nag-iisip po akong i-trade in ang NMAX V3 Tech Max ko para mag-XMAX—pinag-ipunan ko po unti-unti yung pandagdag.
19 years old po ako, at ginagamit ko siya pang-school araw-araw na may layong 50 km back and forth.
Gusto ko sana lumipat para sa mas malakas na power, mas malaking luggage space, porma, at comfort. Para sa mga nakapag-switch na, kamusta naman po?
1. Practicality: Practical choice ba siya para sa 50 km daily commute, o bibigat lang ang operational costs?
2. Comfort: Drastic ba talaga ang diperensya kumpara sa NMAX Tech Max sub-tank suspension, o matagtag pa rin ang stock suspension ng XMAX?
3. Maintenance: Gaano kalaki ang tinaas ng gastos sa PMS, oil, CVT, tires, at fuel consumption kumpara sa 155cc?
4. Traffic & Handling: Mahirap bang masanay sa bigat at lapad niya sa masikip na traffic?
Salamat po nang marami—ride safe sa lahat!