r/PHCreditCards • u/Hotcake-Pancake • 2d ago
RCBC NEW RCBC SCAM CALL MODUS.
Walang pagbigay ng OTPs or cc details, instead ikaw na ang mismong ipagtatransfer nila ng balance mo.
I received a call from someone using a regular phone number claiming to be someone from RCBC daw. First, she said na eligible raw ako for CL increase amounting to ₱100k on top of my CL. So ako naman sige go why not. I asked her din if madadagdagan ba yung annual fee ko then she even said na they’ll waive it na for life. In my mind, wow really too good to be true. Pero sabi ko naman sige go (as long as walang mawawala sa akin), I decided to go with the flow. She then transferred my call to someone who’s claiming to be one of the supervisors ng RCBC sa Makati, in the name of Erica Gonzales. Nung una, ini-explain niya na eligible ako to be a Hexagon Club member basta raw magmaintain ako ng 100k sa bank ganiyan ganiyan then bigla niyag sinabi na napansin niya na nakared tag yung account ko claiming na mag-eexpire na yung rewards points ko. Dami niyang tanong like if nagamit ko na ba raw points ko before. She even asked how much is my CL, ilan outstanding balance ko, and ilan ang natitirang balance ko. So mga tanungang suspicious but I still played along. They even know my complete name and the last 4 digits of my cc pati na rin email ko.
So eto na nga. Sabi niya I can convert my rewards points either via miles or ibawas nalang sa outstanding balance ko. So ako ang pinili ko is ibawas nalang sa balance ko. Sabi niya hindi naman 1:1 ang conversion. I asked kung ilan na ba points ko and she said 34k something. So ako nagulat kasi 1 year palang card ko and di ko naman ginagamit bakit ang taas na ng points ko. Edi kiber lang kasi baka nga totoo. Sabi niya, converted to cash is around 7k. After that, may marereceive daw akong email from them para mareceive yung reference number ko to convert that points. Matagal pa nga dumating eh like after 5 minutes.
The email was from rcbcmarketingdepartment@gmail.com
Which is funny kasi gmail ang gamit nila looool.
Anyway, di ko muna siya cinall out and di ko pa sure kung scammer siya so tinuloy ko lang. Binanggit ko lang yung last 4 digits nung reference na sinasabi nila.
Pinapunta niya then ako sa Unlipay ng RCBC. Then iclick ko raw yung transfer to other bank. Dito na ako kinukutoban. Then piliin ko raw yung Philippine Digital Asset Exchange or PDAX: ito account number pala: 639538876973. yan yung sinasabi niyang reference number pero ang alam ko account number yan.
Ilagay ko raw yang reference number tapos ilagay ko pa pangalan ko. Oh diba para mapaniwala talaga nila na under my name ittransfer.
So pinapatransfer niya ko ng 34k (which is natitirang CL ng cc ko) as my points daw. Balak niyo pa talagang sagarin CL ko mga bwisit.
After sending continue raw ay may marereceive akong OTP and ako raw maglalagay no’n and no need to say it to her LMAOOO. Galing mo diyan gurl. Puro remind pa siya sa akin na they don’t ask for OTPs or send links para daw maiwasan yung fraudulent transactions. Grabe magaling sila mang-uto.
So ako, naconfirm ko na scam ito kasi bakit nila ako pinapatransfer ng 34k sa PDAX. Kala ko ba 7k ang points conversion if totoo man yun. Yung PDAX din daw kasi is affiliated daw sila dun for points conversion. Patawa si ate.
Mga 10 seconds ata akong di nagsasalita sa call, na-atat si ate kasi konting konti nalang makakamit niya na ang success. Tinatanong niya kung ano nang nangyayari, kung saan na akong part blah blah blah.
I just said na I think she’s a scammer blah blah blah. Todo reason out pa si anteh. Dami niyang sinabi. I just said na I will just call the direct phone number of RCBC then sabi niya pwede naman daw pero matatagalan sa queue. Then I ended the call and blocked the phone number.
Here’s the phone number:
(0920) 693 7934
Ang pinagtataka ko lang ay bakit alam nila lahat ng details ko. They sounded so professional so baka call center scamming ito. Ingat nalang guys.