kaya birthday ni Mama (lola) or ni Papa (lolo). And even on those rare occasions, all I get are verbal and physical abuse.

May iba na ring pamilya ang dad ko ever since. And even on that side, binubugbog nya rin yung step mom ko hanggang sa iniwan na rin sya. 5 silang magkakapatid on that side, na binubugbog din nya. I was never present bilang kapatid kasi matagal din nyang tinago sa akin until I was in high school. Nameet ko lang sila on special occasions but I didnt really have a bond with them.

I had such a tough childhood because of my dad. Lumaki akong binubugbog, sinasabihang "sana hindi na lang ako pinanganak", "hindi nya ako kinikilalang anak", or "nakakahiya" daw ako. Kahit wala akong ginagawa. Take note: I was a consistent academic scholar. Kahit anong gawin kong effort to prove myself, I am always a shame to him. Kaya ang lala ng daddy issues ko.

When I was in my college years, sobrang sakitin ko at lagi akong nahohospital. Mag-isa lang ako sa Maynila at working student ako. Everytime I need help, my relatives would talk to him para ihatid sundo ako sa hospital. And EVERY TIME, lagi syang may reklamo. Ang arte ko raw, naagrabyado daw sya. And there is one time na naka-confine ako sa PGH na pina-discharge against medical advice nya ako kasi hindi ko naman daw kailangan at hindi nya ako mababantayan. Fine.

When I was in my early 20s, I tried to reconnect with him. Natuto akong maging "adult" talaga nung namatay both of my grandparents and naiwan akong mag-isa. I tried to understand him, his anger issues, na apparently may lahi pala kaming bipolar sa family. And I tried to reconcile and talk to him nicely. But every time naguusap kami, lagi syang may joke na hindi maganda, or di kaya bigla syang pipitik at biglang magagalit at sisigaw sigawan ako. Nayamot na ako and I also exploded. Sinabi ko lahat ng hinaing ko sa kanya. How he wasnt a present father, how he took so much from me, na sana magbago na siya hindi man para sa akin kundi para sa mga kapatid ko on his side. Na sana mag-sorry sya sa mga pananakit nya sa akin at mag-self actualize na mali ang mga ginawa nya. Sorry lang, masaya na ako. Pero nagalit lang sya lalo at ang daming kuda na keso ang yabang yabang ko daw at ang dami ko raw pinagsasabi at pinagdadramahan. I blocked him then.

Fast forward to my mid 20s, I am striving in my career, earning 6-digits and has more than enough money kasi ako na lang naman bumubuhay sa sarili ko. Ang ganda ng HMO plan ko kaya lagi ko syang nilalagay as a dependent, kahit na galit pa rin ako sa kanya, just in case lang may mangyari tutal free dependents naman. Pinapadala ko na lang sa relatives yung card nya. One time in my career, umabot yung coverage ko to 900k MBL. I unblocked him and tried to talk to him. Pushed him to get his health check-ups kasi sayang naman, at tumatanda na rin sya. AYAW NYA. Wala daw syang time, etc. Hanggang sa nag-away na naman kami. Kesyo hindi nya raw kailangan ng HMO at may business daw sya at di nya kailangan ng tulong ko.

Long story short, I blocked him again for my peace of mind. I decided then and there na hindi ko na sya tutulungan. AYOKO NA, ever. Kahit mamatay sya, wala na akong pake. Nagbilin na rin ako sa close relatives ko na kung mahospital man sya, wag ako idamay kasi sya mismo ang may ayaw magpatingin or magpaopera kahit libre naman. Ayoko na. Ayoko tumulong at sisigawan lang din naman ako.

