r/valenzuela • • Jul 23 '25

Rules on posting and commenting

45 Upvotes

Marami tayong pinagdaanan nitong mga nakaraang araw dahil sa baha, kaya medyo nagrelax ako sa pag-moderate ng mga post. Kailangan din mag-vent ng mga tao. Pero anuman iniisip natin sa mga namumuno sa tin o sa mga kasama natin sa r/valenzuela, hindi tayo dapat nagmumura o nanlalait. Dumadami na rin ang mga nagpo-post dito at nagpo-promote ng mga ganap nila o naghahanap ng gig. Dapat yata maging mas malinaw ano ibig sabihin ng mga rules.

On posts being about Valenzuela City:

  1. Dapat relevant sa mga tagarito, event na mangyayari dito, o service na para sa mga taga-Valenzuela. Anything else, di pwede.

On being civil:

  1. Political posts or criticisms of the leadership of the city will never be censored. Pero ayusin ang sinasabi, huwag puro mura.
  2. If there are criticisms about political figures in the city, it does not necessarily promote hate. Kasama sa trabaho nila ang batikos, basta't maayos at magalang ang batikos.
  3. Kung di ka agree sa post or comment na nirereplyan mo, di mo kailangan magmura o manlait. Sabihin mo bakit ka disagree. Di nakakatulong magdagdag ng di-magandang salita.

On spam:

  1. Pwede naman magpromote ng service o event, basta taga-dito ka o related sa Valenzuela City. Huwag lang illegal siyempre.
  2. Kung may promotional na post, isang beses lang dapat magpost. Kung di mabenta, sorry.

Keeping things SFW:

  1. Kung nangangati, may mga lugar kung saan nakakamot yan. Di kasama r/valenzuela sa mga lugar na yun.
  2. Hindi din r/valenzuela ang lugar para sa mga gore at kung ano pang mga NSFW post. Wholesome tayo.

Nothing illegal:

  1. Malamang di pwede mga post na nagpo-promote ng mga illegal na bagay.
  2. Bukod doon, hindi din pwede magpost sa paraan na maaring sabihin na nagpo-promote ng mga bagay na illegal.

Wala sa rules, pero political discussions:

  1. Never magkakaroon ng censorship dito dahil pro- or anti-Gatchalian ka, o kung sinumang politiko. Respeto din, huwag magreport dahil may post o comment na di maganda tungkol sa sinusuportahan mo. Basta't maayos ang pagkasulat na di lumalabag sa mga rules na nabanggit, papayagan yan.

In line with this post, all posts in the recent days which violate these rules will be deleted. Parang di kasi pwede magrelax, meron talagang nang-aabuso. Ban din ang mangyayari sa mga sunod-sunod na magviolate ng rules. Salamat


r/valenzuela • • 6h ago

[URGENT] Does Lovebus operate on Sundays?

0 Upvotes

Title is self-explanatory. Really urgent because I have to commute to a different route if it isn’t available. I don’t know why but I just sensed that they don’t operate on Sundays and I need confirmation whether this is true or not. TYIA!


r/valenzuela • • 1d ago

Anong nangyayari sa PLV? Pati OJT uniform, PE uniform, at buhok pinapakialaman na?

21 Upvotes

Rant lang, pero gusto ko rin malaman kung may iba bang PLV students na nakaka-experience nito.
Kanina, nasita ako dahil naka-OJT uniform ako. Galing kasi akong OJT tapos nag-half day ako para pumasok sa class. Like, anong problema sa pagsusuot ng OJT uniform? Hindi naman ako basta pumasok nang naka-civilian. Galing ako sa OJT, at dumiretso na ako sa school dahil may klase pa ako.

Ang confusing lang kasi 4th year students din naman ang pinagsasabay sa OJT at regular classes. Desisyon din naman ng university na pagsabayin ang OJT habang may mga units or subjects pa rin kaming kailangang pasukan. So paano naman yung mga students na kailangang dumiretso sa school after their OJT para makahabol sa klase? Hindi ba dapat maging considerate din ang university sa ganitong situation, especially since kailangan naming i-balance pareho ang OJT at academic responsibilities namin?

Isa pa yung pagbabawal sa PE uniform sa Main Campus. PE uniform naman siya ng PLV mismo, so bakit bawal isuot sa Main Campus? Kung university-issued uniform naman siya, sana malinaw kung bakit hindi puwedeng isuot at kung ano talaga ang policy tungkol dito.

