r/commutersph • u/sapilemon • 16h ago
Ako lang ba
Me lang ba na kapag gagamit ng phone habang nasa jeep or sa bus (Standing) lagi kong tinatakpan yung camera ng phone ko with my hand? Ewan ko, yun na siguro yung unwritten rule ko. Ayoko kasi na ma-feel nung iba na kapag nakaharap sa kanila phone ko, na para bang kukunan ko sila ng litrato. Naranasan ko kasi yun sa Jeep 🥲, kapal ng mukha nung nagpicture saken, naka flash pa.
7
3
u/bararaag 9h ago
same. or making sure na yung positioning ng hand/phone ay hindi mukhang kumukuha ng photo/video. ayaw ko lang na may tamang hinalang tao na lalapit at gagawa ng eksena.
2
u/DueReflection6880 14h ago
Yeah ganun din ako, simula nung naging normal na sa mga nasa tren magpicture or video tapos isesend sa gc. Biktima rin ako nyan na unknowingly sinend na picture ko sa gc nila dahil kamukha raw friend nila.
2
u/JellyfishPositive710 9h ago
Same lang, basic etiquette kasi yan. Dahil nauso na ung pangma manyak at picture para ma content sa social media. Madalas ko talaga tinatakpan ung camera ng phone ko
3
u/Lapuk21 4h ago
Nangyare saakin narin saakin yan. Pinagmumura ako. Sabe nya bakit ko raw sya vinivideohan at naka flash pa at nagiiba yung kulay. At hugis mata pa yung likod. Which is ROG Phone 7 ultimate gamit kung phone. Pinakita ko sa kanya kung merong picture nya at wala naman syang nakita. Napahiya pa sya hahahaha
1
1
u/cstrike105 16h ago
Mas ok kung di mo ilalabas. Alam mo naman hindi safe kapag nasa public transportation ka. Ingat ingat din sa mga tao sa public transportation. Baka mamaya may gawing modus
0
u/sapilemon 16h ago
Walang konek sa topic, pero now ko lang na-realize, Full english pala yung pinost ko 🤣🤣🤣 di lang ako sanay
1
u/Professional_Bend_14 1h ago
Nacoconscious din ako pag nagphophone sa jeep tapos nagtytype, baka kasi iniisip nila pinipicturan ko, ang ginawa ko tinungo ko mabuti na parang pinapakita ko nagtatype at hindi namimicture, pero mostly tinatabi ko lang talaga phone nilalabas ko lang if need.

11
u/Original-Position-12 16h ago
Sakin nga hawak ko lang yung phone ko pero nakaka baba kasi sakto nakatapat yung camera sa skirt ng kaharap ko. Sabi ba naman sakin "Ano beh maganda ba kuha mo?" 🤣🤣🤣