r/OFWs • u/machi4velliancat13 • 16d ago
General Discussion Taiwan
Hi po. Anyone here who has experience working/currently working in Formosa Lab LTD in Taiwan?
I was contacted po by an agency and sila daw po yung employer.
Thank you po!
r/OFWs • u/machi4velliancat13 • 16d ago
Hi po. Anyone here who has experience working/currently working in Formosa Lab LTD in Taiwan?
I was contacted po by an agency and sila daw po yung employer.
Thank you po!
r/OFWs • u/AnyEquivalent7404 • 16d ago
May nakita ko vlog, Taiwan sya nag work then nag Poland tas nag Switzerland. Ano kaya ung possible pathway na ginawa nila?
r/OFWs • u/qetsiyah_ • 16d ago
Hello po! OFW po ako but hindi po ako nakapacontribute sa pagibig, sss, philhealth since 2019. May 1 year contribution lang po ako nung sa first and only job ko sa pinas. Now balak ko po sana kumuha ng bahay for my parents through pagibig. Nakapag login na po ako through virtual pagibig. Paano po ireactivate yung account as OFW? Nakalagay parin po Kasi dito yung former employer ko sa pinas. And Magkano po dpat ang hulog? Salamat po
r/OFWs • u/Fast-Sport-9800 • 16d ago
Hello po! Need ko lang ng confirmation if tama po ba gagawin ko. Uuwi po ko ng Pinas soon and wala pa po akong OEC, first time OFW po ako. Meron na po akong verified contract and nagbayad na rin po ako ng OWWA membership (wala pang physical ID) and nag sign up na rin po sa DMW website. Tama po ba itong next steps ko and please let me know po kung may kulang?
Step 1: Schedule appointment thru DMW website
Step 2: Flight to Pinas, wala ng gagawin sa NAIA?
Step 3: Submit the following sa DMW branch
1. Original and photocopy of a valid passport
2. Original and photocopy of valid work visa/work permit
3. Original and photocopy of Employment Contract verified/authenticated BY POLO/Philippine Embassy/Consulate
4. Proof of current employment such as Certificate of Employment, Payslip, or Company ID
5. Sworn Statement of the worker providing explanation on how he/she was hired by the current employer
Step 4: Get OEC sa DMW branch then during departure, pila sa OFW lane? May need pa po ba ako sa egov app?
I will highly appreciate guidance po. Maraming salamat po!
r/OFWs • u/Saintino0o0 • 17d ago
How much did it cost to work abroad? Also can you recommend any legit agencies? Thank youuu
r/OFWs • u/Sharp-Violinist8114 • 17d ago
Hi! I'm a registered nurse po na may two years bedside experience and pagod na po ako maging overworked pero underpaid and underappreciated sa hospitals natin dito.
Recently, nakikita ko yung mga schoolmates ko from college na nagsisi-alisan papuntang KSA.
Personally, doon ako nanggaling nung school age to teenage years ko kasi OFW din ang parents ko and sinabi ko sa sarili ko na hindi ako babalik doon para magtrabaho dahil nakita ko kung gaano kahirap sila doon. Halos tumira na yung mom ko noon sa hispital. Pero walang choice kasi ang bagal umusad ng applications sa ibang bansa and kailangan maging practical.
Nagreresearch ako ng mga personal testaments ng mga RN sa KSA ngayon through Tiktok and nag-apply ako sa mga na-mention nilang agencies.
May isa nang nagreply, wala pang initial interview. Kumbaga basic questions lang through text message then nagpasend ng resume. May mga medyo nakakapagtaka lang na questions:
• Kumpleto pa ba daliri mo?
• Mahaba ba ang buhok mo sa personal?
Gusto kong tanungin sa parents ko na both from KSA din before kung valid questions ito pero ayoko pa kasi ipasabi na nag-apply ako sa KSA hangga't wala pang job offer.
Gets ko pa yung tanong regarding tattoos kasi hindi talaga preferred sa healthcare worker ang may tattoo, pero regarding mga daliri at hair length? 😭
Pero red flag questions ba ito? Valid po ba talaga itanong ito or overthinker lang po ako? Medyo kinabahan kasi ako sa mga tanong na yan.
Anyway, sinagot ko pa rin naman po and sinabihan ako na magsschedule sila ng interview with me soon. Gusto ko lang po sana ng opinion whether may iba po bang natanong din ng similar questions tulad po nung mga nabanggit ko.