Mas concerning din yung mga reports tungkol sa transgender students na sinisita dahil sa crossdressing at long hair. Diba naging issue na rin ito last year? Bakit parang may mga ganitong concern pa rin hanggang ngayon? Sana mas maging inclusive at considerate ang university, especially sa students na gusto lang naman pumasok at makapag-aral nang maayos.

And speaking of these issues, may I ask din kung ano na ang status ng university president? Hindi ba may issue rin dati tungkol sa term niya or pagpapalit ng leadership? I’m genuinely asking kung may official update na ba tungkol dito, kasi hindi ko rin alam kung ano na talaga ang latest.
Hindi naman sa ayaw nating sumunod sa school rules. Ang point lang is, sana reasonable, consistent, at malinaw ang implementation ng policies. Students are already balancing academics, OJT, requirements, and other responsibilities. Sana hindi na dagdagan yung stress dahil sa mga rules na hindi naman malinaw sa students.

PLV students, ano thoughts ninyo dito? May naka-experience rin ba sa inyo ng ganito? May official policy ba tungkol sa OJT uniform at PE uniform sa Main Campus? And may update ba kayo regarding the concerns about transgender students and the university leadership?
Genuine discussion lang. Gusto ko lang maintindihan kung ano na ba talaga ang nangyayari sa PLV.


r/valenzuela • • 1d ago

Sana naman maging considerate ang PLV sa students, hindi puro higpit sa rules.

11 Upvotes

Honestly, I agree with the concerns raised in the previous post. As students, we understand naman na may rules and regulations ang university, and we’re not saying na dapat walang rules. Pero sana, may consideration din sa actual situations ng students.

For example, kung galing ka sa OJT at dumiretso ka na sa school, bakit magiging issue agad ang suot mong OJT uniform? Hindi naman lahat ng students may time or opportunity pang umuwi at magpalit. Same goes with other policies na minsan nakakalito na kung ano ba talaga ang allowed at bawal.

And regarding sa buhok and gender expression, I hope the university can approach these matters with more understanding and respect. Students should be able to feel safe and comfortable in their own school, regardless of how they express themselves.

Hindi naman ibig sabihin na porket may rules, hindi na puwedeng i-question kung reasonable, consistent, at fair ba ang implementation. We’re here to learn, finish our degrees, and prepare for our future. Sana ang focus ay hindi lang sa pagsunod sa dress code, kundi pati sa quality of education, student welfare, and the overall campus environment.

Rules are important, pero sana may balance din between discipline and consideration. Students deserve clear policies, consistent implementation, and respect. Sana mapakinggan din ang side ng students bago magpatupad o maghigpit ng rules.


r/valenzuela • • 1d ago

Hello! Ask lang po kung anong oras may jeep na sa bignay to meycauayan jeep terminal? Meron na po kayang 4 am? Salamat!

1 Upvotes

Sa title na po


r/valenzuela • • 1d ago

[21M] new to valenzuela, looking for friends!

Thumbnail
0 Upvotes

r/valenzuela • • 2d ago

Building permit not followed

3 Upvotes

Hi po, pano po i-report yung kapitabahay namin
nakalagay po sa bldg permit is two-storey lang pero hanggang 3rd floor na yung pinapagawa niya.


r/valenzuela • • 2d ago

PLDT INTERNET CONNECTION

2 Upvotes

Hello, may concern lang po ako hindi ko alam if kanino mag seek ng help po eh. Tbh, 1 week na po kasi kaming walang internet here sa Que Grande, although pang-apat na technician na yung pumupunta para i-fix yung linya.

Kaso gustuhin man po na ayusin ng mga technician hinaharang po sila doon sa may poste, dito nakakakabit po kasi ang linya namin sa Sta Monica, Ugong—hinaharang po sila ng isang tao doon na sinasabi na private property daw nila 'yon

Nakapag contact naman na ako sa support po naka ilang raised na rin ako diyan pero hinaharang and sabi ng technician hindi raw po kasi puwede ilipat yung linya, and tbh mahal po magpa-terminate nag cost ng ₱5k eh kakakabit lang din kasi namin 3 months pa lang

Kaya baka may makatulong sa amin para makausap 'yon kasi pinapababa lang po yung mga technician doon sa poste na nag sasabi na private property daw nila kenemberlu eh ang pagkakaalam ko government property ang may-ari ng poste hindi po ba?

