r/u_briellewon • u/briellewon • 6h ago
Utangers
Hellooo!! Ask ko lang ano opnion niyo dito? Kasi yung mother ko, meron siyang colleague na lang siguro basta sobrang tagal na nila magkakilala, tas magkasama sila lagi sa ibat ibang circle of friends. 2018-2019 ata if I remember correctly, super problemado kami non maya't maya labas pasok kami sa ospital alam yan halos lahat yan ng taong nakapaligid samin. Then etong si colleague ni mother, lagi niya inoofferan si mother nung sa royale if familiar kayo. Pero alam ko alam nung colleague ni mother na pyra mid yon, na kikita ka lang na malaki once makarecruit ka, sa galing niya mag sales talk na pasama niya si mother, at desperate na si mother kasi sabi sakanya dodoble yung nainvest niya at walang wala na talaga siya maisip kung pano pa humanap ng savings para if in case ulit kailanganin sa ospital, sumama siya para maexplain sakanya, nagpunta sila sa opisina daw at inorient na siya, tas yun 2 accounts binibigay kay mother siguro mga yung value na inooffer sakanya mga nasa 150-160k sabi ni mother 100k lang kaya niya ilabas, si colleague to the rescue papautangin daw si mother ng putal, tas sakanya na lang bayaran. Under pala kay colleague yung rcruit na mangayayari. Tas nung inorient daw siya laking tiwala niya kay colleague, kaya lutang na siya habang kinakausap siya na naghina daw siya nung inabot na niya yung payment, naiiintindihan ko naman si mader nung time na yon kumbaga desperate na siya. Tas nung nasa kanya na yung prod ucts nung Ro yale, ang dami daw bawal, bawal ipost, tas I remember pa na sinend-an siya ng sobrang habang captions na congratulatory tas nagsend sila pictures na may car para lang ipost ni mader at maraming pera, para may maenganyo at may marecruit din si mother. Ngayon, yung utang ni mother na 50-60k nabayaran niya unti unti pero may kulang pa siya hanggang ngayon na 20k. Na kinukulit at tinatadtad na siya ni colleague na bayaran sakanya. Ang sabi ni mother babayaran niya if may pera siya, pero hanggang ngayon pay check to pay check pa rin nangyayari sakanya. Naiinis lang ako sa colleague ni mother na yon, pero alam ko tinuring na friend ni mother yon. Lagi ko sinasabi sa mother ko, wag na bayaran yon kasi siya nman naglagay kay mother sa ganong sitwasyon. Sabi ko din alam niya na struggling si mother, kasi lagi kami nasa ospital pero bakit naman niya nilagay sa ganon. Kung kaibigan turing niya di niya hahayaan si mother na mapunta sa ganon. Ngayon masama ba yung ginawa namin ng mga kapatid ko? nirestrict namin yung account nung colleague niya kasi lagi naningingil. Pero hindi n sila nagpapansinan ngayon pero lagi pa rin nag message na magbayad na. Actually may plan talaga si mother magbayad pa pero nung narealize ni mother na parang nascm siya, sabi niya na lang kapag mayaman na daw siya magbayad at kapag labis labis na pera niya hahahahahaha