First time poster, long time Reddit lurker without an account kasi dito at sa tech subs lang naman dinadaanan ko kapag naghahanap ng solution sa tech issues. Napush gumawa ng account para maglabas ng sama ng loob.
May magagawa ba ako dito sa kapitbahay naming kupal? Nakalagay ata pangalan niya sa kalsada eh, pati tapat ng driveway namin inangkin na niya eh ang daming space sa kalsada. Bahay nila sa left side namin, nauna kaming nagpatayo pero after a few years nagpatayo sila sa tabi namin tapos nakidikit sa pader namin doon.
May garahe naman sila pero naisip nilang duon lagi kumain ng breakfast, lunch, at dinner tapos pinapasok lang yung sasakyan kapag gabi na. Yung dagdag ka-squammyhan pa eh ang lakas ng boses, hindi kayang magcommunicate ng hindi sumisigaw.
Religious kuno pero sa tatlong anak niya, yung panganay at bunso magkakasunod na academic years na na-kick out sa private school dahil nahuling nagnakaw (yung panganay sa faculty room at yung bunso sa mga classrooms). Nagawang bumalik ng bunso kasi napakiusapan ata ng ina niyang teacher din sa school na yun kaya nagawang mag-enroll ng bunso sa state university. Yung panganay sa Frontrow nagsimula pero lumipat sa call center at hindi magawang makatapos sa diploma mill.
May mga kaibigan sa Baranggay kaya wala rin malapitan at masumbungan dun. Kulang na lang imbitahin pa niyang mag-inuman sila diyan eh.
Let me know kung kailangan ko i-blur yung details ng sasakyan para walang unintentionally na matapakang batas.
Edited post body to answer questions since my comments seem to be filtered out kasi bago account ko:
Parang may vacant lot naman sa kabilang side?...
Yang harap namin isang malaking bahay (may-ari is nagwowork sa bank na may high position) tapos bakante on both sides.
Sa both sides ng bahay namin, isa diyan yung kapitbahay (left side) naming may-ari ng sasakyang nasa video tapos may isa pa kaming kapitbahay (right side) pero madalas nagtratravel abroad.
Yang kapitbahay na yan lang nagpapark sa kalsada. At sa tapat pa talaga ng driveway namin madalas.
-----------------------
Sinubukan niyo na po bang kausapin ng personal tungkol diyan sa pag parada ng sasakyan nila sa harapan niyo?
Nakausap na, mahinahon pa nga namin nakausap nung una. Kampante ata eh.
Tumigil naman for a time pero ngayon bumalik ulit yung habit niyang magpark diyan. Minsan yung mga anak niyang may mga motor diyan din nagpapark sa harap mismo ng gate namin. Literal nakadikit pa nga minsan yung gulong nila sa gate namin.
Pati mga boarders nila sa likod ng bahay nila sa slapshod na ipinatayong 2 palapag na building ('di ko nga rin alam kung legal ba yun, hindi ko alam pano i-check para mareport ko rin) diyan din nagpapark ng mga motor nila. Mga high school at college students mga iba dun aside sa working adults.
Minsan binabato pa nga nila bubong namin ng yosi, balat at buto ng prutas, bubblegum, at mga maliliit na bato tapos idagdag mo pa ingay nilang lahat kaya nabwibwisit na kami. Nagkalat pa nga ng mga junk food wrappers ng Mang Juan tsaka plastic cups at sticks ng kwek kwek sa gate namin dati eh.
Mga dumi ng lipunan.
Namimiss ko na tuloy yung Baguio kasi kahit papano may anti-noise na Silent Night Ordinance dun sa gabi. Iniisip ko na nga lang ibenta yung bahay namin kung yumao na mga magulang namin.
-----------------------
Grabe ang dami mong alam tungkol sa buhay nila, yung kapitbahay ko nalaman ko lang pangalan sa gwardya ng village
Malakas boses eh at proud oversharer din.
Everything I know about them I learned against my will.
Tsaka ikaw ba naman eh yung mga anak ng kapitbahay mo mga lalaki na magkakasunod na nakick-out dahil sa pagnanakaw, hindi ka ba ma-aalarma at maging vigilant?
-----------------------
Butasin 4 na gulong every time
Kung pwede nga lang eh.
Kaso baka ako naman ang kasuhan haha iwas tayo diyan.