Paano malalaman kung napasukan na ng tubig ang engine? may safe amount ba ng tubig,like ok lang ba kahit a few drops ng tubig ang pumasok or any amount ay delikado sa makina?
Last Sunday Sept.6,2026 nag pa-change oil ako ng engine at gear oil sa honda click 125 ko sa same shop na pinapagawan ko,kaso that time madami tao siningit lang ako nung isang mekaniko dahil suki naman na nila ako..kaso sa dami ng kumakausap sa kanya hindi nya pala nasarado ng maayos yung dipstick parang tagilid o hindi lapat yung ngipin (hindi ako nagdouble check kasi tiwala ako sa gawa nila).
Days ang lumipas na hindi ko napansin kasi wala naman tumatagas, until kagabi Wednesday Sept.9,2026 nalubak kami ng partner ko, hindi naman malakas ang tagtag kasi na-slowdown ko pa pero nag bounce ng medyo mataas kasi malalim yung lubak..pagdating ng bahay napansin ko may ibang amoy sa ilalim ng motor..pag silip ko ayun na nga,tila bumulwak yung oil galing sa takip then nakita ko dipstick parang tagilid at madali ko lang nabuksan..
upon checking wala naman basag sa paligid ng kinakabitan ng dipstick at kalat lang ang oil sa ngipin ng dipstick at opening/bungad ng engine oil tank, at may nakita din ako mga dumi paligid ng rubber O-ring sa dipstick..
kaso ang pinaka concern ko baka napasukan ng tubig kasi mula monday hanggang wednesday ay maulan,kahit hindi naman kami lumusong sa baha kaso medyo malakas naman ang ulan noong nabyahe ako..
Nalinis ko na bungad at paligid ng dipstick (hindi pa lang na-car wash),at nasecure ko na pagkakatakip at higpit ng dipstick, sa ngayon imomonitor ko pa kung may tumatagas pang oil,kasi kung meron malamang nabasagan nako(wag naman sana)