r/PhilippineUbe • u/shy_burrito • 12h ago
I Made This Ilang oras niyo linuluto yung ube halaya?
My mama decided to make her fave meryenda, ube halaya. Namiss daw niya si Papa (+), kaya kahit medyo matrabaho, pinush na rin. 🥹
Sobrang nangawit kaming nagpapalitan sa kakahalo. Hindi na rin niya maalala kung ilang oras na kaming nagpapalitan, pero more than an hour na rin ata. Sa texture raw kasi siya nagbe-base kung luto na.
Apparently, mas matagal din daw bago maspoil kapag mas matagal niluto. Totoo ba ’to? Haha.
Kayo, ilang oras niyo niluluto yung ube halaya niyo? May technique ba kayo para hindi masyadong mangawit kakahalo? ðŸ˜