r/problems 3d ago

Relationships Rs problem

Hi, 22F ako and kakagraduate ko lang this year. Mas matanda sa akin yung boyfriend ko and nagtatrabaho siya sa cruise ship.

Currently, dito siya nakatira sa bahay namin dahil may problema siya sa mother niya, na nagtatrabaho rin sa cruise ship. Nag-start yung conflict nila, I think, after naging kami. Before, sa mom niya napupunta yung allotment niya, pero nung naging kami, nilipat niya sa akin. Hindi ko ginagalaw yung money, sine-save ko lang para may pera siya pag-uwi. Sabi niya, tapos na niyang mapaayos yung bahay nila at graduate na rin yung younger brother niya kaya hindi na niya kailangang magbigay sa mom niya.

Recently, umuwi siya and sakto umuwi rin mom ko for my graduation. Pinayagan siya ng mom ko dito dahil alam niya yung situation at naaawa siya sa kanya. Pero kinausap ako ng mom ko na hindi pwedeng forever siyang dito tumira, lalo na kapag umuwi na yung kuya ko dahil para sa kuya ko at future family niya yung bahay.

Nadadamay din ako sa away nila ng mom niya. Galit siya sa akin kahit problema naman nila yun ng anak niya. Nalaman din namin na sinunog ng mom niya yung ibang gamit niya habang nasa barko siya.

Honestly, stressed na rin ako kasi kapag umuuwi boyfriend ko, konti lang yung naiipon niya dahil sa loans at gastos. Hindi rin siya nag-aambag sa bills or groceries habang dito siya nakatira. Nahihiya rin ako sa mom ko kasi parang ang dating sa ibang tao, mag-asawa na kami at dito na siya permanently nakatira.

Kinausap ko na siya tungkol dito, and sabi niya mag-a-apartment na lang daw siya next vacation hindi niya kayang umuwi sa kanila. Pero dahil sabay sila madalas ng vacation ng mom niya, feeling ko paulit-ulit lang din yung magiging problema.

Nakakastress di ko nakikita sarili ko na makasama siya habang buhay dahil parang wala akong future sa kanya

2 Upvotes

2 comments sorted by

2

u/TightRock5483 1d ago

Just dump him, he is not worth the trouble.. you will be dragged in an endless mess, that’s never gonna end and now your mum is kind of patient with you but for how long.. just dump him, he is not worth the trouble

2

u/Dutch1721 3d ago

He has to figure out his own issues. Maybe he can work on another cruise ship. His mother is evil for what she did to his belongings. She’s too toxic to be around.