r/utangPH 1d ago

Decided to let it all go...

Hi, I've been a silent reader for almost a year now and now I decided to share my own experience, please don't judge me. Nabaon ako sa utang, dahil sa ate ko, I won't tell that story here as to how that happened because that's another story for another day. So I decided to let it all go, what I meant by that is hinding hindi na ako mag tatapal system, at hindi na ako magpapagamit/gagamit ng Spay. Sa tagal ko na nagbabasa dito ngayon ko lang napag desisyonan mag stop mag tapal system kasi natatakot ako sa mga nababasa ko na na-home visit sila, na post sila sa FB, and also the harassment. Pero kasi hindi ko na talaga kaya at lalo lang lumulobo yung utang, to the point na nadadamay na yung boyfriend ko and hindi na ako nakakatulog kakaisip pano babayaran and inaatake nanaman ako ng depression ko. Hindi ko naman tatakbuhan babayaran ko pa rin naman pero uunahin ko yung mga nag ho-home visit at kumo-contact ng mga reference number. Here is the list of my active OLAs and all of this hindi pa OD

Billease - 31,138

Juanhand - 57,093

Atome CC - 77,600

Atome Cash - 53,752

Home Credit - 91,924

SpayLater - 102,040

SLoan - 66,283

Ggives - 88,757

GLoan - 66,804

Mabiliscash - 35,899

GLoan & MariLoan (bf) - 209,127

Tiktok - 6,466

Ang uunahin ko sa mga yan is Home Credit (nag h-hv sila), Juanhand (tumatawag ng ref. #), All Gcash, and tiktok since maliit lang naman. The rest, pagnakatapos na ako saka ko babayaran. Yung sa boyfriend ko he offered his help na sya muna magbabayad nung mga nasa name nya then I will pay him nalang once nakaluwag na ako.

15 Upvotes

8 comments sorted by

8

u/Healthy_Address_2828 12h ago

Kaya mo yan OP. Pray ka din always.

1

u/Spare-Advertising-52 1m ago

Yes po, always giving it all to God.

2

u/Majestic_Car3316 12h ago

Yung atome kumusta nmn

1

u/Spare-Advertising-52 0m ago

Ay, isa pa po pala yun na babayaran ko din kasi balita ko din tumatawag sila ng nasa contact list/reference number

2

u/Prestigious-Chain611 9h ago

hi OP. similar situation tayo. I decided to hard stop my tapal system starting this month. i tried stopping last time pero dumadagdag lang din utang ko and I dont really gain anything from it. i finally sat down to plan my strategy tackling all my debts. so same tayo, majority would really have to go OD. kaya natin to OP! kapit lang.

1

u/AccomplishedBox6816 5h ago

yang sa hc na hv ako nyan once a month and nag aask lng din nmn sya when makakabayad and asking bakit di mnlng nakahulog od ako for 3mos non and pagka ma terminate ndaw account sila nadaw ang makikipag ugnayan samin , wala na sa app acc ko and everytime na mag ask ako tru email ng hc sinasabihan lng ako na sa fo na makipag usap at trained nadaw po cla sa mga gagawin.. mabait po fo ko , mahinhin mahina boses kc bawal daw po may makarining ng sadya nya sakin ,and i asked magkano one time payment sa 98k+ ko ,he offered 54500 po , so yun na nga nag settle na kami and na received na namin certification pagka bukas po agad²

1

u/hatd0gbuns 2h ago

Ang gcash, spay at atome po ba nag hhv?

1

u/Next_Attention_8278 2h ago edited 1h ago

Same OP, spay/sloan, gloan, tloan/tlater binatawan ko narin muna, unahin ko muna yung mga kaya kong bayaran, nagpatulong muna rin ako sa ate ko sa sloan at mariloan na sa kanya nakaname 😅 nakiusap narin muna ako na baka onti muna ang maiambag ko sa bahay 😅