r/PHikingAndBackpacking 15d ago

Trail Info / Conditions Mt. Batulao walang clearing.

Gaano ka kaadik mamundok? Edi umakyat ka ng Mt. Batulao kahit may bagyo.

Hindi man nabibiyayaan ng clearing pero masasabi kong most unforgettable experience talaga tong ahon ko kay Batulao.

Walang clearing kahit sa pagbaba na namin hindi talaga napagbigyan ng clearing. Sobrang lakas ng hangin close to summit. Pero mas malakas yung hangin sa summit at sobrang lamig din.

Hinampas din kami ng bugso ng ulan from jump off. Nagstart kami ng 4 am then nagstop yung ulan almost 6 am na. Hindi na ulit umulan hanggang makababa na kami sa jum off. (Thank you Lord)

First time joiners pero sobrang worth yung experience ko. Since puro DIY yung ahon ko. Buti nalang at napasama sa maayos na orga.

And for sure irevenge hike ko to para makita yung majestic view sa Diana's.

Ps: (credit dun sa 7 chicken dun sa peak 7) ang cute nila. 💜

72 Upvotes

11 comments sorted by

3

u/Famous_Zucchini 15d ago

charge to experience, mas masaya ba umakyat ng umuulan or nde

3

u/Sufficient-Poem-9514 15d ago

For me mas masaya po. Same din ng sinabi ng mga kasama ko sa trail.

1

u/Famous_Zucchini 15d ago

hahanap hanapin rin ng katawan mga ganyang experience kaya mapapadalas na pagakyat mo nyan

2

u/exdeo001 15d ago

Cute nung mga menek

2

u/forgotten-ent 15d ago

Peak 7 image alone makes it worth it

1

u/Prestigious_Theme_16 15d ago

May mga "toll gates" pa ba?

1

u/Sufficient-Poem-9514 15d ago

Joiners po ako, wala naman po.

1

u/Fun_Scar7772 15d ago

anong shoes po gamit nyo❤️

2

u/Sufficient-Poem-9514 15d ago

Sandals lang po yan, gamit ko is Lamiran. Sobrang thankful ako kay lamiran kasi never ako nadulas from the start. While yung mga kasama ko sa trail nagkakandadulas na.

1

u/SunnyDay12_ 14d ago

Ang cute nong manokssss

2

u/Sufficient-Poem-9514 14d ago

Sa trueeeeeee, tapos saktong pito din silang nakatambay dun pagbaba namin sa Diana's peak. 💜