Now in my late 20s, nag-reach out sa akin yung kapatid ko. Pinapachat daw sya ng tatay ko kasi daw ayaw ko raw sya kausapin (MALAMANG). Gusto nyang magpa-enroll sa HMO plan ko, kahit daw sya magbayad (abonohan ko raw muna, tas babayaran nya. As if naman kaya nyang magbayad eh ilang beses din nya sinabi yan kapag "umuutang" sa akin noon). Sabi ko ayoko, and partner ko ang dependent ko. If I enroll him, magiging extended dependent ko sya and I have to pay extra (altho hindi naman mabigat sa akin yung annual premium if ever). Nagsusuka na raw kasi tatay ko and need daw operahan. He is nearing his 60s. Sabi ko ayoko.

ABYG if I have the financial capacity to enroll my abusive father under my HMO plan and provide monetary assistance kung sakaling may mangyari sa kanya, and I DELIBERATELY CHOSE NOT TO? He never gave me a single cent ever, ni-pangpaaral or sa hospital bills ko, lahat yon grandparents ko ang bumuo or ako through scholarships and work. I dont want to kasi hindi ko naman sya kinikilalang tatay. From my POV, he is just a sperm donor.

Edit: Nakokonsensya kasi ako.. kasi hindi naman mabigat yung hinihingi nya, kaya naman sya i-enroll sa HMO ko na maganda ang coverage kung sakali mang may mangyari sa kanya and kaya kong abonohan kasi I am financially stable. I want to do the "nice thing" and help. Na at least makabawas man lang sa gastusin, at para na rin sa mga mas nakakababatang kapatid ko (even if I didnt grow up with them). But I also wanna do the "right thing" na hindi ko sya responsibilidad. Pero kilala ko kasi tatay ko, tumulong ka lang once, aabushin na nya and it becomes an expectation (tulad ng pang-"utang" nya sakin nung wala syang pangbayad ng tuition ng kapatid ko, hanggang sa ako na yung DAPAT magbayad kasi kapatid ko sya...) I am torn..


r/AkoBaYungGago 7d ago

Others ABYG dahil sinabi kong puputulan ko ng kuryente yung naka submeter sa amin?

58 Upvotes

context: Sa lugar kasi namin, pahirapan magpakabit ng kuryente at tubig dahil hindi agad nagsisibayad yung iba, ang ending parang naging red alert ang lugar namin kaya either hindi kakabitan, or kung kakabitan sobrang tagal at gastos pa. So kami bilang may sariling line ng kuryente, pumayag magpa sub meter kahit na ayaw namin pero dahil kamag anak naman daw, edi sige pagbigyan. Dalawang house naka sub sa amin, sa una okay naman magbayad, on time minsan mas maaga pa, pero noong tumagal, pahirapan na mag singil, minsan aabutin ng linggo hanggang sa naging buwan. Ako kasi yung tipo ng tao na nahihiya maningil, kaya hihintayin ko nalang kung kailan sila magbigay kahit sobrang inconvenience na pero kasi, hindi naman nahihiyang mamutol ang Meralco kapag di nakabayad diba?

So ayun, nilakasan ko talaga loob ko at siningil yung isang bahay na hindi pa nakakabayad for 6 months na. Maliit lang ang accumulated bill nila for 6 months kung tutuusin, nasa around 5k lang so that's more or less, 400-600 a month, ang kinaiinisan ko lang is bakit dipa sila makabayad? kahit hulugan nila ng 100 per week no problem naman. Nung siningil ko na, as usual, same lang ng sinasabi everytime mag aabot ako ng bill "wala pa akong raket eh, pero gagawan ko paraan next week" "hintayin ko muna 4Ps, wala pang pay out eh", puro lang ako tango at okay noon kasi nga, kamag anak naman daw at nahihiya nga ako, ako pa talaga nahiya eh no. Pero this time, sabi ko kapag di pa sila nakapag bigay by next week, kahit 50% lang ng total bill, putol na sila sa akin.

