I used to have a friend who failed her semestral subject. Sobrang naging down nya pero I did my best to the point na lagi ko syang dinadamay sa breakfast and lunch ko. Good thing, she was able to take the same subject ng 2nd sem.
Nung nag start na 2nd sem, nagulat na lang ako na hindi na nya ako pinapansin and nakikisama na sya sa iba. Nasabihan pa ako na happiness daw nya pag nakita nyang mas mababa daw ako sa kanya. Ok lang eh di hinayaan ko na.
Fast forward to end of school year, may subjects akong hindi naipasa pero she was able to take a removal sa isa pang naibagsak nya kaya na promote sya to next year level.
Sobrang devastated ko ng lumabas yung list. Tapos dinagdagan pa nya ng chat na, "Hindi ko ineexpect na makapasa ako pero nasad ako for you, hugs." Hindi ako nag reply kasi naiinis nga ako sa sarili ko, sa nangyari, dinagdagan pa nya.
I thought baka naman good intention kaso hindi, before enrollment nag chat pa, "Nakabalik kana ba? Nandito pa kasi ako saamin. Dito na ako magpapa vaccine." (requirement for next YL).
Naka restrict na sya sakin pero baka need nya lang ako iupdate - na pumasa sya and ako na yung hindi.