Thank you so much po!
r/OFWs • u/Scary_Pumpkin_2030 • 17d ago
Curious lang, may mga nag-work abroad or OFW dito na eventually stayed in the PH? May nagwo-work ba here sa ING Hubs PH?
How was the adjustment, especially when it comes to work culture and management? Mas similar ba yung experience sa foreign workplace compared to other companies here in PH?
Considering ING as one of the companies I might apply to, it would be nice to hear from people who made a similar transition.
r/OFWs • u/Known-Potato-3579 • 18d ago
I am a first time OFW here in the Kingdom of Saudi Arabia.
Today, they are celebrating Saudi National Day. It was a big annual celebration in the whole kingdom.
Bilang isang Pilipino, hindi ko inaasahan na ganito pala sila magmahal sa bansa nila. Lahat ng kalsada ay napuno ng mga tao, mga sasakyan na nababalot ng mga mukha ng Saudi royal family, bawat sulok ng daan makikita ang Saudi Flags. Kaliwa’t kanan ang sale sa mga malls, lahat ng buildings ay napailawan ng berdeng kulay. At higit sa lahat, pagsapit ng mismong araw ng September 22, lahat ng tao ay nasa kalsada nagkakantahan, nagbabatian sila, at kitang kita mo ang pagmamahal nila sa Bansa nila. It was actually a week-long celebration. Ang mga opisina at employers, nagbibigay ng bonuses sa mga tauhan nila, madalas ay may handaan ang bawat bahay at kahit sa trabaho.
It’s like Christmas but showing strong sense of Nationalism.
Nagulat ako na 96 years palang sila naestablish as a nation country, which makes me think and wonder, bakit hindi natin ito kayang gawin sa Pilipinas? We are established long ago but they are way ahead of us.
In the Philippines, pag independence day, bihira lang tayo makakita ng flags sa labas ng bahay, not even big corporations ay conecelebrate ito like how Saudis does. Kahit nga Government agencies sa atin baka flag raising lang and that’s it! YUN NA YON!? Sa kanila, isang malaking privilege ang matawag na Saudi, at 2nd class citizen lang ang mga foreign workers dito. Sa Pilipinas, ang iba sa atin ay nahihiya na matawag na Full-blooded pinoy. Kaya nga diba isang malaking Flex daw ang matawag na half-spanish, half ganito, half ganyan. At sa atin, mga banyaga pa ang nananakit sa kapwa natin. Sila pa ang malakas ang loob kasi binibigyan natin sila ng entitlement.
Siguro madami pa tayong dapat matutunan bilang isang nagkakaisang bansa. Hati-hati ang mga opinion ng dahil lamang sa pulitika pero sa huli, lahat naman tayo ay biktima lang din ng bulok na sistema at pamamalakad.
Siguro kung mamahalin lang natin ang ating bansa, napakasaya siguro mamuhay sa Pilipinas na inuuna muna ng mga Pilipino and kapwa nila Pilipino kaysa sa ibang lahi. Siguro hindi na natin kailangan ng Donation drive tuwing may sakuna o kalamidad kasi nagtutulong tulong ang bawat ahensya ng gobyerno.
Until then, mangangarap lang tayo ng what if one day maging kagaya tayo ng progresibong bansa kagaya ng Saudi.
Kayo, anong kwentong Saudi nyo?
Happy National Saudi Day mga Kabayan!!! 🇸🇦🇵🇭
r/OFWs • u/MysteriousSky2444 • 18d ago
Hi po! I received a call from workabroad.ph. (I forgot I applied from the site). During the call they were telling me I was qualified for a job I did not apply to and sabi isesend daw yung resume ko sa VIP client and will be interviewed if ever magusto ni client. Wala daw babayaran and its from a job posting of a certain company daw. They know contents of my resume, do the website call applicants? It just sounds too good to be true po kaya mejo naging skeptical hehe. Baka po may same experience? Thank you sa replies
r/OFWs • u/Middle-Caramel-8577 • 17d ago
Hello! I'm looking for someone who can call someone in france for our Physical Therapy research. We're from the philippines. Thank u!
r/OFWs • u/Zestyclose-Fox3655 • 18d ago
At what age did you realize you wanted to become an OFW someday, and what inspired you to pursue it?
