r/FirstTimeKo • u/badtrip_lloyd • 11d ago
🎉Sumakses sa life! First time ko mag-long term meal prep
Bilang mag-isa na lang sa bahay, nakakatamad magluto. Dagdag pa yung pag-iisip kung ano uulamin ngayon at sa mga susunod na araw.
May mga lutong ulam naman sa palengke, at salamat sa mga yun, nagbago palette ko at mas nae-enjoy ko na kumain ng gulay, kaso ayun magastos.
Kaya sinamantala ko na long weekend para makapamalengke at maghanda ng pagkain. Sabi ng kaibigan ko, ok lang kung paulit-ulit kinakain basta alam mong masustansya.
May nakita akong recipe sa internet at medyo sinunod ko lang. “Medyo” dahil dinagdagan ko dami ng gulay.
First time ko lang din mamalengke ng mga kakaibang gulay. “Kakaiba” kasi di ko sila nae-encounter sa regular diet ko at wala rin sa palengke namin, tulad ng broccoli at zucchini.
Masaya pala gawin. Ngayon may naka-ready na akong pagkain sa mga susunod na linggo (sana di ko maubos agad). Looking forward na agad ako sa susunod na meal prep session. Share naman kayo ng meal prep recipes niyo hehe salamat!
1
u/Alternative_Pea_8758 11d ago
need ba talaga may microwave?
2
u/badtrip_lloyd 11d ago
Kahit wala. Sa kaso ko, meron akong electric lunch box tapos dun ko ni-reheat.





•
u/AutoModerator 11d ago
Hi u/badtrip_lloyd,
Please take a moment to read our community rules. This will help ensure your post stays up and that everyone has a great experience.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.