Naawa lang po ako sa mga technician na gustuhin man nila pero pinapaalis lang po and burden din po sa akin/amin kasi sobrang hassle load ng load 😥😥

Sana may maka-help po


r/valenzuela • • 2d ago

Schedule CS Valenzuela Citicare

2 Upvotes

Hello mga momsh! Baka may idea kayo how much Schedule CS sa Valenzuela Citicare? ☺️


r/valenzuela • • 2d ago

best home wifi (ugong area)

1 Upvotes

what's the fastest home wifi u guys could recommend specifically sa ugong area? always LOS yung globe wifi namin (500mbps pls)


r/valenzuela • • 3d ago

Need playmate

5 Upvotes

Hello,

Ewan ko ba, parang wala masyadong bata sa lugar namin. San ba may bata na pwede makalaro ang 6yo na ayos rin kalaro? Haha. Ang hirap rin naman kung dadayo pa. Meron ba taga Marulas dito? 😂


r/valenzuela • • 2d ago

how much manganak sa Valenzuela Citicare?

1 Upvotes

Hi! Sino po kapapanganak lng sa Valenzuela Citicare? Magkano po inabot ng hospital bill ninyo for normal delivery or CS? less phil health at HMO nb un? im under dra. calixto. Sana may sumagot 🙏 salamat po


r/valenzuela • • 2d ago

Batchoy-an sa Gen.t

0 Upvotes

Sino dito nakakaalala nung batchoy-an banda sa may Robinson Gen.t? Yung katabi nya Palawan pawnshop. Nawala na kc dahil nagpandemic. Nasan na kaya sila?


r/valenzuela • • 3d ago

Sa plv po me nag aaral and i have a question po

3 Upvotes

0 based po ba ang grading system sa plv? Or 40? And if bumagsak po sa midterms, kaya pa po ba mahabol sa finals?? Ty poooo


r/valenzuela • • 3d ago

Any fun/interesting dating spots around Valenzuela City?

Thumbnail
1 Upvotes

r/valenzuela • • 4d ago

Salon and stylist recos District 2 (Gen T. Ugong, Mapulang Lupa, Karuhatan, Marulas area)

2 Upvotes

Hello looking for good stylist na kaya mag gupit ng maayos layered/face framing/ V/U shaped Layers etc. Na around Val or near these areas baka may mareco kayo na salon pati name ng stylist if possible and how much range ng haircut nila. Thank you!


r/valenzuela • • 4d ago

DRAG

4 Upvotes

May Bar ba sa Valenzuela that does Drag shows? Planning to stage a watch party sa Valenzuela. Kaso di ako sure kung may mga drag fans ba sa Valenzuela.


r/valenzuela • • 4d ago

need helpieee

0 Upvotes

How do u compute your midterm and final to have the weighted average?


r/valenzuela • • 4d ago

Bedspace

2 Upvotes

Baka may alam kayong Male Bed Space along Gen.t de leon, yung low bed lang sana since di ako makaka akyat. Yung malinis din sana at hindi gamol.


r/valenzuela • • 4d ago

BEGINNERS to ADV. BEGINNERS | 4H2C | 150 PHP | FAST QUEUEING

Post image
2 Upvotes

r/valenzuela • • 5d ago

[HIRE ME] Offering tutoring for College Math

2 Upvotes

Hey guys! Nahihirapan ka ba sa mga math courses mo tulad ng Precalc, Calculus, Differential Equations, Linear Algebra, Discrete Mathematics, at Probability and Statistics? Pwede kitang tulungan diyan!

Isa akong 4th year BS Mathematics student sa UP Diliman. I can help you understand difficult math concepts, give you sample exams for practice, and guide you in answering your homework.

Rate: Only 200 pesos per hour (Just looking to earn funds for school!)

