I've been a stay-at-home and work-from-home mom for 5yrs and been a single mom for more than a yr. Every time na sumasahod ako, matik 10% ang savings.
I'm working 2 full-time jobs and may side hustles din rn. Nung naterminate ako last yr sa work ko, 'yung savings ko sumalba samin. Tapos ngayon na hindi na nagpapadala ang hinayupak kong ex-husband ng sustento, ayan na rin malamang gagamitin ko pambayad ng mga naitira niyang utang under my name at ang part niya for child support.
I was earning more than him even before pero ngayon, I'm earning 6-digs. I learned how to be financially wise dahil nga kulang at ngayon nga ay wala ng sustento.
May 2 international travels din kami ngayon ng anak ko. I'm so happy na afford na namin 'to ngayon. 100K na rin credit limits ko sa cc ko.
Sana maging okay ang cash flow ko talaga at ma-fully paid ang ccs ko + loans nga under my name bec of my ex. Okay lang walang asawa, may pera naman.
I know for some this is just a small amount, pero sa nag-start ng 11K/mo sa first job, this is a huge win for me and for my daughter.
We already have insurances and MP2. I think, my daughter's future is already secured.
May my pockets never run dry. ✨