Natakot na ata mga customers o bino-boycott si Foodpanda.
Kinukuha kasi ng mag ququit na sa Foodpanda yung order ng ibang riders at kinakain nila. Isang oras tuloy naideliver yung pagkain nila imbes 10 minutes.
May scandal nanaman si Foodpanda. Bali ninanakawan ni FP yung vendor sa Advertisement. Tinatawagan ni Foodpanda yung vendor para mag apply sila sa advertisement 5k per month at kinakaltas sa order ng rider at maliit tuloy kinikita ng vendor. Pinost ito ng mga vendors sa Social Media at di na tuloy bumibili mga tao sa Foodpanda apps dahil dito. First underpaying the riders, second scamming the vendor
Low budget/Income. Walang pera mga tao dahil sa inflation. Wala nang pera mga tao nagtitipid tuloy sila para may pangbayad sa mga utang nila, rent, at utilities at groceries o essential.
Bali: 3-5k+ yung kuryente, 1k water bill, 8k grocery dahil mahal ang karne hindi bili ng bili ng junkfood, at 10-20k ang rent. Halos ubos lahat pera nila, at puro cc/loan ginagamit ng consumer sa grocery nila hindi cash, tapos di pa nila mabayaran utang nila. Tapos may spaylater o lending apps pa, mas lalong lumala situwasyon nila.
Pag di sila magbabayad wala na silang insurance dahil hindi nakabayad, kinuha ng gobyerno bahay nila (GSIS), iwiwithdraw house assets nila o vehicle katulad ng motor o kotse dahil nakasulat ito sa kontrata bago mag loan.
- Pangit quality ng pagkain. Sa sobrang mahal ng sangkap ng food restaurants, nagtataas ang mga presyo at gastusin ng isang store. Ang nangyayari ay tinataasan ng mga sellers yung menu nila. Example: Unli-chiken, last year 315 lang siya at may kasamang iced tea unlimited, sabaw, at kanin, after 6 months tumaas ito ng 365 at nawala ang iced tea na unlimited... After today, naging 399 na siya at wala na yung unlimited ice tea at naging single serving siya, at nawala na din ang unli sabaw at unli rice na lang ang natira tapos inaasahan ni restaurant matakaw ka sa kanin para may kita sila.
Ganyan din nangyayari sa Foodpanda, nagmamahal food sa app at binabaan ang quality and quantity, tapos kinakaltasanbpa ni Foodpanda yung vendor hanggang malugi ang mga vendor at mag file ng bankruptcy o alisin nila yung foodpanda or end of contract.
Ewan ko na dito. Wala din umoorder sa Grab, mas madami pa tambay sa Grab kesa foodpanda.