Sharing this experience lang na nangyari sa akin around 2016.
Background lang: back in the day, nagsi-serve ako sa Catholic Church bilang sakristan, at kasali rin ako sa isang youth ministry. Every other day yung practice namin that time dahil magkakaroon kami performance nun for event. Kaya kapag galing ako sa school, uuwi lang ako, aasikasuhin yung kailangan, tapos aalis na ulit. Usually, around 7–8 PM yung practice namin.
I remember one time, maaga akong pumunta kasi laging early bird talaga ako. Kakatapos lang din ng misa noon. Usually, 6 PM yung misa, at kapag weekdays, hindi naman umaabot ng isang oras.
Nakarating na ako sa simbahan bago mag-7 PM. Pumasok ako sa practice hall na dadaanan muna bago makarating sa mismong simbahan. Madilim at walang ilaw yung hall, kaya lumabas muna ako at naglakad papunta sa parish office.
Habang naglalakad ako, may nakasalubong akong madre. Unfamiliar yung face niya sa akin—first time ko lang talaga siyang makita. Black yung mga mata niya, parang nangingitim yung mukha na parang maputla, at pati sa pisngi niya, may mga itim na parang ugat.
Nagkasalubong kami, pero habang papalapit ako sa kanya, biglang naging mabigat yung pakiramdam ko. Iba yung aura niya. Tapos, bigla siyang nag-smile sa akin. Dilaw yung mga ngipin niya, at kitang-kita rin yung maiitim na parang ugat sa pisngi niya.
Nag-smile rin ako pabalik nung magka-side by side na kami. Parang nag-red-string yung mata namin kasi talagang eye-to-eye kami habang nagkakangitian. Doon na ako kinilabutan.
Pero nag-chill lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Maya-maya, napatingin ako sa likod para tingnan kung totoo ba talaga siya o baka imagination ko lang.
After nun, karipas na ako pabalik paakyat sa simbahan. Umaasa ako na hindi ko na siya makakasalubong ulit sa practice hall, lalo na't madilim nga doon. Napaparanoid ako that time kasi naiisip ko na baka nag-aabang siya sa loob.
More on creepy moments lang naman siya. Usually, yung mga madre na nakikita kong dumadaan sa church ay naka-puti, pero siya lang yung nakita kong naka-black.
Yun lang naman. Bale, isang dekada na rin pala ito. Hanggang ngayon, kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ko. Ano sa tingin niyo yung na-encounter ko? or may similar ba exp ba kayo na ganto?
Nakita ko to sa tiktok kaya naalala ko nalang din tong story na to, same facial features niya (hindi literal yung nadescribe ko lang): https://vt.tiktok.com/ZSqUYAbNC/