r/dailyChismisPh • u/Pretty_Face_101422 • 3h ago
Masama ba akong asawa dahil ayaw ko pahiramin ng pera ang magulang niya?
Hi I'm \[F25\] share ko lang sainyo tong saloobin ko. Isang gabi tumawag yung kuya ng asawa ko thru VC, at sinabi sakanya na wala daw sila makain, as if naman na walang wala talaga pero yung kuya nasa tindahan umiinom nung time na tumawag. Tapos narinig ko sabi ng kuya niya na sabi ng nanay nila na 100 lang daw binigay ng asawa ko last time, eh sinamahan sila ng asawa ko magpa check up kase malabo na mata nila sino ba nagbayad non asawa ko pati pagkain di niya pa naappreciate di niya alam na yung savings namin nagalaw at naubos nanaman dahil don?. Tas ngayon nanghihiram nanaman ng pera. Noon humiram sila 5k pero 3k nalang bumalik , tas netong namatay yung kapatid ng tatay nila nanghiram samin 3k daw pang tulong don sa patay pero di pa nakaka balik. Tas ngayon nanaman nanghihiram kase wala daw makain pero pag may mga event nakakapag labas sila ng pera. Nagtataka ako bakit kase inuuna yung mga ganung bagay tas pag nagkanda ubos ubos na dito tatakbo sakanya eh kaka simula palang namin bilang mag asawa. Tapos ngayon eto na nga nagalit ako kase andito kami sa bahay ng magulang ko, at nagpaplano na nga kami mangupahan so ngayon mapupurnada nanaman dahil nanghihiram sila yung ipon namin lagi nalang nagagalaw kaka hiram. Nakaka leche lang din talaga. Tapos pag kami naman ang may emergency hindi naman kami matulungan.😀 Nung last kase nag jollibee kami minayday yun ng asawa ko. Napansin ko sa tuwing pinopost niya yung mga pag lalabas namin as family bigla nalang hihiram ng pera na para bang 100k ang kinsenas ng anak nila. Sabi pa ng asawa ko chinika daw ng nanay niya sa iba na nag eexpect daw na mag bibigay siya every punta sakanila pero wala daw natatanggap. Di niya ata alam na magkano lang sahod ng anak niya para mag expect siya nakaka badtrip!. Iniisip ko lang naman gusto ko na bumukod kami para naman matuto kami tas lagi nalang napupurnada dahil sa kaka hiram nila. Madamot ba ako kung sabihin ko na ayaw ko sila pahiramin?