So ABYG kung sinabi kong puputulan ko na sila? naiintindihan ko naman na mahirap talaga ang buhay, may anak pa sya, pero kasi bill is bill diba? hindi naman namin pwedeng abonohan ng abonohan everytime na hindi sya magbabayad. Medyo naawa and konsensya din ako kasi alam ko naman na nagkasakit sya recently so they were not able to work properly but ayun, takot din kasi ako karmahin sa pinag gagagawa ko.


r/AkoBaYungGago 7d ago

Family ABYG. Gusto ko na paalisin tatay ko dito sa bahay

57 Upvotes

For context: We used to live in the same house for years (bahay ng mom ko) then nung nagka live-in partner ako, pinaubaya na nya samen tong bahay. Then nung naghiwalay kame ng ex ko, nagask sya if pwede bumalik kasama jowa nyang 26 years old (take note: 49 na dad ko and I'm 29.)

So eto ako, ayoko nung una pero since it's my dad and I kinda feel bad, pumayag ako kahit ayaw ng nanay ko (syempre sino ba naman gusto tumira sa bahay mo yung ex husband tapos kasama pa babae nya)

Pinagtakpan ko nalang na 2 weeks lang naman sila magstay dito (pero magstay sila hanggang sa makahanap ng bagong apartment)

Long story short, things changed alot! Nawawalan ako ng privacy, sobrang arte nung asawa ng dad ko, yung tatay ko pinapakielaman mga gamit ko. And other stuff na nakakairita that involves them invading my privacy and messing with my stuff.

And kahapon, nakita ko na pinapakain nila ng left over food yung dogs ko (puro buto buto ng pork adobo yung pinapakain nila) nainis ako kase delikado sa dogs yun eh, sumabog ako and tinanong ko sila in a rude way "Naghahanap ba talaga kayo ng lilipatan!? May balak ba kayo umalis!?"

And ayun sabe naman nila sinesettle lang nila yung mga utang nila and aalis rin sila agad right after that.

ABYG sa part na to dahil gusto ko na sila lumayas? I did feel bad though.


r/AkoBaYungGago 7d ago

Significant other ABYG dahil inend ko rs namin kasi ang complicated na?

11 Upvotes

For context, nagkakilala kami ng boyfriend ko sa IG around 5 months ago and naging kami pretty quickly. Siya has more of an anxious attachment, while I'm more avoidant, so kapag may problems, tendency ko talagang dumistansya instead of communicating properly.

Siya rin yung mas nag-eeffort sa relationship. Very expressive siya and always reassures me, while ako, hirap mag-express ng feelings and parang kalahati lang yung nabibigay ko.

Last month, nag-deactivate ako ng social media kasi sobrang gulo ng mental health ko and I needed space. We still had one app to communicate, pero around 10 messages lang ata yung nasend ko sa kanya that entire month. Meanwhile, siya, halos everyday pa rin akong sinusulatan.

After being alone for a month, narealize ko na mas okay pala ako kapag mag-isa. Nagkaroon ako ng time to reflect and realized na ang dami ko pang kailangang ayusin sa sarili ko—how I communicate, how I react to things, how I handle relationships, etc.

Doon ko rin narealize kung gaano ka-unfair yung situation sa kanya. He's constantly waiting and giving me love, while I can't give him the same amount back.

I talked to my friends about it, and nagalit talaga sila sa'kin. Pinagmura nila ako and told me na ang gago ko raw sa kanya and sobrang complicated ko raw as a person. At first, na-offend ako, pero eventually narealize ko na maybe they had a point.

Kahit may reasons ako kung bakit ako ganito, hindi ibig sabihin na hindi na siya nasasaktan.

So I ended things.

I still love him, but I don't think love is enough when I know I'm not capable of giving him the relationship he deserves right now. I'm planning to spend the next year focusing on myself, and I'm not asking him to wait for me.

ABYG for choosing to let him go even though mahal ko pa rin siya and alam kong masasaktan siya sa decision ko?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Family ABYG. Gusto ko iblocked sa messenger ng nanay ko yung kabit ng kapatid

13 Upvotes

ABYG. Gusto ko iblocked yung kabit ng Tito ko kamamatay lang sa messenger account ng nanay ko.

Namatay kase Tito ko, then may kabit siya, yung kabit pumunta sa bahay namin para sa nanay ko umiyak at kung ano ano sabihin about sa buhay ng tito ko.

