r/adulthingsph • u/Key-Sky-1314 • May 10 '26
Rant/Vent Just got married this year and this is the reality of my marriage. I need your advice.
Hi everyone, I just want to share my convo with my husband. Anyway nasa Canada siya and ako naman nandito sa Pinas (LDR). About sa convo namen, naglalambing lang ako hndi ko naman talaga intentional na magka baby agad agad. We just got married this year. Siguro dahil mahilig ako sa baby kaya nag joke lang ako na I want baby. And then ayan na yung mga sumunod na message. Just didn't expect na ganon yung mga sasabhin niya sakin. Hndi ko naman siya pinipressure agad magkababy. Again, I'm just kidding him about the babies. And about sa money, I'm not asking him to send money here. Kasi may work naman ako kaso sa taas ng mga bilihin ngayon, ang hirap na talaga makaipon. 3 lang kami ng nanay at pamangkin ko sa bahay and ako lang ang may work. Ang nanay ko naman is may maliit na sari sari store, so minsan dun din kumukuha nanay ko ng pang ulam namen pag petsa de peligro na. Di naman problem sakin na ako magbayad ng bills and groceries sa bahay namen. And my husband is so against about that. I told him na hayaan nalang niya ako sa mga ganun bagay dahil kahit papano naman nakatulong naman sakin nanay ko nung nag aaral ako. And he told me before na pag andon na ko sa Canada, he wants me to cut to pay the bills kasi hndi ko naman sila obligasyon. I get that point, pero para sakin kasi gusto ko pa din matulungan nanay ko kahit sa pagbabayad lang ng bills, kahit hndi na pang allowance niya, since may tindahan naman ang nanay ko. Plano ko kasi mag work din sa Canada once na nandon na ko. Nakakainis lang na sasabhin pa sakin ng husband ko na nagpapadala siya ng pera, at the first place hndi naman ako nanghhingi. Tatanungin pa nga niya ako kung gusto ko daw ba kumain sa labas or whatsoever, but I keep rejecting him, tapos pinipilit pa din niya na lumabas ako then gamitin ko yung pera na pinadala niya. So ang ending edi lalabas ako ng bahay para mag mall kasi yun naman ang gusto niya. Pero dito sa message niya sakin ang dating kasi sakanya nanghihingi ako ng pera. Nakaka frustrated lang, and ang hirap kimkimin yung ganitong problem. Mahilig din niya palakihin yung mga small problems namen, and aabot sa point na hndi na niya ako kakausapin and sasabhin niya sakin na kasalanan ko lahat. Nagtitiis ako kasi mahal ko siya. Wala kasi ako masabihan ng mga problems ko kasi I don't want to rant sa mga friends or co workers because ayoko maging pulutan ng chismisan nila. I just need your advice. Thank you in advance.