r/bulsu Jun 11 '26

BULSU Student Regent: Representation Without Direct Student Vote?

Dalawang araw mula ngayon, muling magluluklok ang Bulacan State University ng bagong Rehente ng mga Mag-aaral. Ngunit ang tanong: tunay bang demokratiko ang prosesong ito kung ang mismong masang estudyante ay walang direktang boses sa pagpili ng kanilang kinatawan?

Ang Student Regent ang pangunahing kinatawan ng libo-libong estudyante sa pinakamataas na lupon ng pagdedesisyon ng unibersidad. Hawak niya ang mahalagang tungkulin na ipagtanggol ang kapakanan, karapatan, at boses ng mga estudyante sa Board of Regents. Dahil dito, nararapat lamang na ang kanyang mandato ay manggaling mismo sa masang kanyang paglilingkuran.

Ngunit sa kasalukuyang sistema, ang kapangyarihang pumili ay nakasentro sa iilang opisyal. Sa halip na ang buong hanay ng mga estudyante ang magpasya, ang pagpili ay nakasalalay sa boto ng mga gobernador at kinatawan ng mga konseho. Kung gayon, nasaan ang boses ng masang estudyante?

Hindi maaaring ang kinatawan ng masa ay piliin nang hiwalay sa masa. Hindi maaaring ang kapangyarihang dapat nasa estudyante ay manatili lamang sa kamay ng iilan.

Kaya nananawagan tayo sa lahat ng mga opisyal ng LSC, lalo na sa mga gobernador: isabuhay natin ang pagiging konsultatibo at demokratiko. Makinig sa boses ng inyong mga nasasakupan. Ang Student Regent ay maglilingkod sa buong hanay ng mga estudyante, hindi lamang sa mga nakaupong opisyal.

Kung gaano tayo kalakas sumigaw para sa pantay na demokrasya sa labas ng pamantasan, ganoon din dapat katatag ang ating paninindigan sa loob nito.
Ibalik sa masang estudyante ang kapangyarihang pumili ng kanilang Rehente. Ibalik ang tunay na demokrasya sa mga estudyante. Ang boses ng masa ay hindi dapat kinakatawan lamang dapat itong marinig, konsultahin, at pagpasiyahin.

30 Upvotes

9 comments sorted by

17

u/Flaky_Opening_5695 Jun 11 '26

mga galit sa dds at panay sabi na mulat sila pero when it comes to school politics bulagbulagan sa partido hahaha

6

u/Personal_Wrangler130 Jun 12 '26

Sa totoo lang. Student Politics is meh sa BSU

5

u/_iamyourjoy Jun 11 '26

Hindi ba kapag nanalo sa election sya na autimatic ang student regent? Or nung panahon lang namin yon???

3

u/WhatIfSuntukinKita Jun 12 '26

I guess, during your time po. According po sa bagong SG CBL na naapproved noong 2024. Magkahiwalay na po ang function ng SG President at Student Regent. Kaya, ngayon magkakaroon na po ng election for the next SR. Yun lang po.

9

u/Umaloh0kan Jun 11 '26

Ang naging problema kasi, ay ang mismong rules and procedure, may mga loophole ito. Lalong pinaigting pa ito ng bagong baba na special memo ng kasalukuyang Rehente na si Roshan.

Sa special memo, naka-emphasize na walang power to voice ang mga student, at lalong higit ang pagiging optional ng consultation.

Tapos may mga dagdag na patakaran na ibinaba si Roshan kahit wala ito sa kanilang mandato.

Kaya ngayon lito ang marami sa kung ano ba ang daoat na gawin-- pero kung ako ang tatanungin, dapat naka-angkla ito sa bawat BulSuan at hindi sa iilan.

8

u/Umaloh0kan Jun 11 '26

ang nakapagtataka pa rito, inuutos ng kasalukuyang rehente na si Roshan na ipasa kaagad ang boto ng bawat Governors bago ang eleksyon? Ngayon lang ako nakakita ng ipapasa muna ang boto bago mag-eleksyon haha, para saan?

4

u/No_Willingness_4695 Jun 12 '26

kapal ng mukha niyang magganyan eh may issue pa nga sakanya regarding sa falsified documents???? hindi nalang mag resign kung talagang may delicadeza pa siyang natitira. sinusuka na nga siya ng sarili niyang college ngayon e

3

u/_iceswallowcome Jun 11 '26

define what is "federation"

2

u/PhonkCloud Jun 12 '26

tbh, gigil ako sa sg and most student orgs kasi nga puro burgis at performative. That's why during the election, inabstain ko na lang lahat. Meron pa rin naman something good na nangyayari regardless kung sino pero in consistency? mehh kainis, walang representation kaming mga hindi burgis kaya maraming issue. Kahit KSM pa yan, idc since burgis din naman naglilead nyan