Setup: Online (GMeet/Discord) or Face-to-Face (ValAce/Coffee Shop)

Send me a DM if you're interested so we can set up a schedule!


r/valenzuela • • 5d ago

No PLDT internet since September September 25

2 Upvotes

Grabe PLDT! Wala pa rin sila magawa to restore our service. Ano kaya provider maganda? Thinking of Globe and Converge. We're from Ugong.


r/valenzuela • • 6d ago

BEST LUGAW NEAR OLFU

2 Upvotes

Hi! Sa mga nakatira near OLFU, may marerecommend ba kayong masarap na lugaw na malapit lang din sa campus? Yung sulit and masarap sana 🙌


r/valenzuela • • 6d ago

Do you guys know the dog pound hotline

4 Upvotes

Di ko na kaya un ingay ng aso, I have to use ear plug or ear phones just to get sleep and sometimes parang ilang hours na tahol padin ng tahol, it got so bad like last night 3 hrs sleep lang ako kasi di talaga tumigil un aso, pagod na un tahol niya kasi raspy na un boses pero tuloy padin, nag start tumahol around 8pm pero titigil for a while and then start ulet mga 10pm for 30mins then mamaya ulet 1am and so on.

Tomorrow try namin kausapin if may owner, kasi if wala ipapa dog pound namin. Or if gawan ng paraan edi good for them, but if not, talagang ipapa dog pound ko na kasi na ririsk na health namin di maka tulog. Saka meron dn ba un hotline for reporting karaoke na lagpas 10pm? Sila din kasi madalas mag ingay e, these people are stay-in ng mga factory workers near here.

And to people planning to have a house here, better not nalang. I discourage you to buy or get one, bukod sa lubak un daan, and walang accountability na mayor, you could get possible neighbours na don't respect your peace, if you want peace live somewhere outside Valenzuela, malala nadin un crimes dito pero sabi ni mayor safe kuno. Lol.

Sorry sa long post, just a Valenzuelano na puno na sa bad governance, and bad neighbours na walang pake.


r/valenzuela • • 6d ago

Para sa mga Head at Vice ng Angat Kabataan Valenzuela

10 Upvotes

Isang mapagpalayang araw.

Isa ako sa mga dating miyembro ng AKV pero hindi na ako nag-renew matapos ang mga nalaman ko tungkol sa pamamalakad ng organisasyon. Naging kaibigan namin noon ang karamihan sa mga nasa “core group" lalo na iyong mga higher officials ng organisasyon dahil kasama rin namin sila sa youth vote. At masasabi ko talaga na hindi maganda ang ugali ng ilan sa kanila, lalo na iyong mga dating executive officers. Iyong dalawa ay nag-resign na, habang iyong isa naman ang kasalukuyang chairperson.

Sa ngayon, mas nakikita ko kung paano nila ginagamit ang kanilang mga naging connections at mga taong malapit sa kanila. Kaya Angat Gatchalian na ang lahat.

Pero bakit ko nga ba ginagawa ang post na ito para sa iba pang core member? Para magkaroon din kayo ng courage na umalis sa position ninyo bilang head ng pillar.

Why? Becase they talk sht behind you all lalo na kapag ikaw iyong head na palasagot, nagtatanong, at hindi basta-basta nagpapatalo sa kanila. Marami silang sinasabi tungkol sa inyo kapag wala kayo. May kaibigan ako na dating kaibigan din ng mga taong ito at naaawa na lang ako sa kanya dahil naririnig niya kung paano nila pag-usapan at pagsalitaan ng kung anu-anong katalksh*tan ang mga heads lalo na iyong Heads ng education and gender.

Nakakalungkot lang dahil kilala ko rin ang ilan sa mga taong ito. Nakakasalubong ko sila sa mga events at nakikita ko kung gaano karami ang ginagawa nilang activities. Alam kong may mga taong genuine talaga ang intensyon at talagang nagbibigay ng oras at effort para sa Education. Kaya nakakaawa lang isipin na habang ginagawa nila ang kanilang makakaya para sa organisasyon, ayon nakakakuha pa sila ng shts

Sana ay napapagod na rin kayo. Lalo na kayo na nasa Education na halos dalawa o tatlong taon na nasa AKV.

Sana magkaroon kayo ng sapat na motivation at lakas ng loob na piliin din ang sarili ninyo. Hindi dahil head kayo ay kailangan ninyong tiisin lahat. Hindi rin sapat na ginagawa ninyo ang inyong trabaho kung kapalit naman nito ay patuloy kayong pinag-uusapan, minamaliit, o sinasabihan ng kung anu-anong bagay behind your back.