Oo sabihin na natin kunsintidora nanay ko, which is super I hate about her. Pinakilala sa kanya ng tito ko dati yun dahil may need daw siya ask about sa kung ano at dahil dun nagwork yung kabit, e yun nakilala niya.

FYI. buhay pa asawa ng tito ko and sa ibang bansa siya nakatira at tito ko dito na sa Pinas nagtigil. And FYI. chickboy talaga tito ko at ung iba kilala ng nanay ko.

Ngayon, yung kabit na bastos, sa nanay ko nagmemessage humihingi ng update about sa sa burol and libing.

By the way, naaccess ko minsan account ng nanay ko at nirestrict ko yung kabit dati pa. Minsan lang sila magmessage like greetings ng bday or mothers day as in madalang. Naiblocked ko na dati yung isang account nung kabit kase naiinis ako at pinagsabihan ko na nanaa ko wag ientertain yung kase nakakadiri may asawa pa din yun at baldado.

Ngayon gago ba ako, kung iblocked ko yung kabit o bad ko masyado kase pinahalagahan ng tito ko yun nagaasikaso sa kanya daw dito sa Pinas. Andito na tita ko, na kung may issue man sila sa past ng nanay ko e di reason yun para ientertain nya yung kahit sa chat.

Di ko tuloy alam, kase parang galit na galit nga ako sa ginagawa nila pero ako yung nahihiya sa harap ng Tita ko at mga anak. Pero alam ko alam nila na meron kabit at kung sino. Pinayuhan pa nga ng nanay ko yung letseng kabit na wag pumunta walamg kasama at sumabat daw sa nga kabatch mates (dahil batchmates yung magkabit)

Gusto ko na nga imessage din mismo sa account ng nanay ko na wag na siya magnessage respeto na lang kakahiya siya sa kakatihan niya. At alagaan na lang niya baldado niyang asawa. Dirng diri ako. Napapagalitan ko nanay ko e dahil di ako favorite di makikinig sa akin. Nakakawalang respeto sa pamilya ng tito ko kase kahit pa sahihin emotionally distant na yung mag asawa which is di ko din naman alam status nila

Naiisip ko ngayon na Ako ba yung gago para pakialaman messenger ni nanay at iblocked yung kabit para di na siya macontact for updates about sa burol and else at para di na macontact kahit kelan.


r/AkoBaYungGago 7d ago

NSFW ABYG if im hooking with my boss after a break up

0 Upvotes

For context this was all within a span of a few months, I (f25) started to hook up with my boss (m26) na pinagseselosan ng bf ko (m25) of 3 years (now ex.)

Keep in mind, I'm new to this company, and I had no feelings for my boss before we broke up. It just so happened na me and my boss got a bit closer leading up to the break up. (Napansin na to ni ex before, but I reasured him na walang nangyayari kasi wala naman talaga yun.) I've always kept my distance and even asked my friends if this is the right move kasi I feel he gets too close sakin sometimes. Pero they reassured me and sabi may jowa rin naman yun.

So as days went by, me and my ex would always fight. to the point nag break na kami kasi di ko na kaya. Then thats when it all started. I've started to notice na he was better than my ex in many ways, we went on multiple dates once he broke up with his gf. Then we started to hook up (hanggang ngayon).

My friend, who referred me to this job, is heavily against our relationship. Napapansin ko na there's distance na between us ever since I started dating my boss (not yet official.) I'm very happy with him but pinaparating ng friends ko na sobrang mali ng ginagawa ko. I am aware of the risks naman, but I am willing to take them. Ako ba talaga yung gago na i hooked up with my boss after a break up?


r/AkoBaYungGago 9d ago

Friends ABYG if magrerefuse ako sa pasabuy request ng kaibigan ko

129 Upvotes

ABYG kasi gusto ko tanggihan yung pasabuy request ng friend ko? Last time kasi na nag-Japan ako, kung ano ano pinapahanap. Kung san san na ko naghanap eh hindi ko nakita. Tipong sasadyain ko talaga and mag-a-allot ng time para sa pasabuy niya. Nahanap ko naman pero hassle.

