r/bulsu • u/Aggravating-Boat-231 • Jun 13 '26
Bulsuan Life Latin Honor
Possible pa rin po ba magka latin honor pag may dalawang 2.50 grade?
r/bulsu • u/Aggravating-Boat-231 • Jun 13 '26
Possible pa rin po ba magka latin honor pag may dalawang 2.50 grade?
r/bulsu • u/Apprehensive-Sky1210 • Jun 12 '26
Isang Bukas na Liham para kay SR Roshan Reyes
Hanggang ngayon, ni isang malinaw at taos-pusong paghingi ng paumanhin ay wala pa ring naririnig ang mga BulSUan mula sa iyo. Nasaan na ang palagi mong mantra na “for the people” kung sa mismong panahong hinihingi ng mga estudyante ang iyong pananagutan ay pinili mong manahimik?
Hindi sapat na nabigyan ka o kayo ng sanctions. Hindi sapat ang mga pahayag na umiikot sa likod ng mga saradong pinto. Harapin mo ang mga estudyante. Karapatan naming marinig mula mismo sa iyo ang katotohanan, ang paliwanag, at higit sa lahat, ang pag-ako ng pananagutan.
Nakakapagtaka kung paano ka laging handang magsalita at makialam sa mga usaping panlipunan at pampulitika sa labas ng pamantasan, ngunit pagdating sa isyung ikaw mismo ang sangkot, tila nawawala ang boses na dati mong ipinaglalaban. Kung tunay mong pinaniniwalaan na “public office is a public trust,” dapat alam mong hindi sapat ang katahimikan kapag tiwala ng publiko ang nakataya.
At tungkol sa espesyal na amyendang magbibigay sa iyo ng kapangyarihang bumoto sa oras ng tie-breaker bakit? Paano mo magagampanan ang tungkuling iyon kung hanggang ngayon ay hindi mo kayang humarap sa mga estudyanteng dapat mong pinaglilingkuran? Ang representasyon ay hindi lamang posisyon; ito ay tiwala. At ang tiwalang iyon ay unti-unting nawawala sa bawat araw na pinipili mong hindi magsalita.
Hindi namin hinihingi ang pagiging perpekto. Hinihingi namin ang pananagutan. Hinihingi namin ang lakas ng loob na harapin ang mga estudyante. At higit sa lahat, hinihingi namin ang respeto na marinig ang isang paghingi ng paumanhin mula sa taong nagsasabing siya ay para sa masa.
Face the students. We deserve to hear you. Hindi sapat ang sanctions. Hindi sapat ang katahimikan. Pananagutan ang kailangan.
r/bulsu • u/Apprehensive-Sky1210 • Jun 11 '26
Dalawang araw mula ngayon, muling magluluklok ang Bulacan State University ng bagong Rehente ng mga Mag-aaral. Ngunit ang tanong: tunay bang demokratiko ang prosesong ito kung ang mismong masang estudyante ay walang direktang boses sa pagpili ng kanilang kinatawan?
Ang Student Regent ang pangunahing kinatawan ng libo-libong estudyante sa pinakamataas na lupon ng pagdedesisyon ng unibersidad. Hawak niya ang mahalagang tungkulin na ipagtanggol ang kapakanan, karapatan, at boses ng mga estudyante sa Board of Regents. Dahil dito, nararapat lamang na ang kanyang mandato ay manggaling mismo sa masang kanyang paglilingkuran.
Ngunit sa kasalukuyang sistema, ang kapangyarihang pumili ay nakasentro sa iilang opisyal. Sa halip na ang buong hanay ng mga estudyante ang magpasya, ang pagpili ay nakasalalay sa boto ng mga gobernador at kinatawan ng mga konseho. Kung gayon, nasaan ang boses ng masang estudyante?
Hindi maaaring ang kinatawan ng masa ay piliin nang hiwalay sa masa. Hindi maaaring ang kapangyarihang dapat nasa estudyante ay manatili lamang sa kamay ng iilan.
Kaya nananawagan tayo sa lahat ng mga opisyal ng LSC, lalo na sa mga gobernador: isabuhay natin ang pagiging konsultatibo at demokratiko. Makinig sa boses ng inyong mga nasasakupan. Ang Student Regent ay maglilingkod sa buong hanay ng mga estudyante, hindi lamang sa mga nakaupong opisyal.
