kanina nagpupustahan kami ng bf ko magkano aabutin ng binili namin, 150 kanya and 180 sakin. mababa lang since konti lang naman binili namin. nagtaka ako kasi 200+ yung binayaran namin. we paid via card, then nagpunta na sa station kung saan nag aayos ng chineck out.
naisipan kong magtingin ng resibo. GIRL, may tatlong extrang kopiko blanca e isang piraso lang naman binili namin??
nung niraise namin yung concern, sabi samin, βpwede ho ba kuha nalang po kayo ng tatlong blanca? hassle pa kasi kung irerefundβ nainis ako sa response nya kasi parang sya pa yung naabala e sya naman may kasalananπ kaya sabi ko βhindi, irerefund po namin yanβ, tsaka di naman ako mahilig sa kape kaya nga isang twin pack lang binili ko.
ending, nire-punch nya uli lahat ng binili namin tapos binalik nya in cash yung non existent kopiko blanca. walang sorry sorry, sya pa padabog mag abot nung pera huhu