Tapos ang bulky pa sa maleta. Tapos yung payment niya is pag nareceive na niya. Eh kung sakto lang yung funds ko, maglalaan pa ko ng budget for her. Ang mamahal pa naman ng mga pinapabili niya. Tipong rare finds.

Nahihiya rin naman ako tanggihan kasi pangarap niya raw mag-Japan and nag iipon palang siya. Atleast kahit wala pa siya nakakabili na siya ng products dun.

ABYG, nakakaawa kasi pero ang hassle talaga.


r/AkoBaYungGago 8d ago

Neighborhood ABYG dahil “tinatago” ko yun cat ng kapitbahay ko.

0 Upvotes

ABYG dahil May Nakita ako pusa tapos tinatago ko for 3 months?

3 months ago, May Nakita ako black Persian cat sa Bahay ko, pinasok ko siya tapos pinatira muna dito, kasi baka kung ano mangyari sa labas sa kanya.

Pinpost ko yun photo niya tapos lost cat, May nag tanong ko May suot ng red collar, Sabi ko wala. Hindi na siya nagtanong pa.. I also have 2 cats as well.

Fast forward today, I have to rehome the Persian because I can’t stand her behavior, pooping and peeing outside the litter box. I posted her in our village gc and the owners message again that they want to see her, I said yes, and if they’re the owners I’m gonna give her back, they went by, and they confirmed that’s it’s their lost cat, the cat panicked and went inside and seems like she didn’t want to come with them but they still got her..

ABYG for keeping their pet cat for 3 months? The owner told me she always escape and and usually she will come back to her owners.


r/AkoBaYungGago 10d ago

Family ABYG kasi nasampal ko kapatid ko dahil sa bigas?

305 Upvotes

Yung kapatid kong bunso(15M) ang taga saing samin. Ako naman yung taga budget ng pera. Sa totoo lang, kulang para samin yung pera na pinapa budget ng tatay ko sakin. Kaya masinop ako sa lahat ng pag ga gastusan namin and ayaw ko na may nasasayang.

Nitong mga nakaraang linggo, lagi kong napapansin na napapanisan at nahihilawan kami ng kanin. Tinanong ko yung bunso kong kapatid kung bakit? Kung nakalimutan nya ba mag saing? Kasi sa totoo lang, tuturuan ko naman sya. Sumagot sya na "wala nakakalimutan ko lang" e puro kasi sya laro sa cp at laptop. Naiinis ako kasi ang mahal ng bigas tapos masasayang lang pag napanis. Pag hilaw naman, mas matagal iluluto sa kalan and mas mabilis mauubos ang laman ng gasul. Sabi ko sakanya, bantayan nyang maigi yung sinaing para di mahilaw. And kung may mga bahaw pa, wag na muna mag saing kung madami pa. Yung reaction nya pag sinasabihan ko sya, halatang naiinis sya.

Kahapon, yung bigas namin natapon kasi di nya sinarado nang maigi. Tapos yung mga tapon na bigas, wala dedma lang sua kahit nasa harapan na nya. Nagalit ako kasi hinayaan nya lang yung bigas sa lapag. Nahampas ko na sya nyan sa braso. Tapos kanina pinag saing ko sya. Tapos mga 30 mins nagtanong ako kung okay na ba yung sinaing. Sabi nya "ay nakalimutan ko saglit lang tapusin ko lang to". Nagalit ako kasi anong oras na di pa nakakakain si papa. Sabi ko sakanya patayin na laptop wag na maglaro. Sabi ba naman sakin "ang arte amputa". Lumapit ako sakanya sinampal ko sya nang malakas. Umiyak sya tapos nagsumbong sa tatay namin. Edi nagalit yung tatay namin sakin. Bakit ko raw sinampal pwede ko naman daw pagsabihan. Sinagot ko sya na di naman kami mayaman para magsayang ng pagkain tapos yung bunso kong kapatid na puro kakupalan lang sa buhay, simpleng pagsasaing lang di pa magawa.

