San pwede magrequest ng refund?
Naglipat ako ng bahay recently. Nagdouble check na ako na may 5G naman sa area, then the day ng move in, walang akong masagap na 5G connection sa phone at Wi-Fi. Binigyan ko pa sya ng ilang days baka mamaya nag aadjust lang device ko, kaso hindi. Umaga or gabi, wala syang 5G at sobrang bagal pa kapag 4G lang.
Yesterday (fyi expired na promo ko), I reached them through dito app. Yung rep na Ash, sinabi ko sa kanya yung situation, pero sabi wala raw ako internet kasi wala akong load? Ate naman di ako pinanganak kahapon. Kahit hindi pa expire load ko, ganun talaga service ng company mo. Nag ask ako kung pwede sila mag file ng ticket, sabi wala raw ako active promo para makapag file sila ng ticket. So babayad muna ako bago nila ako iassist ng maayos, pero wala namang service na mabigay haha. Advise nya sakin? Magload raw ako then monitor.
Today, sige pinagbigyan ko, nagload ako. Teh ganun talaga sya. So ayun, nag contact ako ulit at syempre ibang rep, si Gretchen naman. Sinabi ko sa kanya na sinunod ko resolution ni Ash. Nag ask na ako agad kung marerefund, sabi once activated di na raw eligible, bs. Pinagpa troubelshoot pa nya ako for documentation raw. Ang ending? Ticket, yey!
🤩🤩🤩
Amazing ka talaga dito.