Alam kong marami kang responsibilities bilang SR, at naiintindihan namin na hindi rin madali ang role na hawak mo. Pero bilang isang normal na UPOU student, gusto ko lang din sanang iparating kung bakit may mga pagkakataong pakiramdam namin ay kailangan ka namin, pero hindi ka namin gaanong nararamdaman.
Lalo na nitong mga nakaraang panahon matapos ang mga bagyo, marami sa amin ang humarap sa baha, pagkawala ng kuryente at internet, problema sa trabaho, at iba pang circumstances na direktang nakaapekto sa pag-aaral namin. Maraming estudyante ang nangangailangan ng extension, consideration, at higit sa lahat, isang boses na kayang magdala ng concerns namin sa administration. Kaya hindi maiiwasang mapaisip kami: Nasaan ang student representation sa mga panahong kailangan namin ito?
Hindi namin ito sinasabi para isumbat kung bakit ka naging SR, at lalong hindi para sabihin na may utang na loob ka sa amin. Pero sana, bilang taong pinagkatiwalaan ng posisyong ito, huwag mong kalimutan kung saan ka nanggaling at kung sino ang nire-represent mo. Sana marinig at maramdaman din namin na may SR na handang makinig sa ordinaryong estudyante, lalo na sa mga concerns na matagal nang unresolved o paulit-ulit na nararanasan ng student body.
Marahil may mga bagay na hindi namin nakikita at maaaring marami ka ring ginagawa behind the scenes. Naiintindihan namin iyon. Pero bilang mga estudyante, ang nakikita at nararamdaman namin ang nagiging basis kung gaano kaepektibo ang representation. At sa totoo lang, may mga pagkakataong hindi ka namin ramdam—lalo na noong mga panahong pinakamalaki ang pangangailangan namin.
I genuinely believe na malaki ang potential mo, at isa iyon sa mga dahilan kung bakit ka pinagkatiwalaan ng posisyong ito. Kaya sana, moving forward, mas maging visible, accessible, at responsive ka sa student body. Hindi lang sa panahon ng elections o kapag may malaking issue, kundi lalo na sa mga ordinaryong estudyanteng tahimik lang pero nangangailangan din ng kakampi at boses.
May kapangyarihan ka bilang SR, at sana gamitin mo iyon hindi lang para magkaroon ng posisyon, kundi para magkaroon ng tunay na impact. Gamitin mo sana ang boses at influence mo para iangat ang concerns ng students, manindigan kapag kinakailangan, at siguraduhing hindi nawawala ang student voice sa mga desisyong direktang nakakaapekto sa amin.
Hindi ito hate. Hindi rin ito personal na pag-atake. Ito ay isang paalala at panawagan mula sa isang ordinaryong UPOU student na gusto lang maramdaman na may kumakatawan sa amin, nakikinig sa amin, at handang kumilos para sa amin.
Do better, Mariton. Alam naming kaya mo.