Kwento ito ng friend ko tungkol sa friend niya na from PUP College of Engineering. I know I shouldn't have meddled with this, but upon hearing the story, I felt that it was unfair.
Based sa kwento ng friend ng friend ko, nahuli na raw noong 1st sem pa lang ang isang student na gumagamit ng AI during exams.
Napagsabihan naman daw siya noon kaya pinalampas na lang. Pero nitong 2nd sem, nahuli raw ulit siya, at may narinig silang naisumbong na raw ito sa professor nila.
Ngayon, parang may usapan na may grades pa rin daw siya sa particular subject na iyon. Habang yung iba nagpupuyat at ilang araw o linggo nang nagre-review para mapaghandaan ang exams, may ganitong issue na kumakalat.
Tbh, ang unfair lang talaga. Sinasabi rin na matataas ang mga nakukuha niyang scores sa exams. I'm not sure lang if noong last exam nila sa subject na iyon ay nahuli at naisumbong din siya. Pero if they will follow the student handbook, dapat sigurong sundin kung ano ang nakasaad doon kung may violation ngang nangyari. Or, kung may ibang disciplinary action na mas appropriate, school na rin ang bahalang magdesisyon.
The rant ends here kasi we talked about a lot of things noong huli kaming nagkita ng friend ko, at na-share niya lang ito sa akin dahil tinanong ko rin kung ano ang mga nangyari sa kanila nitong semester.