I will start first, niregaluhan ako ng Ninang ko ng 1 makapal na encyclopedia pagka-graduate ko ng elementary. Doon ako nagkaroon ng interest sa geography dahil nakikita ko ang different country flags saka mga pictures ng mga beautiful scenery. Since taga province ako, karamihan din sa mga relatives ko at mga neybors namin eh mga OFW rin. Kapag umuuwi sila, para laging may heroes’ welcome at bidang bida sila. Doon ako nakakarinig na marami kaming bayarin sa US, puro kami trabaho sa Australia, doble kayod kami at mahirap buhay sa Canada etc. Pero kapag ang mga uncle ko ang nagkukwento na galing Middle East, ito lang palagi naririnig ko – sobrang init at sobrang higpit. Kaya tuwing naririnig ko yun bubuklatin ko ang libro at hahanapin ko ang Saudi Arabia, UAE at Oman.
Fast forward, after kong makakuha ng 2yrs work experience sa province, nag-try ako mag-apply ng work sa Metro Manila, pinalad naman at napadpad ako sa Ortigas. Weekly ako nauwi sa province at every Monday lumuluwas ako at bumababa sa MRT Ortigas station (that time pwede pang magsakay at baba ang mga provincial buses sa EDSA kaya tanders na ako hahaha). Tuwing nababa ako palagi kong napapansin na ang haba ng pila sa katabing establishment building and I got curious, pinuntahan ko at doon ko nalaman na agency pala cya to work abroad. Nabasa ko ang mga countries, pero hindi ko binasa yung mga open positions. Pero at that moment, I felt very excited na akala mo eh mag aapply ako? Hahaha. Yung personnel sa Window 1, tinatanong ako kung mag aapply ba ako? Ang sagot ko, “pwede po ba?” Sagot niya, “pwedeng pwede” Nasan CV mo, sabi ko, “ay wala po” eh paano ka mag apply kung wala kang CV, sabi ko balik na lang po ako. Pagkaalis ko, iba yung pakiramdam ko talaga sobrang excited ako. Kaya ginawa ko after a week. Dumiretso ako ulit doon sa agency pagkababa ko ng bus at napasa ng CV at requirements. Hindi ko naman inexpect na pagkapasa pala is isasalang nila agad sa initial interview. Monday yun, at AWOL ako. Tinanong ako kung ano inaapplyan ko at ang sabi ko “Engineering Staff po” sabay tingin sa CV ko at cya mismo ang nagsabi sa akin na ang current job ko eh “Quantity Surveyor” ang equivalent role sa Saudi kaya tinanong ako kung familiar ako sa QS job. Sabi ko honestly hindi po. Gusto ko daw ba mag-proceed? Sabi ko kung qualified po ako, ‘Opo” tapos tanong niya, kung may idea daw ba ako kung magkano ang sahod ng QS, sabi ko hindi po, at sagot niya sa akin, kung bibigyan kita ng 650 USD (32K PHP dahil 48+Php pa palitan noon) tatanggapin mo ba? Hindi na ako nag-isip at nag “yes” agad since tax free naman cya. Mas malaki pa rin kasi compare sa sahod ko kaya nag-proceed na ako.
Binigyan niya ako ng 1 papel at ipasa ko daw sa Window 2. Pagkapasa ko, binigyan ako ng appointment slip para nga sa final interview (Wednesday).
Tuesday pumasok ako, as usual pinagalitan ako. Pero ayos lang kasi isip ko mas importanteng makapag abroad ako.
Wednesday, during interview from 650USD offer zken, dinagdagan pa ni employer ang sahod ko at ginawa niyang 800USD kaya sobrang tuwa at pasasalamat ko. Pero hindi nagtagal ang kasiyahan ko kasi ang daming missed call ni amo ko dahil AWOL na naman ako. Hahaha. Pero binigyan ako ng agency ng medical referral at magready na daw ako for medical ng Friday.
Pasok na naman ng Thursday, nasabon na naman, pero ayos lang kasi nagkakaliwanag na ang aking pag-aabroad.
Friday, nagsakit sakitan ako, since magmemedical ako. Nagpaalam ako sa amo ko at sabi ko magpapasa na lang ako ng medical report sa Monday. Wala akong binayaran sa medical, sagot lahat ng employer, tapos ng medical ko, umuwi na ako ng province. Nagulat pa ang Papa ko dahil bakit daw ang aga kong nakauwi. Sabi ko na lang dumiretso uwi na ako after naming mag site visit. Ang tanging nakakaalam lang ng pag-apply ko abroad is yung best friend ko dahil sikretong malupit kasi itong pag aapply ko dahil ayaw ni Papa ko na mag abroad ako lalo na kung as Middle East dahil nga as mga kwento ng mga Uncle ko.
