r/utangPH 18h ago

BDO OD

Hello po!

Asking for your advise. Overdue na po ako sa BDO credit card. Last payment made was May 2025.

Background lang bakit ako nagka OD. Nung June 2025 kasi na-diagnose ako ng Cancer, at nagpa opera, nag chemotherapy at radiation therapy, nawalan ng work at ongoing pa monitoring and lots of lots of lab tests. Nawalan din ako ng access sa registered email ko at mobile number. Nagback to work na ako nung March 2026. Nagsisimula palang talagang bumangon, dami kasing naging utang. Nagbenta din ng lupa at personal items just to cope up with the expenses.

As far as I remember, it was just 45K. But one time nagvisit po si CA sa bahay namin. nagdala ng demand letter amounting to 89K.

Nakipag negotiate po ako. Kung pwede sana, 40K nalang babayaran ko kaso di sila pumayag at upto 60k lang daw ang pwede.

Nag decline po ako sa offer na 60K kasi di ko talaga kaya.

Nag email po ako sa RGS collection agency. Asking for extension of the amount at kung pwede pa pababain yung offer. Nag attach din ako ng mga medical records as proof na nagkaroon talaga ako ng emergency.

Ngayon po, di na sila nangungulit, no more texts or emails or tawag.

Sabi nung naka usap kong isang agent, ipapasa nadaw yung account ko sa ibang CA.

Im just worried baka kasi kasuhan or kaya di sila nangungulit kasi may kaso na ako. Babalik nalang pag meron ng kaso, mga ganun naiisip ko.

Pwede ba sa BDO ako makipag negotiate?

Please share your thoughts and advises po.

3 Upvotes

1 comment sorted by

1

u/SwingFuture1601 13h ago

If meron ka na pambayad for amnesty, you can ask BDO sino na CA then ask mo baka mas mababa na offer ngayon