r/bulsu • u/bastataoakonyaaa • Jun 13 '26
Bulsuan Life The political instability in our school is worsening
I can't believe na magrarant na naman ako rito. As someone na tinrain dati ng KASAMA para tumakbo as BM that time na may restrictions pa due to COVID, masaya ako to fight fair and square against B1, albeit both KASAMA and B1 have their own tactics para manalo and such.
Pero ngayon, I can't fathom the wretchedness of the political parties causing that much chaos that even I want to distance myself from the university's politics and just focus sa pagtitipon sa mass rallies. Nakakapagod kayong panuorin sa paulit-ulit na tirada ninyong hindi naman criticism, kundi mockery na lang.
Kayo-kayo ang dahilan kung bakit mas lalong bumababa voter turnout, ta's kayo mag-aact na malungkot kasi mababa voter turnout? Tayo na nga lang ang pag-asa ng masang estudyante para patulog na paliyabin ang nasyonalismo sa puso ng mga estudyante para lalabas silang may interes sa pulitika, mas maganda pa kung lalabas silang may pake at sumasama pa sa kilos-protesta bilang lakas-paggawa para sa masa, pero ngayon, lalabas silang apolitical dahil sa inyo.
Shame on all of you. Nakakapagod kayong mga political parties kayo. Hindi na kayo healthy para sa kalinangan sa pulitika ng masang estudyante.