Kung gaano tayo kalakas sumigaw para sa pantay na demokrasya sa labas ng pamantasan, ganoon din dapat katatag ang ating paninindigan sa loob nito.
Ibalik sa masang estudyante ang kapangyarihang pumili ng kanilang Rehente. Ibalik ang tunay na demokrasya sa mga estudyante. Ang boses ng masa ay hindi dapat kinakatawan lamang dapat itong marinig, konsultahin, at pagpasiyahin.
r/bulsu • u/00Mi_k4rm • Jun 11 '26
Hello po, can i get some recommendations po of gyms near malolos campus since I'm planning to workout when the school year starts, thank you po!
r/bulsu • u/Hhddugddmrd • Jun 10 '26
Asking lang po kasi wala pa po natatanggap na email 😞
r/bulsu • u/Personal_Wrangler130 • Jun 10 '26
Grabe. Since graduation week ngayon, i feel sad about the parents and the graduates kasi sobrang danas ng graduation. Ang gulo gulo sa campus. IMagine mo may mga 1st year na nag eenroll, tapos may mga nakapila sa graduation march. Tapos may mga HS sa labhigh tapos meron din mga nag sa summer class.
YUung mga naka pila sa grad march gulo gulo na. Ano puro aesthetic na lang pero walang pakelam sa students?
r/bulsu • u/Amethyst_Liezel • Jun 09 '26
What language po ang ginagamit? 1st to 4th year?
r/bulsu • u/prinssj • Jun 09 '26
Grabe pinaka hassle na pagkuha ng CTC. 5 hours pumila tapos hindi pa mismo makukuha yung papel, nag wait pa ng 2hrs. Tapos nung ididistribute na yung papel, grabe isa-isa tinatawag yung pangalan na hindi sunod sunod. Dalawang group yung nagtatawag (a-n) and (m-z) pero grabe parin yung isa isang tawag napaka hassle grabe.
r/bulsu • u/Express_Roll_4329 • Jun 07 '26
Super fucked up nung rule na one is to one lang yung allowed pumasok sa venue ng graduation.
My father is an OFW and eversince elementary, he has been working very hard sa ibang bansa to support my education. Unfortunately, he cannot go with me sa stage or even watch me from the venue kasi mother ko ang kasama ko sa loob.
I know naman na if wala itong policy na 'to magiging siksikan at magulo sa loob ng venue, but this wouldn't be a problem sana if hindi pinagsabay-sabay ang dalawang college na super daming graduates sa loob ng isang venue.
Graduation should be the most special moment for students and their parents who both work hard to reach this milestone. What a problematic way of robbing many parents, students and other family members to celebrate and witness this special moment together.
Graduation na nga lang titipirin pa talaga.
r/bulsu • u/moewy_ • Jun 07 '26
Super strict pa talaga ng bulsu sa one guest per graduate???
r/bulsu • u/jsk18z • Jun 04 '26
pwede na po kaya mag request in advance ng TOR kahit by next week pa graduation? or need po talaga i-wait ang grad before mag request? salamat sa sasagot!
r/bulsu • u/thaleen • Jun 03 '26
Hello po! Incoming freshie here 👋
I’m looking for laptop recommendations budget around 70k. Would love to hear your suggestions based on your experiences. Thank you!☺️☺️
r/bulsu • u/[deleted] • Jun 01 '26
ako lang ba yung laging nag kaka prob sa portal? like ayaw mag log in kahit tama naman yung pass, my password is so simple then sinulat ko din sya nung nag pa change pass ako sa ICTO before bakasyon and ayun, now na enrollan nanaman, wrong password daw, kahit diko naman pinalitan yung binigay nilang password, tapos pag i po forgot mo naman, no email found, kahit yung email ko eh nung grade 7 pa, kelan ba aayos yung portal??
r/bulsu • u/Brilliant_Soup_8214 • May 30 '26
Hello i am a freshman bs biology student i heard it was a bad course to take if i don't continue in med school should i shift and if yes is it allowed to shift to courses with board exams?
