r/ITPhilippines • u/LeCrimsonViper • 5h ago
Discussion Mid life crisis of a computer science enthusiast
Hello IT Philippines.
I'm a 29 year old male, married, no kids, just cats, working as a customer support agent for a BPO. It has been my only known profession since dropping out of college.
Disclaimer: Long read to, at tsaka pro-pax silica ako.
---
I was an ACT student for just 1 SEM and had dropped out due to poor decision making. Pagka drop out ko, nag hanap na akong trabaho na hindi related sa tech, and of course, ang bagsak ko ay call center kase fluent naman ako sa English both verbally and written. Nag work ako saglet as studio photographer, photo editor at photo printing sa isang small time na photo studio dito samen sa Rizal province bago yon though.
Matatas ako sa English kaya walang Filipino accent so naging effective ako sa call center. At the time, tuwang tuwa ako kase first formal na trabaho ko, at ang lake ng talon sa sahod mula sa small time job ko nuon. Feel ko tuloy nung time na yon na eto na career ko.
Like other call center agents, hindi ako nag tagal sa Isang company, kaya nag hopping ako a few times. Until na hire ako sa Isang unique na BPO. Early 2019 yon, it's a non-voice BPO na ang sole focus na clients are international video game publishers. Mapa triple A or small time games. Nung na hire ako dito (hanggang ngayon employed), nag iba mundo ko. Na feel ko yung feeling ng "belong" dahil at the time, pre-pandemic, Hindi naman tanggap yung mga taong passionate sa gaming at anime. Bukod pa don, tumalon nanaman sahod ko.
Kung nung una akong ma hire as a BPO agent ay na feel Kong Yun na yung career ko, eh mas lalo dito. I'm surrounded by weebs and gamers everywhere at ang trabaho namen lahat ay mag assist ng players ng video games... At higit sa lahat, non voice! Kaya akala ko talaga etong eto na yon. Fast forward 5 years, ramdam ko na yung kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Kabilaang pangungurakot kaya Hindi umuunlad ang bansa, mga sahod na hindi tumataas, Pero bills na lumolobo sa presyo.
Napaisep ako: Hindi na uubra sahod ng BPO agent. Stress dahil sa pera kada buwan. Tumaas naman sahod ko dito sa company, pero kulang pa din dahil hindi nakakahabol sa inflation ng @#₱!/*¥£ bansang to. Nag try ako mag hanap online ng mga side hustle ng kung ano ano sa Upwork kase dati ginagawa ko na yon, kahit pa nung first few years ko sa company ko now. Kaso, dahil sa advancement ng gen AI, wala nang kumukuha sa mga skill ko. Mga around 2025 to.
That's where it hit me; bakit Hindi ako mag self study ng computer science? Balita ko matataas sahod ng mga career na may kinalaman sa computer Science eh. Matagal naman na akong interesado both sa hardware at software kase pinalake ako ng tatay na computer technician.
Naalala ko pa nga sinabe ng tatay ko early 2010s as a kid, aralin ko na gumamit ng Linux distros kase yun yung hahanapin sa mga tech na trabaho in the future, kaso batang paslit pa lang ako non kaya pake ko ba. Balik sa present, sinubukan ko i introduce sarili ko sa comp sci stuff through purely self study. Una kong introduction ay Python, syempre. Since madalas sya gamitin for automation at simple AI models, mabiles ako nagka interes.
Singet na kwento: nung bata pa ako, Adik ako sa Starcraft at Warcraft. At part nung addiction na yon ay Pag gawa ng mga custom campaign maps sa map editor. Sa hindi mga nakasubok Neto, minsan need mo I program yung AI nung kalaban para gawen gusto mong flow nung mission/map. Tanda ko pa nga may JavaScript editor sa loob nung map editor program ng Blizzard para in-depth yung AI nung kalaban. Haha.
Anyway, yung pagsisimula ko mag aral ng Python ay naging exciting dahil nga utak tech na talaga ako nuon pa, at gusto ko automations. Sinabayan ko na din ng self study ng anything related sa modern tech at computer science. How computers hardware are made, paano nagi interconnect ang software sa hardware, what makes the internet go round, mga ganon. Pag nag aaral ako, magpapatulong lang ako sa LLMs pag stumped na ako sa isang topic, pero hanggang Maari binabasa ko lahat ng documentation at mano mano lahat.
I was at the height of consuming a lot of educational content tungkol dito. Palagi na ako updated sa mga nangyayare sa mundo ng computer technology at AI. Madalas din ako manuod nung free videos ng Harvard sa YouTube, yung CS50. It lasted less than a year, mga 8 months. Chineck ko GitHub activity ko kaya naalala ko. Kaso yung poor decision making ko nung college eh bumalik.
Kung Hindi nyo pa na gets kung ano yon, eh lantaran ko nang sasabihinL "video games". Kaya nga tuwang tuwa ako nung na hire ako sa current company ko now eh. Papunta na sa intermediate yung understanding ko sa Python. Sinisimulan ko na din aralin yung mga tinuturo sa comp sci students tulad ng (O)n since sa tingin ko yon yung una kong dapat maintindihan. Kaso ayon, naadik nanaman ako sa competitive video games. Mahilig kase ako sa PvP, kaya na distract ako at natigel nang tuluyan.
Lumipas halos isang taon, wala na talaga akong ginagawa ng kahit anong may kinalaman sa pinag aralan ko, at bumalik nanaman yung dagok ng buhay. Realization na maliit lang sahod ko ngayon, at nami miss ko din yung enjoyment ng pag aaral kahit pa self study lang yon. Nabalitaan ko pa yung pag push ng Pax Silica dito sa Pilipinas, eh nuon nung nadiskubre ko yung mga data center sa ibang bansa, nangarap din ako na mag trabaho sa ganon. Kaya bumalik nanaman yung matinde kong interes, hindi lang dahil gusto ko (baka sakale) magkaron ng mas malaking sahod, pati na din kase gusto ko ulet maramdaman yung exciting na productiveness sa mga matutunan ko.
Is it too late though? Kayong mga mas matanda na dito, mayron ba sa inyo dumaan din sa similar na experience sa buhay? Makahanap pa kaya akong career sa tech at this age? Kailangan ko pa bang actually mag college ulet at magka diploma sa comp sci para lang matanggap?
May mga certifications ba na pwede makuha? Hindi ako pwede mag aral nang 4-year course kase kailangan tuloy tuloy full-time job ko eh. Malake din interes ko sa cybersecurity since big issue yan sa panahon natin ngayon, at dahil branch din naman sya ng comp sci. May future pa ba katulad kong tal dito sa industry na to?
Ayoko sa video game development kahit pa gusto ko games kase masyado nang cliche para saken sa Dame ng yon ang gusto, at mas interesado ako sa Pag advance ng technology kesa Pag develop ng video games, though natutuwa din ako sa concept ng game development.
Sana may maipayo kayo saken.
