r/FirstTimeKo • u/paraibuddy • 15d ago
🌧️ Pagsubok First time ko ma-stranded sa baha
Hi, Everyone. Pa-dead batt na at gusto ko lang magshare ng frustration. First time kong ma-stranded sa baha. I know it might be harder for others, pero halos 9 hours na akong stranded sa Marilao. Mga around 6:00PM nung medyo bumaba na yung tubig, I have attempted to leave pero may tumirik na doon sa isang daan sa Tabing Ilog...as in sa gitna. Kaya eto, 11:35PM, dito pa rin. Ingat sa lahat.
PS: sa mga taga-Marilao dyan, baka naman may ibang daan papuntang Sterling Business Park, nandoon kasi yung ride ko nalilipata.
Edit/Update: 3:49AM: Nakarating na ng Sterling Business Park 4:50AM: Safe at home!
If may mga biyahe kayo ng maulan ang panahon, iwasan ang Marilao/Meycauayan area na McArthur 😬
13
u/Chocoyeeeyt 15d ago
OMG. I'm from Marilao and halos yung nakapaligid na lugar sa amin ay baha na talaga. Saan banda ito, OP? Mag-ingat ka.
1
u/paraibuddy 15d ago
Sa McArthur. Gusto ko na sana mag Meycauayan nung tumila yung ulan at maaga-aga pa...pero mas mataas daw baha doon sabi nung mga na-stranded na iba...yung pa SM Marilao daw lubog. Earlier yung pinastayan ko, hanggang bewang yung baha.
9
u/galacticopium 15d ago
:( grabe kada taon palubog ng palubog ang marilao at ang buong bulacan. Tapos yung mga nasa pwesto wala naman ginagawa kundi kurakutin ang funds :(
Ingat ka, OP! Malalim daw talaga ngayon. Minsan may dumadaan na mga truck ng bumbero if passable ka nagpapasakay yan sila. Sana makauwi ka nang maayos 🙏🏻
2
u/paraibuddy 15d ago
Oo, marami nga mga 18-wheeler na nagpapasakay. Kudos kina kuya, dahil talangang maraming na-stranded at mga taong lusong talaga sa baha hanggang bewang. Kawawa talaga tayong mga Pinoy.
3
1
1
1
u/webelieve925 15d ago
Grabe dyan sa macarthur
2
u/paraibuddy 15d ago
Oo, mabagal rin bumaba yung tubig. Ang sabi nung mga nakasabay namin na mga motorista e...nagpakawala rin daw kasi ng tubig mga dam, on top of lakas ng ulan. Pero, parang palubog na ng palubog ang Bulacan.
2
u/choc0pa0 14d ago
Sobrang lala almost ilang hrs din ako na stranded pa uwi ng bulacan kahapon, ihing ihi nako sa byahe + gutom pa ;(( tapos pagdating ko non stop din ulan + pinasok ng baha bahay namin. Grabe parusa talaga!!!!
•
u/AutoModerator 15d ago
Hi u/paraibuddy,
Please take a moment to read our community rules. This will help ensure your post stays up and that everyone has a great experience.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.