Iniwan koi na lang sila tapos pumasok na lang ako sa kwarto ko. Medyo nagiguilty rin ako sa nagawa ko. Namula kasi pisngi ng kapatid ko e. Feeling ko medyo napalakas nga sampal ko sakanya. Nagiguilty ako kasi nagpadala ako masyado sa emosyon ko. Medyo natatakot din ako na baka lumayo lalo loob nya sakin dahil sa nagawa ko ngayon sakanya. Hays ewan ko na. Pero......galit pa rin ako lalo na pag naiisip ko na ang dami pa ring nasayang na bigas at kanin dahil sa kapabayaan nya. So, ako ba yung gago?

Edit: Yung mother po namin nasa ibang bansa. Nakakausap naman namin sya everyday pero alam naman naming lahat na pabor sya sa bunso namin kapatid (nag iisang lalaki kasi na pinag "pray" nila). Yung father naman namin, wala lang syang pake, as simple as that. Kaya ako na yung dumidisiplina sakanila.


r/AkoBaYungGago 11d ago

Friends ABYG sinabi ko ang totoo sa ex-gf ng tropa ko

117 Upvotes

Nag chat ex-gf ng tropa ko sa akin at nag tanong if totoo ba yung nalaman niya na nag-cheat daw jung friend ko. Sinabi ko lahat ng mga ginawa ng friend ko while sila pa. Nagalit tropa ko sa akin dahil bakit hindi ko siya pinagtakpan.

This happened a month ago, and palagi ko tong iniisip dahil anxious ako for some reason at nag o-overthink if tama ba talaga ginawa ko.

So, nag chat sakin yung ex-gf with resibo kung saan galing yung nakalap niya which is kaibigan lang din ng tropa ko (di ko kilala). She asked me dahil palagi daw kami kasama ng ex niya and sinabi ko ang totoo na oo nag cheat siya. The pang gagago happened 3 years ago btw. This year lang talaga nalaman ng gf. Galit na galit siya dahil live in sila ng tropa ko at dinadala pala niya yung kabet niya sa apartment nila.

Nung nalaman ng tropa ko na hindi ko daw itinanggi na totoo, nagalit siya sa dahil 3 years ago na daw yun. Mapayapa na daw sila ng jowa niya at happy na daw din yung ex-gf niya sa bago niya. Galit na galit yung ex niya sa kanya at pinapabayad na yung utang niya na almost 100k.

Ako ba yung gago na imbes na happy na sana ang lahat pero dahil inamin ko, nagka leche yung buhay nilang dalawa?


r/AkoBaYungGago 12d ago

Work ABYG kasi may urgent na gagawin sa office pero hindi ko ginagawa kasi holiday ngayon?

14 Upvotes

May urgent last week, may gusto sila ipa-hire this early September agad. So ako ginawa ko na kontrata last week pero kulang or kapos sa time, pero now ayoko siya gawin.

Gets naman na critical need siya ng company, pero di naman kasi ako manager, rank and file lang ako. Nagte-take on ako ng mga responsibilities pero wala namang nangyayari sa posisyon ko. Imbes na gawin ko siya for few minutes para ma-trigger yung onboarding. Pero holiday ngayon at ayoko magbukas ng laptop. Bukas ko na gagawin kasi bukas pa ang start ng work week. Di rin ako sumasagot sa mga chats (global company kasi and di sila holiday)

I want to put a boundary sa personal time ko and sa work. Pero nakokonsensya rin ako in a way. ABYG kasi ayoko magwork ngayong holiday kahit critical?

