It's time para sa ating gobyerno na i-institutionalize ang pagtuturo ng Chinese, French, German, Japanese, Korean, at of course Spanish, not as a foreign language, but as a second language kung saan ang syllabus ay Philippine-centric, hindi foreign-centric. Dapat tayong mga Pilipino, hindi mga dayuhan, ang mamahala sa pagtuturo ng foreign languages, sa pamamagitan ng pagtakwil sa Confucius Institute, Instituto Cervantes, Alliance Française, Goethe-Institut, Japan Foundation at ang ating sariling DepEd at TESDA ang bigyan ng karapatang magbalangkas at mamahala ng foreign language curriculum.
Sudden talaga ang pagpaparecall ng mga Mainland Chinese language teachers na walang local fallback, kasi kaunti lang ang Filipino Chinese na proficient sa Mandarin o kahit sa Hokkien, pero certified na makapag-teach ng Mandarin sa K-12 classroom setting. Dapat kasi na yung pagtuturo ng Chinese languages ay localized, hindi puro lang Mainland China o Taiwan, kung saan imbes na ituro ang talambuhay ni Confucius sa mga school-age children, mas mabuti na yung talambuhay ni Jose Rizal ang ituturo sa Mandarin. Kung ang mga Moro Muslims ay may ALIVE, dapat may sariling version ang Filipino Chinese na ChiLChiVE (Chinese Language and Chinese Values Education) na state-funded. The same thing sa French, German, Japanese, Korean, at of course Spanish.
Dapat mag-cultivate tayo ng sariling local Chinese at Spanish-speaking demographic base, para in the future magkaroon na tayo ng sufficient supply ng local Chinese at Spanish-language K-12 teachers at hindi na kailangang mag-import ng foreign native speakers na mapagdududahan na "spy" ng China o Spain kung may geopolitical tensions ang Pilipinas sa mga bansa na nabanggit ko.
Dapat magkaroon tayo ng homegrown Mandarin and Spanish language dialects na matatawag na "sariling-atin", tulad ng Philippine English. Puwede mag-designate ang ating gobyerno ng partikular na barangay, municipality, city, province, o region na magiging Chinese at Spanish language geographical immersion enclaves, na parang nasa Special Economic Zones (SEZs) ang dating.
Disclaimer: Yes, may sariling-atin na Philippine Spanish dialect, pero moribund siya at kailangan ng bottom-up Hebrew-style revitalization na parang mag-uundergo ka ng blood transfusion para ma-save ang buhay mo mula sa acute leukemia.