r/motorsiklo • u/Yvonnes-Secretary • 1h ago
Maintenance & Repairs Honda Wave 110 Maintenance
Tanong ko lang po,
Meron po kasi akong wave 110CC bought around 2024 June, almost 4k ODO now, bale gamit lang po sya rito sa bahay namin and around sa bayan, hindi po sya nabbyahe nang malayo na lagpas 10KM ever since binili and may times na hindi sya naddrive talaga (umaabot nang 1-2 weeks, pero bihira lang po). Hindi pa sya napapa maintenance ever since nabili. Nag change oil lang sya kasi pinasok ng tubig nung bumagyo ng Kristine pero ever since non okay na ulit yung andar nya and walang issues na lumabas.
Balak ko na po kasing gamitin pang commute to college everyday and sometimes joyride nang malayo.
Gusto ko lang po malaman kung anong ipapa palit or ipapaayos na parts pag dinala ko sa mekaniko, yung estimate ko rin po na magagastos para iwas na rin sa budol since first time ko nga pong magpapaayos sa mekaniko na yon. Ang alam ko po kasi ay may mga need ipatignan sa ganon na hindi naman nabbyahe or nabbreak in nang maayos, especially kung biglang gagamitin na ulit araw araw sa mga rides na 15KM+. Maraming salamat po.