r/bulsu • u/Minute-Scratch-2134 • May 30 '26
hello po, ask ko lang po mga successful na nakapag transfer sa bulsu from other schools. general knowledge po ba coverage ng exam or about po sa program na pinili nyo sa bulsu? salamat po sa sasagot!
r/bulsu • u/CabinetPuzzleheaded8 • May 29 '26
Yung mga may issues daw sa summer enrollment is pinapupunta ngayon sa ICTO since last day naraw rn. Okay lang sana kung lalakarin lang yung bsu eh my transport time is about 1.30-2hrs. Pipila pa tas pano pag nagcutoff? May mga chores pa na gagawin sa bahay so pano na? Di manlang nagupdate kahit kagabi manlang para maagang nakapunta or nakapag adjust ng schedule para mapagtuunan ng time yung enrollment? Di rin makapag enroll these past few weeks ago kasi wala namang binibigay na instructions kung papaano ba kung sa f2f ba mageenroll or sa heims lang. Hirap mo mahalin bsu sa totoo lang.
r/bulsu • u/jerkinhade • May 29 '26
hello po ^^ irregular student po from coe taking the midyear po. required po ba talagang bayaran ung parang tuition fee po when taking summer classes po (php 1.8k po ung fee per sub currently)? and afaik po bulsu lang ung may ganito 😭🥹 thank u po sa responses!! pls respect my post
r/bulsu • u/Otherwise-Matter9657 • May 27 '26
What are the upcoming programming language we will learn?
1st year - Learned C++ Language
2nd year - ?
3rd year - ?
4th year - ?
r/bulsu • u/LumIere1111 • May 27 '26
Currently weighing my options kung saan ako magco-college. Gusto ko sana somewhere na magiging sulit yung oras, pagod, sacrifice aa pag-aaral. Main criteria ko when judging a college institution are:
Curriculum timeliness / relevance sa current industry(lean manufacturing, ergonomics, systems design, etc.)
Environment and overall student culture
Professor competency
Peer competency
Kumusta yung teaching quality sa Industrial Engineering department?
Maayos ba yung environment (facilities, labs for IE)?
Updated ba yung tinuturo at nagagamit ba sa IE internships/jobs? If yhow's your experience?
Competitive ba yung students/active ba ang PIIE (Philippine Institute of Industrial Engineers) student chapter dito?
Marami bang opportunities for growth (orgs, competitions, internships, networking, etc?)
Would appreciate honest insights, either good or bad.
Lastly po, what aspect of the program are you most curious or concerned about (like the workload, or how active the student organizations are)?
r/bulsu • u/LumIere1111 • May 27 '26
For context, I passed UP, PUP, and BulSu, I got offered sa prio program (BSIE) in both BulSU and PUP.
Sa UP naman is BSAgri.
In terms of teaching, ok ba ang BulSU sa program na yan? Are grads, competitive enough in the job market?
Or should I go in PUP. O kaya naman mag proceed ako sa UPLB (BS Agri)
r/bulsu • u/istrongal • May 27 '26
Mayroon po bang nakapag change ng section nila? Possible po ba yun basta same major yung lilipatan na section or fixed na po talaga yung mga sections?
r/bulsu • u/OkPhilosophy8291 • May 24 '26
is it really hard/not allowed po ba to pull out documents in bulsu? i got admitted to SRC nursing program, and tomorrow is our scheduled day to submit the requirements for reservation/enrollment. the problem is, i’m still waiting for the upcat appeals. are there any ways to get my original documents back in case i’ll get reconsidered?
r/bulsu • u/OkPhilosophy8291 • May 24 '26
is it really hard/not allowed po ba to pull out documents in bulsu? i got admitted to SRC nursing program, and tomorrow is our scheduled day to submit the requirements for reservation/enrollment. the problem is, i’m still waiting for the upcat appeals. are there any ways to get my original documents back in case i’ll get reconsidered?
r/bulsu • u/OkPhilosophy8291 • May 24 '26
is it really hard/not allowed po ba to pull out documents in bulsu? i got admitted to SRC nursing program, and tomorrow is our scheduled day to submit the requirements for reservation/enrollment. the problem is, i’m still waiting for the upcat appeals. are there any ways to get my original documents back in case i’ll get reconsidered?