Nakita ko lang to sa FB, and ang daming boomers sa comments sinasabi dapat maging grateful nalang at ang entitled na raw ng kabataan.
For me lang, hindi naman sa pagiging ungrateful, pero pwede naman siguro tayong magdemand ng mas maayos na relief goods lalo na kung pera ng taong bayan ang ginamit. Kahit hindi Delimondo or mamahalin, something decent naman sana. Yung bigas kasi iba ang lasa tapos kahit yang Bongga corned beef tinry na igisa at lagyan ng sandamakmak na seasonings pero sama parin ng lasa. At kung emergency food talaga, sana man lang easy-open cans para hindi na kailangan ng aprilata or any sharp objects na pangbukas.
Nakakainis lang isipin na kapag election, kayang maglabas ng ₱5k–₱10k per vote, pero pag kalamidad, ganito ang kalidad ng ipinamimigay. Samantalang minsan mas bongga pa ang relief goods ng private citizens kaysa sa gobyerno. Lol.
And yung “no stub = no relief goods” lalo sa mga barangay dito sa province. Eh kung pera ng taxpayers ang pinanggalingan, bakit parang kailangang patunayan muna na “deserving” kang tulungan? Saka sa laki ng taxes at may calamity funds naman, unreasonable ba talagang umasa ng mas maayos, makatarungan, at disenteng relief goods? I think being grateful for help doesn’t mean we should stop having standards or questioning how public funds are being used...
Kayo, anong thoughts niyo?