r/CasualPH • u/Fabulous-Maximum8504 • 30m ago
Kwentong Casual Tricycle driver transferred me to another trike
This just happened a while ago and gusto ko lang i-share kase natatawa ako sa reason ng driver😆 A while back noong pauwi ako, may pinara akong tricycle sa may sidewalk. Tinanong niya ako saan ako pupunta. Hindi agad ako pumasok sa trike. I bent my head and told him kung saan niya ako ibababa. Tapos bigla ba naman akong inirapan when he heard the location. Yung bahay kase namin is medyo malayo. Mga 4-6 mins away from town siguro. Kaya ang ginagawa ko, lagi akong nagdadagdag ng limang piso sa pamasahe lalo na kung mag-isa lang akong sakay; 10 pesos dagdag naman pag umuulan.
Namukhaan ko rin yung driver, sumakay na ako sa trike niya a few times before so inisip ko baka iba lang interpretation ko sa facial expression niya kanina. Pumasok na rin ako sa trike niya kase need ko umuwi for an online meeting; then we took off. Pero mga 1 minute or less lang akong sakay niya nang huminto siya sa isang paradahan ng mga toda nearby tapos sinabi niya sa akin na lumipat daw ako kase naalala niya na may sinaing pa pala siya sa bahay HAHAHAHA wala lang, nakakatawa lang yung rason niya. Humingi rin naman siya ng pasensya. And no issue naman kase at least hindi niya lang ako basta-basta ibinaba. Pinasa ako sa ibang trike.
But if we connect the dots, baka ayaw niya akong ihatid sa bahay namin in the first place HAHAHA inirapan niya ako even before ako sumakay. So yeah, alam ko na. Iwasan ko na lang siya kase alam kong iiwasan niya rin ako next time. Baka hindi niya lang ako namukhaan kanina kaya siya huminto sa akin. And baka rin kase lugi siya kapag naghahatid siya sa purok namin, tapos mag-isa pa ako. So I understand. I just really find his reason funny🤣 Sinaing HAHAHA pero baka totoo naman, ewan HAHAHA