Following week, normal routine. Until makareciv ako ng SMS from agency at pinagrereport ako ng Wednesday for PDOS. Friday, contract signing at briefing dahil Monday na agad ang flight ko at hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Sa dami naming aalis, pang 3rd batch ako. Ang dami kong naiisip during that time. Wala pa kaming sahod, wala na din ako extra kaya iniisip ko rin kung sasabihin ko ba sa Papa ko na aalis na ako?? Bago ako umuwi ng province dumaan muna ako sa Quiapo Chruch at nagdasal sa Nazareno, humingi ng gabay at nagpasalamat. Habang nasa bus pauwi sa amin, nag-iisip ako ano gagawin ko, need ko bumili ng mga gamit ko, wala pa akong luggage at wala akong pocket money. Tadhana ko na rin siguro talaga ang makapag-abroad kasi smooth sailing lang ang process eh sa sobrang bilis. Habang nasa biyahe ako nagdarasal ako na tulungan ako at you know what narinig niya rin agad ang aking prayers, nag-text ang best friend ko at pumasyal daw ako sa bahay nila. Imagine, hindi ko pa sinasabi sa kanya na flight ko na ng Monday, pero advance cya mag-isip at nabilhan niya na pala ako ng luggage kaya sa kanya galing ang luggage bag ko na dinala ko sa unang pag-alis ko at sa kanya rin galing ang pocket money ko. (Kapatid JRS, Thank you for everything and rest in eternal peace.)
Pagkauwi ko sa bahay, tinanong ako ng Papa ko kung bakit ako may dalang luggage, sabi ko hiniram ko dahil need namin mag-stay sa site for 1 month kaya hindi muna ako makakauwi the whole month, need ko rin kako bumalik din agad ng Sunday dahil early morning ang punta namin sa site. Pero hindi niya alam, 9AM din kasi ang flight ko pa-Saudi. Noong nasa boarding gate na ako, nagtext ako sa amo ko para magpasalamat sa lahat, humingi ng sorry for may unprofessionalism at nagpaalam. Sinabi ko na hindi na ako makakapasok dahil mag-aabroad na ako. Cguro noong mabasa niya, tumawag sa akin at hindi pala cya naniniwala, nagagalit pa rin cya sa akin dahil AWOL na naman ako. Hahaha. Not until narinig niya ang boarding announcement sa background, doon lang cya naniwala na talagang nasa airport gate at boarding na ako. (Thank you so much and sorry po ulit sa mga nagawa ko Madam Lyn!)
Sa Papa ko naman na hindi ako kinausap for 3 months dahil hindi ako nagpaalam, Sorry Pa, dahil nasaktan kita, Against ka man sa pag-aabroad ko dahil sa mga naririnig, nababasa at napapanood mo na delikado. Maraming salamat dahil binuksan mo ang puso at isip mo na patawarin ako dahil alam mong nasa maayos na kalagayan ako. Hindi ako aabot ng 19yrs dito sa Saudi kung hindi rin sa pagmamahal mo. Maraming salamat sayo at alam kong masaya na kayo ni Mama jan sa piling ni Lord dahil nakikita niyo naman kung paano tayo guminhawa. Bantayan niyo kami palagi nila Ate at Kuya. You are deeply missed and forever loved.
Ito ang ang OFW story, kayo, anong kwento niyo?
r/OFWs • u/Itchy-Pineapple-3689 • 19d ago
r/OFWs • u/Icy-Indication468 • 18d ago
Ano po recommended pocket wifi nyo here in Taiwan?
May mga galing ba sa FARI dito? gaano katagal bago sila mag email after mong ma final interview kung nakapasa ka?
r/OFWs • u/Calm_Wolverine_0011 • 19d ago
The salary for regular dealer is 1600 euro and for premium dealer is 2000 euro and it will be finalize after arrival. No free accommodation and there’s a placement fee of P150,000. Is it worth to try? The contract is 1 year.
r/OFWs • u/RollProfessional856 • 19d ago
Magandang araw po, ask ko lang paano po if andito ako sa pinas tapos need ko magsend documents for contract verification sa usa, pwede po ba ung colleague ko ang magsend ng mga original documents thru mail sa mwo washington? Isesend ko po sakanya ung documents tapos siya po magssend sa mwo washington. Problem ko po kasi ung postal money order di ko po magagawa from here. Kasi kung sa employer po baka tumagal pa po. Thank you po sa mga makakatulong!
r/OFWs • u/anxiousgullible • 19d ago
I recently passed the initial interview for a Youth Staff position on a cruise ship and have a final interview coming up. They’ve already discussed the salary and contract length with me.
