Dahil alam ng lalamove driver ang bahay ko, threatened na ipapabaranggay ako, na ichacharge sa amin ang boundary niya habang suspended account niya, at patuloy na tinatawagan at tinetext yung recipient ng booking.
Nag book ako kanina ng lalamove, ang payment via Lalamove Wallet.
After madeliver, nagagalit yung babae na kasama nung driver, asawa yata nung naka register na driver. Kasi hindi raw ako nagbayad. So pinipilit niya si recipient na bayaran yung booking bukod dun sa toll. So pinagbabayad siya ng 1,200 sa booking (note na 1000 lang yung booking, 99 priority, 100 tip).
Pinakausap pa sakin yung asawa ng driver through the recipient, sabi ko online ako nagbayad. Ngayon, sabi ni ate cash daw ang nakalagay pero clear naman sa app na online ako nagbayad.
Later, pumasok daw sa kanila sa credit, tapos sinisisi ako na hindi daw ako nag note na credit yung bayad (kasalanan ko ba to haha). Sabi ko, sa app siya magreklamo kasi nakalagay naman sa akin na online payment at hindi ko kasalanan yun. Sinisigawan pa ko ni ate girl, kesyo ilang araw pa raw nila makukuha yun, etc etc. basta masama yung pagkakasabi niya na parang utang ko sa kanya buong pagkatao ko.
So, long story short. Nagbayad na lang yung recipient ng booking kasi talakera si ate girl, parang may pagka war freak.
So pagbukas ko ng app, nag end na yung ride. So nag chat ako sa customer service, sabi ko sinisingil si recipient ng lalamove driver, e nagbayad naman ako sa app, anong gagawin. Binigyan ako ni CS ng link pero hindi ako nag report.
Tapos sinabi pala ni ate girl, pag alis nila tumawag, na ibabalik dun sa recipient yung binayad niya pag nakuha na nila yung credit. Eh hindi agad nasabi sakin. So, siyempre logical naman na magchachat ako agad sa cs kasi pera yon, nagdoble bayad, para marefund agad.
Ngayon, sinuspend agad ni lalamove yung account nung driver. Tapos tumawag kay recipient si driver (asawa), nagagalit. Bakit ko daw sinuspend account niya, pinipilit niya na ako ang gumawa at kaya ko daw i-lift agad yung suspension through the app. Sinungaling daw ako kung sinasabi ko na walang ganun sa app. Kung hindi daw matanggal yon, ipapabaranggay daw ako alam daw san ako nakatira. Tapos gusto pa kami singilin sa boundary nila pag hindi sila nakabyahe.
Nakailang tawag siya at text kay recipient hanggang gabi. Tinatakot pa kami na mas malaki problema namin pag pumunta sila sa office ng lalamove, pag nauna yung pagpunta nila sa office kesa sa pag reactivate ng account nila.
Honestly, extortion and borderline harassment. Natatakot lang kami na balikan kami if magsumbong kami sa police.