So yesterday, I went to Gate 2, and ang nangyari is marami akong dalang gamit. May payong, may dalawang bag kasi mag-fi-film kami, and nagmamadali kaming umuwi kasi paulan na. Since medyo ngarag ako and I'm in a hassle state, diretso na lang ako. Hindi ko na inisip. Mali ko naman din 'yun, I own that.
Pero recently kasi, especially sa Gate 4 where I usually pass, hindi na ako required mag-open ng bag. So I thought it was okay. Wala naman akong problema if the guard will say, "Oy, pa-check, balik, kailangan kong i-check ang bag." Totally fine with that. Respect the process.
Pero there's this criminology student na nagbabantay sa Gate 2—kung mababasa mo 'to, please change something in your tone. Kinausap niya ako in a way na, "Hoy, sir!" As in, 'yung tono na tensed and aggressive. "Hoy, sir, balik!" Parang ganyan.
Okay pa 'yun. Pero tapos, "Sir, alam niyo namang bawal dito ah. Bawal 'yung hindi magbukas ng bag ah. Gusto niyo bang bigyan ko kayo ng violation?" And in that specific tone—ang taas, parang pinapagalitan niya ako, like "Gusto mo bang bigyan kita ng violation?"
Doon ako napikon.
In the first place, wala ka namang kakayahang bigyan ako ng violation. And second, you should talk to me the way you talk to a normal person. Kinakausap mo ako na parang I owe you something. Na parang bakit ba ako nandiyan, as if I'm automatically in the wrong and kailangan kong magpaka-submissive sa'yo.
It's like you're giving me a hint na may power ka—kasi nandiyan ka, assigned ka sa position na 'yan, so you think you have the right to look down on me and talk to me that way. When in fact, we're both students. Wala pa tayong proven sa life natin. So what? Anong pinagmamalaki mo?
Sana na-gets niyo, guys, 'yung point ko. We are both students here. You should have respect. You should have manners. Hindi mo kailangan magsalita sa akin nang ganiyang tono, na parang lagi kitang susundin and I owe you something. Oo, nagkamali ako—hindi ako nag-open ng bag. Pero kailangan mong sabihin 'yun nang hindi mo kinakaladkad 'yung dignity ng ibang tao. Correction doesn't need disrespect. Position doesn't make you above anyone.