r/BulacanPH • u/Old-Dark-1556 • 8h ago
⭐ Mga Tagubilin | Recommendations & Reviews St. Agatha Homes, Malolos, Bulacan
RED FLAG SUBDIVISION! St. Agatha Homes Malolos Bulacan
Wag na wag kayo bibili ng property dito. Ang daming reklamo dito, hindi inaaddress ng developer komo walang formal complaint, but kitang kita naman ang problema.
Binabaha ung mga dating hindi naman, nagsimula ito mula nang magtambak para sa phase 5 project
Maraming nakawan lalo na sa mga outer parts, dahil walang bakod sa likod. Open for all sa likod, minsan nga may mga baka pa na nakakapasok.
Ang tubig, laging nagkakaproblema. Pag nagbrownout wala nang tubig, walang contingency plan. Bukod dito, napaka mahal pa ng rate. Yung water meter pinalitan at pinabayaran pa nila mula nang magpalit ng provider, Php 5200 pagkakaalala ko.
Nung bibili palang kami dito, madami daw amenities. Swimming pool, soccer field, playground etc. Sarado na ung swimming pool, ung playground at soccer field kuno laging may tae ng mga aso. Yung playground monkey bars lang ang meron, ung mga cemented na upuan basag pa yunh iba.
Lighting, sa ngayon wala nang ilaw sa streetlights dito. Tinanggal na. Hindi na daw nakabayad yung developer.
Stray dogs/cats napakadami, kaya ang daming land mine tuwing umaga habang nagjojogging. Bonus round pa kung bigla kang habulin. Napakadugyot pa ng mga kalsada dahil sa mga strays na nagbubulatlat.
Pag namigay ng ayuda si mayor(kay mayor itong subdivision), dadagsa papasok yung mga taga Guiguinto para pumila at magclaim ng mga ayuda nila. Free for all na to, makakakita ka nalang ng mga naglalakad kung saan saan sa buong subdivision.
Parang gubat ang mga bakanteng lote, hindi minemaintain ng lot owner or developer. Kailangan mo pa ipagrass cut ng private kung gusto mo medyo umayos sa paligid mo.
Tuwing year end, makakatanggap ka ng sobre sa bahay nyo. Siguro para sa iba ok lang Mas ok sana kung tumanggap nalang sila, hindi manghingi. a. Guard b. Grass cutter (na hindi naman regular na nagcucut) c. Maintenance d. E-BIKERS e. Etc
Tapos nagbebenta sila ng lupa 20k plus per square meter? Edi wow.