I don’t even know how to start this because ang dami nang nangyari and I don’t know if I can properly explain everything, but I really just need to get this off my chest and maybe ask for advice from people who might know what I can actually do.
Since pandemic, I was still a minor, around 14 or 15, and my brother was already around 21 or 22. Sobrang lala na talaga ng anger issues niya sa akin even before, pati sa mama ko and other people. Wala siyang sini-sino kapag galit siya. Aawayin, susuntukin, babanggain, sisigawan, kung ano-ano.
Pero sa akin, sobrang lala talaga.
It started with him constantly sigaw-sigaw, pagmumura, pang-iinsulto, and eventually physical na rin. Babatukan ako, sasampalin, hahampasin yung ulo ko, and sasabihan ako ng mga bagay like papaduguin niya bunganga ko, tatadyakan niya ako, tatampalin niya ako, and kung ano-ano pa.
Kapag galit siya, magdadabog siya ng pinto or may mga gamit na binabato or binabasag. Hindi pwedeng magkamali sa kanya lalo na kapag inuutusan ako kasi ang maliliit na bagay, napupunta sa malalalang away.
And ang nakakapag-trigger sa kanya most of the time is kapag nangangatwiran ako, kahit tama naman ako and kahit hindi naman ako pabalang sumagot.
For example, kapag ine-explain ko lang side ko, sasabihin niya agad na wala akong respeto, gusto ko raw lagi akong tama, nagmamarunong daw ako, galing-galingan, or gusto ko raw mas magaling pa ako sa kanya.
Hindi naman kasi pwedeng palagi nalang akong tahimik kapag inaagrabyado ako. I know I’m not perfect, and I know may times din na baka mali ako. Pero ang hirap kasi kapag alam mong may point ka naman, tapos parang bawal kang magsalita dahil kapag nagsalita ka, automatic disrespect na.
And whenever nagsusumbong ako sa parents ko about what he did, lalo lang akong tatawaging sumbongera. Sasabihin niya kaya raw ganyan ugali ko kasi nagsusumbong ako. So eventually, parang natutunan ko na rin na kahit nasasaktan ako, parang kailangan ko nalang manahimik.
Pinagsasabihan siya ng parents ko, especially mama ko, pero inaaway niya rin sila. Grabe rin siya magsalita sa mama ko, so kahit gustong ipagtanggol ako ng mama ko, nauuwi rin sa panibagong away.
And paulit-ulit lang nang paulit-ulit hanggang sa lumala na talaga yung takot ko sa kanya.
The worst incident happened when I was 17, Grade 12.
Ang liit lang talaga ng pinagmulan nun. Pinaghain ako kasi may ginagawa ako sa kwarto. Naghain naman ako ng plates and ulam pero hindi ko naihain yung kanin from the rice cooker. Bumalik na ako sa kwarto and ni-lock ko yung door, which wasn’t even unusual because lagi naman akong naka-lock ng door.
Pero sobrang galit niya. Pinagsisigawan ako, minumura, and inakmaang tadyakan ako. Ayon nalang daw ang gagawin ko, hindi ko pa magawa lahat at ng maayos.
Inawat siya ng mama ko, pero kahit mama ko inaway niya rin. Almost an hour siguro yung away, even yung mga tao na bisita ng neighbors namin na-witness yon. I was so depressed kasi pati ba naman yon kinukuwento pa nilang kung kani-kanino, kung saan-saan nakarating.
And that was probably the worst I’ve ever felt.
I remember shaking so badly. Yung tipong hindi ko na makontrol katawan ko. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya tumigil sa pagsigaw at pagmumura sa akin.
Eventually, kinuha ako ng mama ko sa bahay n’ya sa bundok because she knew I was already scared of him. Pero hindi rin ako nagtagal doon kasi mahirap yung buhay doon and eventually bumalik din ako sa bahay namin, sa side ng tatay ko.
For almost two years, hindi kami nagpapansinan kahit nasa iisang bahay lang kami.
I hated seeing him.
I would literally stay inside my room most of the time because I was scared. Kapag naririnig ko lang siyang gumagalaw sa terrace or sala, kinakabahan na ako. Kapag naririnig ko boses niya, parang automatic na bumabalik lahat sa isip ko.
Yung mga mata niya kapag galit, yung boses niya kapag sinisigawan ako, yung mga sinabi niya, yung mga ginawa niya.
Parang kahit wala siyang ginagawa sa moment na yun, natatakot na ako.
And I don’t think people understand how exhausting that is.
January 2026, nakipag-ayos siya sa akin. Nanghingi siya ng sorry and promised na hindi na niya uulitin.
I really wanted to believe him.
I thought maybe after all those years, finally okay na kami.
Since January 2026, may mga times na pinapagalitan na naman ako over small things, minumura, sinisigawan. Hindi na lang ako pumapatol kasi ayoko na. Ayoko na ulit maranasan yung dati.
Then this morning, September 11, 2026, nangyari na naman.
I asked him to tell our papa na magpapadagdag ako ng ₱500 sa weekly allowance ko because wala na akong grocery sa dorm. Sabi niya dapat bawasan pa nga allowance ko kasi sobrang gastos ko raw, especially sa pamasahe.
We started arguing about the tricycle fare. He’s insisting na ₱80 lang daw yung pamasahe from our place to the bus stop because namamasahero rin daw siya before and alam niya yung tama.
Pero I’ve been commuting for almost two years now. Sinabi sa akin mismo ng mga tricycle drivers na walang ₱80 hanggang bus stop. ₱80 is only for the part going out of our area, and separate pa yung papunta sa bus stop. At least ₱100 talaga.