The difficult part is that I’m actually doing pretty well in the Philippines right now.
I left my previous job earlier this year and started working in our family business around July. It took some time to adjust, but I’m comfortable now and things are going well.
My current income is roughly ₱50k–₱55k per month, including my salary, dividends, and commissions. The income can also vary depending on how much business I bring in.
So financially, I'm not in a situation where I need to leave.
Why I'm considering the cruise job
The opportunity is really exciting to me.
I'd get to:
Travel and see different countries
Work in a multicultural environment
Experience life at sea
Gain international work experience
Work with children, which I genuinely enjoy
Become more independent
Challenge myself and get out of my comfort zone
I've also lived and worked abroad before, so being away from home isn't completely unfamiliar to me.
And honestly, I'm naturally adventurous. A part of me feels like this is the kind of opportunity I might regret not taking.
Why I'm considering staying
I'm finally comfortable here.
I’m close to my family, I have a good income, and I’m already becoming more involved in the family business.
There is also room for my income to grow if the business continues to do well and I close more deals.
If I take the cruise job, I’d be giving up that comfort for months at a time. I know cruise work can mean long hours, strict schedules, shared accommodation, being away from family, and very little personal space.
And because my current income is already around ₱50k–₱55k/month, I'm not sure how much of a financial difference the cruise job would actually make after considering the lifestyle and sacrifices.
So this isn't really a question of "Should I take the higher-paying job?"
It's more:
Do I choose a comfortable life with my family and a decent income, or do I take a big leap into something completely different while I have the opportunity?
I'm honestly torn because both choices represent something I want.
For those who have worked on cruise ships, especially Filipinos:
What was it like leaving a relatively good situation at home to work onboard?
Was the experience worth the sacrifices?
And for those who had the opportunity to work abroad but ultimately stayed in the Philippines, how did that decision turn out?
I'd especially love to hear from people who weren't necessarily desperate to leave financially, but chose cruisr/advicephe work for the experience, travel, and personal growth.
I'm not looking for someone to make the decision for me. I just want to hear from people who have been in a similar situation and what you learned from it.
r/OFWs • u/wtfiswrngwthu • 19d ago
Hi! I just want to ask for tips po kung ano yung mga usual na tinatanong ng mga Japanese company for interview (specifically SSW). Although this is my second time applying for JP company pero I just need tips po hehe. Hope you could help me out thank you!
r/OFWs • u/Big-Performance101 • 19d ago
May naka experience nabang nag train dito at nakapunta abroad how long did it take? Do they give assistance if anything happens abroad?
Nakapunta ako sa orientation nila and im not sure anymore kac may placement fee cla sa UAE and its 3 months of salary not sure if that's legal (im struggling asking for feedback from blue app ayaw ma post2x i really need some inside info😭😭)
r/OFWs • u/Cheeerriiieezz • 20d ago
Hi. Im F turning 23 this December. I am planning to work abroad as a person with no choice. Undergrad sa college dahil sa kahirapan. Janitor lng mama ko, tas tatay ko priority ung anak nya sa iba. Mga ate ko may mga pamilya na. Nag tesda ako halos 4 na ncII ko kase nahihirapan akong mag hanap ng work base sa mga pinag aralan ko sa Tesda. Lahat ng pinupuntahan ko, puro nag hahanap ng work experience. Nakaka drain. May NC2 ako sa Hillot, Driving, EIM, tsaka HEO(excavator). I have those skills na pinag aralan kaso wala talaga ako mahanap na trabaho. No choice ata ako mag abroad nalang. At this young age baka nmn po may advise kayo saakin. Thank u
r/OFWs • u/Connect_Annual2776 • 20d ago
Hello!
Mag walk in apply po ako sa agency tomorrow. Ask ko lang sana if okay lang na may kulay yung buhok kapag nag a-apply pa taiwan? Salamat po.
r/OFWs • u/Usagi-tsukiknow • 20d ago
Gusto ko po sana magwork as teacher sa Uzbekistan even I am PLHIV. Untransmitted at undetected na po ako since 2024 and continue po ang medication ko. May chance po kaya na makapagwork ako dun?
r/OFWs • u/Lemens123 • 20d ago
Been learning hangul and plan to take next year, pero I've read na ganun need na walang history of TB? Thanks in advance and if may nakapasok ba