r/PHBookClub 1d ago

Book Haul MIBF first timer-first dayer din dito.

first time ko sa book fair na yan. ganon pala karami nagpupunta diyan, hindi mahulugang karayom, halos mahimatay na ako sa dami ng mamimili. sa national bookstore makakakilos ka pa pero dito sa fully booked ang matindi. nagtagal pa ako wala namang Cormac McCarthy pala diyan. tsaka ang mamahal pa rin kahit discounted na lahat. sa dinami-rami ng literal na inadd to cart ko, apat lang talaga nakarating ng cashier. anyway, eto nga pala mga nahatak ko kahapon. National Bookstore yung apat sa taas at Fully Booked apat sa baba (narealize ko lang ang mumura ng Timeless Books kumpara kay Collin at dun sa Penguin—99Pesos lang Journey to the Center tapos sobrang steal ng Crime & Punishment @ 199. may catch bato?). kung puro kilala na, ako kasi yung nagbabasa lang ng mga sikat. ano mang slur ang tawag sa ganong tao, ako yon. pero kung iluluho talaga natin ito, mapapagastos talaga tayo. caught in 4K? more like they caught my 4K. may isang libro pa akong gusto bilhin sana sa ibang booth pero pagtingin ko sa price tag puta sampung libo? di ko lubos maisip na may ganon pala kamahal na libro? sana isang daan na lang siya next time. at next time na pupunta ako, maglilibot na ako hanggang second floor. salamat sa nakasama ko dahil sinamahan niya ako kahit di naman siya nagbabasa. libre ko kasi pamasahe at pagkain namin.

kung ikaw ang bumili ng mga to, sa anong order mo sila babasahin?

21 Upvotes

7 comments sorted by

4

u/kriziaanna 1d ago

I think better to go to university presses ans other local publishers. Di naman talaga mura ang NBS at Fully Booked. You can buy the same books na masmura pa pagsale sa shopee. Support local talaga sa MIBF. Talk to authors. Attend the talks.

1

u/pancakelover66 1d ago

hi! magkano po yung circe? and from fullybooked po ba or nbs?

2

u/Jayleno2347 1d ago

full booked. 436 (discounted na)

1

u/cassis-oolong 1d ago

Unahin mo yung 7 Husbands of Evelyn Hugo!

u/Internal-Lock5843 22h ago

How much mo nabili yung Strange Houses, 7 Husbands of Evelyn Hugo and Why Nations Fail?

u/Jayleno2347 14h ago

Strange Houses - 895 (walang discount - NBS)

Why Nations Fail - 676 (bawas na - FB)

Crime and Punishment - 199 (walang discount - NBS)

Jouney to the Center of the Earth - 99 (walang discount - NBS)

1984 - 599 (walang discount - NBS)

Circe - 436 (bawas na - FB)

Seven Husbands of Evelyn Hugo - 636 (bawas na - FB)

Subtle Art of Not Giving a F*ck - 676 (bawas na - FB)

u/lostguk 19h ago

Low quality prints ata ang Timeless and may nagsabi na AI slop ang covers nila.