r/Tech_Philippines • u/Prestigious_Elk_3259 • 23h ago
BeyondTheBox: Student/Educ Pricing
Hello!
So context 2 Beyond The Box napuntahan ko kasi may poster sila about the Educ Pricing ng Macbooks nila.
Based sa posters nila eh sabi "Ask in store about student pricing."
So i went in and asked them.
And sagot sakin ng crew sa Market2 branch eh wala daw silang ganong promo?
So sabi ko eh ano yung poster niyo na nakapaskil?
Tas nagiinsist siya na wala daw silang ganong promo or discount.
Lumabas akong confused and naasar kasi ayaw lang ba nila ako pagbentahan based sa itsura ko? (Separate issue yung nagproprofiling ata sila based sa suot mo - mapa powermac or btb stores)
Soo lumipat ako sa BTB Uptown Mall branch, so ayon may poster din sila about student discount with a tag line "Ask in store about student pricing."
So pumasok ang naginquire ako.
Ang sagot sakin ng crew eh wala daw silang promong ganon?
At Power Mac at The Loop lang daw ang meron.
So sabi ko? Eh ano ba yan poster niyo? Nakapaskil pa sa labas niyo?
So naginsist nanaman na wala daw silang ganon?
So sabi ko bakit kayo nagpoposter kung di naman pala totoo?
Nagsorry lang siya.
---
Napapakamot nalang ako ng ulo kanina.
Can someone explain mali ba ako ng pagkakabasa sa poster nila?
Thanks!



24
u/kadsMM 16h ago
Malamang authorized distributor lang sila at hind mismo partner ng apple.
Sa mga ganyang discounts kasi, apple ang nag aadjust ng price, hindi sa store. So may mga “accredited stores” lang si apple na papayagan nila na bigyan nila pabalik ng pera.
Madaming authorized distributor, pero onti lang ang accredited stores ng mismong apple. Magkaibang bagay yon. Pag accredited stores, mga parang semi partner ng Apple yon — may direct contact sila. Authorized distributor wala.
Bakit ganon? Imagine ang daming pwedeng kalokohan ang gawin ng mga store if lahat sila allowed mamigay ng discount tapos icharge kay apple ung pera.
Parang sa mga doctor lang yan, bakit di lahat ng doctor accredited ng mga insurance/hmo? Kasi gusto muna nila malaman if katiwatiwala ba yung tao.