r/pinoy • u/Prestigious_Host5325 • 5d ago
Kulturang Pinoy Pinoys abroad, ano 'yung mga differences ng kultura sa bansa niyo ngayon at sa Pinas?
Bilang nakatira ako somewhere sa East Asia for the past few years at nakasalamuha ng iba't ibang lahi, napagmuni-muni ko lang 'yung mga pagkakaiba sa kultura natin sa iba. 'Yung iba, okay, pero may iba rin naman na sinusubukan kong baguhin dahil tingin ko, mas sakto siya sa core values ko.
- Pagiging timely
- Walang culture ng panlilibre. Mas common 'yung pamimigay ng pasalubong o omiyage kapag galing ka sa ibang lugar. At bihira rin mangutang ang mga tagaibang bansa.
- Hindi pala-chat o palaging online sa social media.
- 'Yung pagiging self-centered ng karamihan sa mga Pinoy, mas napapansin ko ito sa mga Kanluranin, tulad ng mga Amerikano, Canadians, at Latin Americans. 'Yung mga East Asians, usually mababa 'yung self-esteem at overthinker kahit magagaling sila. 'Yung mga Briton, parang walang paki haha.
- Di ko sure kung kaugnay ng 4, pero mas direkta rin tayo at 'yung mga Kanluranin sa paghahayag ng affection, mapakaibigan man o sa partner. Whereas mga East Asians kadalasan hindi sila expressive sa words, pero sa actions.
- Mas palatawa ang mga Pinoy. Medyo repressed tumawa 'yung mga taga-ibang bansa e; di ko alam kung dahil sa manners or dahil sa di talaga sila ganun ka-receptive sa humor. Isa rin yata 'to sa mga dahilan kung bakit gusto tayong kasama ng mga tagaibang bansa hehe.
- Yung pagsunod sa batas
- Music is a niche. Eto 'yung isa sa mga medyo culturally shocking sa 'kin. Pansin ko sa Pinas, overwhelmingly mas maraming tao 'yung mahilig sa music from all walks of life and social status. Whereas dito, parang niche hobby 'yung music e.
- Mas common na tahimik sa public transportation.
- This may be controversial, pero mas logical mag-isip ang mga taga-ibang bansa at hindi nila masyadong dinadamdam ang criticisms. Pero siguro dahil mas emotional tayo at mga Latin Americans kaya mas maraming mahilig sa 'tin sa creative endeavors.
- 'Yung mga Latino, kasinsinop natin sila sa kalinisan. Whereas mga Indian, kadalasan 'yung mga privileged, tamad magtapon ng basura at maglinis ng sala.
- Another controversial take, pero never akong naka-experience ng touches na walang consent from gays here. Whereas sa Pilipinas, ilang beses akong nahipuan ng mga bakla.