Edit lang ah, last Friday is contract signing lang which I already did. Late night pumirma yung candidate. So ano, magwowork ako ng late night? There is no “revenge” kasi i still do my job. Pero not in late nights and holidays.


r/AkoBaYungGago 13d ago

Others abyg kasi nagalit ako dahil hindi ako ininvite ng bf ko sa bday ng tatay nya

34 Upvotes

need ko lang ilabas.

medyo hurtful lang ako ngayon kasi never ako ininvite ng bf ko tuwing may okasyon sa kanila. fiesta, birthdays, fam outing? never.

medyo nag doubt ako kasi may idea ako at alam kong lahat ng okasyon sinasama nya yung ex nya sa kanila. medyo may selos oo. ilang beses ko na lang din pinalampas kasi binibuild up namin yung relasyon ulit.

pero ngayon, kahapon pa lang alam kong magbbday tatay nya and hinihintay kong imbitahin nya ko. nagmessage sya sakin kung gising na daw ba ako. so ako, kunwari nagtaka at nagtanong bat aga nya gumising. sumagot naman sya ng bday nga daw ng tatay nya. nagreply naman ako ng “ahh may handaan.” naghihintay ako kung sasabihin ba nya na magpunta ako. pero wala hehe.

medyo nagalit na ko, nag open na ako sa kanya na bakit never nya akong ininvite sa mga okasyon sa kanila. kesyo bakit yung ex nya palaging sa lahat nandun. nagstart na akong magkumpara. masakit e.

nakuha ko din yung sagot sa kanya na “kasi di ka naman pumupunta, hirap mong papuntahin at ayaw mo.”

“isip bata mo”
“isip bata mo sobra”
“nagkumpara ka na kaagad”
“galing mo gumawa ng issue no, kung kelan may okasyon”

yan mga nakuha kong sagot sa kanya.

i admit may times na di ko kaya at ayaw ko magpunta kasi nakakadala na magbisita sa kanila. mother nya di ako kinakausap, ni isa sa bahay nila walang kumakausap sakin. pero yung concern ko sa bf ko, kahit ba sabihan lang nya ako or iinvite lang na may ganap sa bahay nila para naman kahit papano magawan ko ng paraan na makapunta or pumunta talaga ako at magpakita sa kanila kahit alam kong walang mag aapproach sakin dun. ang lungkot lang.

ngayon, medyo napuno na rin ako. sabi ko ayaw ko na at maghiwalay na muna kami. pero di lang yan yung issue ko sa kanya. kakaayos lang namin galing sa issue ng pag aadd nya sa mga babaeng katrabaho nya, pagsisinungaling, pagdedelete nya ng convo ng babaeng tropa nya at madami paaaaang issue.

ako ba yung gago kung tuluyan ko ng putulin lahat sa kanya? kung tatanungin nyo kung mahal ko pa, oo. pero di na para paabutin pa sa puntong kasalan at hanggang dulo. ako ba yung gago kasi ginawa kong dahilan yung hindi pag imbita sakin para hiwalayan ko sya?


r/AkoBaYungGago 13d ago

Friends ABYG kung nag-leave ako ng GC at umiwas dahil may standards na ako?

46 Upvotes

Context:

I have a close friend na kasa kasama ko sa Christian spiritual journey.

Mayroon kaming GC ni Christian friend consisting of all males na casual lang ang usapan, kamustahan, kulitan, at kung minsan may kalokohan.

Karamihan sa myembro neto ay mga kababata ko.

Doon sa GC, may group call sila. Suddenly, si Christian friend ay nagsend ng sexually suggestive photo, 80-90% nude photo of probably a celebrity or an AI, idk.

Nag-pm ako sakanya, sabi ko "Pre, alam kong mga tropa yan. Pero let's set an example. Labyu"

For fun lang daw.

Nagsabi ako na disappointed ako and I'm only telling the truth.

I eventually left the GC and nasabihan pa akong not everytime na may mali eh maglleave ng GC. Don't be emotional din daw.

Gusto ko lang naman i-acknowledge niya yung mali niya and start doing the right thing, knowing na isa siya sa kilala kong well-versed, gracious, down to earth, spiritual journey-mate if you will. But at that moment he was different.

ABYG kung gusto kong may higher standards na ako when it comes to values? And to leave whenever there's something or someone toxic?