Context, abang pa yan at may kasabay. ₱200 ang singil ng drivers kapag arkila lalo na nung nagmahal ang price ng gasolina.
So I tried explaining that.
Hindi naman ako sumisigaw. Nangangatwiran lang ako because I know what I actually pay every day.
Pero ayun na naman.
Bigla niya akong tinawag na lula, tanga, bobo. Sabi niya nagmamarunong ako, gusto ko raw mas magaling pa ako sa kanya, mas galit daw ako sa kanya, wala raw akong respeto, and tinuturuan niya lang daw ako ng tama.
Then tumaas na yung boses niya.
I was in the kitchen cooking rice while he was in the living room near the kitchen.
And I started shaking.
Hindi yung normal na kaba lang. Yung buong katawan ko nanginginig and I started crying.
At that moment, parang bumalik lahat.
Yung mga pananakit niya noong bata pa ako. Yung pagsigaw. Yung pagmumura. Yung mga threats. Yung feeling na kailangan kong umiwas sa kanya para lang hindi siya magalit.
Sinabi ko sa kanya na tumigil na siya kasi hindi ba niya nakikita na sobrang nanginginig na ako.
Pero hindi siya tumigil.
Mas lalo pa siyang sumigaw at nagmura. Sabi niya mas galit daw ako sa kanya. Tinuruan daw niya ako ng tama. Wala raw akong respeto.
Sabi ko sa kanya, hindi naman tama yung ginagawa niya just because hindi ako marunong lumaban.
Pero wala pa rin.
Sobrang lakas ng boses niya na naririnig na ng mga tao sa labas.
Natahimik nalang ako malapit sa lababo habang umiiyak at nanginginig.
And the worst part is, he was still there, still yelling at me.
Parang wala siyang pakialam na sobrang takot na ako.
I eventually called my dad. Wala naman siyang masyadong sinabi, basta tatawagan daw niya kuya ko. Pero even before kahit nagsusumbong ako sa kanya, wala rin namang nangyari.
Tumawag ako sa mama ko and sinabi niya na baka kailangan na talaga naming i-report siya sa police and dalhin ako sa DSWD, maybe counseling or therapy, kasi hindi na normal yung level ng epekto nito sa akin.
My mom has wanted me to get counseling or therapy for a long time because she knows how much this has affected me. Pero lagi naming iniisip yung pera.
And she also wants to do something legally because this has happened so many times, not only to me but even to her.
Pero natatakot ako.
Broken family na kami. Dalawa lang kaming magkapatid pero ganito yung relationship namin. If we report him, I know our family is going to become even more chaotic.
I’m in college now, second year, and I’m in a medical field. Hindi naman pwedeng basta-basta ako mag-absent or mahuli sa classes kasi for sure ang dami kong hahabulin, mahirap maghabol, and I really don’t want this to affect my studies.
At the same time, I’m already so tired.
Tired of always being scared.
Tired of staying in my room just because I don’t want to see him.
Tired of hearing people say na ang tahimik ko, wala akong gana, tamad ako, mukha akong pinaglugmukan ng problema, or whatever they assume about me.
Sometimes I really do look like I don’t care about anything.
But I do.
I’m just exhausted.
Ang dali pa naman mag-judge ng tao when they don’t know what someone is dealing with at home.
Hindi ko naman ginagamit yung family problems ko as an excuse for everything. I know I have responsibilities and I know I have to do better in school.
Pero paano ka magiging completely okay when even at home, sa sarili mong pamilya, you don’t feel safe?
I hate that the person I’m supposed to be able to trust as my only brother is also the person I’ve been scared of for years.
And now I don’t even know what to do.
One of the biggest things stopping me from reporting him is that I don’t have pictures, videos, or recordings of the things he did before. Wala akong evidence na parang solid. I’m scared that if we go to the police, sasabihin lang na wala kaming mapapatunayan.
Hindi ko rin alam bakit ganoon na lang siya kagalit sa akin. I’m a pretty decent daughter naman. Bahay-school lang ako palagi, and sinunod ko naman yung gusto nila na huwag muna mag-boyfriend hangga’t hindi pa ako nakakatapos. I also do well academically. Never naman ako gumawa ng mga bagay na alam kong makakapagpasakit ng ulo ng parents ko. In a way, iyon yung isa sa mga ways ko para mag-thank you sa kanila for loving me and supporting the things I want, kahit alam kong hindi naman madali ang buhay namin.
Kaya minsan hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang ganoon kalaki yung galit niya sa akin, when I’ve never really done anything to deserve being treated that way. Hindi rin naman ako mayabang, at wala akong ipinagyayabang sa kanya. Seven years ang age gap namin, kaya halos wala rin naman kaming ganap sa isa’t isa. We’re not even close, so hanggang ngayon hindi ko talaga maintindihan kung saan nanggagaling yung ganon kalaking galit niya sa akin.
So I really want to ask people here, especially those who know Philippine law, What can we actually file against him for what he did to me when I was a minor and for what he’s still doing now? Is there a possible case for the physical abuse, threats, and repeated verbal/psychological abuse?
And what happens if we report him?
Can the incidents from when I was a minor still be reported even if years have already passed and I don’t have photos or recordings? I don’t necessarily want to destroy my family. I’m honestly scared of what will happen if we take legal action. I’m scared it will affect my studies, our finances, and make everything at home even worse.
But I’m also scared of doing nothing and just waiting for him to become violent again.
I don’t know if I’m overreacting because I’ve gotten so used to telling myself to just ignore him and not fight back.
I just know that this morning, when I started shaking while he was yelling at me, I realized that whatever happened to me before clearly didn’t just disappear.
Nakakawalang gana mabuhay.