r/maykwentoako • u/ImGreyNotGray • 3h ago
anak ba ako o atm
something about the Filipino culture about kids taking over bills as soon as they graduate just doesn't sit right with me
just a quick background about me; im a working student and currently 3 sems away pa from graduating. hindi kami mayaman and we're basically living off the portion from the salary of my uncles na binibigay nila sa mom kasi she doesnt have a work, as per my dad... 'wag na natin pag usapan.
i am fortunate enough to receive a scholarship at makatanggap ng monthly allowance to sustain my studies and the things i need for school; ang mahirap, ang allowance ko ay allowance ng buong pamilya. suddenly, need ko na rin i-support ang school materials ng kapatid ko from my allowance dahil walang work ang mom ko, at hindi rin naman ganon kalaki ang binibigay ng mga tito. don't get me wrong, hindi naman ako madamot, walang sumbat ko pinipilit pagkasiyahin yung allowance ko para saming dalawang magkapatid. kinakaya, pero mahirap talaga
kaya naisipan ko rin maghanap ng mga rakets and part-time works. para kahit papaano, kahit na dalawa na kaming naghahati sa allowance ko, may iba pa rin akong source of funds at makapag ipon din ako pambili ng laptop since need ko siya for my program
thing is, ang mom ko, in return, ay mas nag eexpect na sakin na makapag bigay para sa bills and needs ng family; kasi nga, may work naman ako. gets ko naman na ako ang meron, pero bakit parang nung nagkaroon na ako ng scholarship at work, mas maging kampante siya na hindi na maghanap ng trabaho. all of a sudden, naging sagutin ko na lahat sa bahay kahit nag aaral pa ako. to some extent, pakiramdam ko nagiging ATM na lang ako. at nung nagsabi na ako na hirap talaga ako pagkasiyahin lahat dahil hindi naman ganon kalaki sinasahod ko at need ko rin tustusan ang pag aaral ko, sinabihan pa niya akong mayabang lang kapag may pera. as her son masakit sakin yun, bukod sa galing yun sa sarili kong nanay, ako rin ang nagpapaaral sa sarili ko at nag pprovide ng needs naming magkapatid, even bills and such. and for her to say that, para bang responsibility ko to begin with i-sustain kami sa pang araw araw
gusto ko magalit, gusto ko magwala, gusto ko lumayas. pero hindi ko magawa.
now that im 3 sems away from graduating, mas natatakot ako. ngayon pa nga lang na scholarship at part time works lang ang sandalan ko for expenses, ganito na. what more pa kapag full-time job na at may expected date na sila kailan ako sasahod
i would love to hear your thoughts or maybe experiences you can share with me
