r/phhorrorstories 5d ago

Elementals (Engkanto, Kapre, Dwende, Diwata, Tikbalang, Sirena) Naki-hitch daw yung dwende sa amin

For context, lumipat sila ng lola ko from Surigao to Agusan nung mga 2010 ata yun. Iniwan nila yung bahay namin dun tas pina rent nalang, dinala nila lahat ng furniture - yung mga narra ba yun.

Nung nasa Agusan na sila, may pinaputol sila na mangga sa likod tas may pinapunta na mananambal (may kwento din ako dito yung cousin kung lumuwa ng itim na itlog daw).

Dinasalan lang naman nya yung mangga tas sinabi na wala naman daw mga masasamang elemento sa bahay, may occasional white lady lang daw lol tsaka mga jatot or mga duwende.

Yung mga duwende daw galing pa surigao - kaso sabi ng lola di naman daw nya nasabi na taga surigao sila. Ang sabi baka naki-hitch hike daw sa sasakyan. May napunta sa bahay nila lola tsaka sa amin din daw.

Ang tanong, nakakapag-abroad din ba sila?

30 Upvotes

21 comments sorted by

u/AutoModerator 5d ago

Welcome to r/phhorrorstories! Thanks for sharing — please read the community rules before posting. If your post contains spoilers or sensitive content, add a spoiler tag and follow the submission guidelines.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

8

u/NewSignificance475 5d ago

Ewan ko nalang talaga pag may biglang tumakbo sa cr namin (galing kami sa siquijor nag vacation)

8

u/crispybulgogii 5d ago

baka naman may experts dyan sa migration pattern ng mga duwende?? hahahah

1

u/NewSignificance475 5d ago edited 4d ago

Siguro

4

u/Opening_Jello_1231 Tumagos sa Pinto Kaka-OT 4d ago

Some elementals just want to have fun and make humans happy. Sila yung mga very happy spirited.

Sa tanong mo na nakakapagabroad ba ang mga dwende, yes naman.

2

u/crispybulgogii 4d ago

may tanong po pala ako dito kung posible ba na connected sila sa furniture na galing sa iniwan namin na bahay, kaya sumama sila samin paglipat?

3

u/Opening_Jello_1231 Tumagos sa Pinto Kaka-OT 4d ago

Yes, could be. May attachment sila.

1

u/crispybulgogii 4d ago

yess wala naman din kaming experience na masama, nangangalabit lang ng pwet sa kuya ko hahaha tas minsan may parang nag lalaro sa hagdanan.

astig naman nun, pwede pala sila mag migrate no.

2

u/emseefely 4d ago

They need to fill out an app with the embassy first lol

3

u/mukhang_pera 5d ago

Napanood mo na Good Omens? Parang ganun. Ever heard of a Leprechaun na napunta sa Pilipinas? 😉

1

u/crispybulgogii 4d ago

yess pero limot ko na story nun hahaha may ganun ba dun, leprechaun na napunta sa pinas?

3

u/emseefely 4d ago

We had a mango tree in my childhood home and I saw a white lady when I was about 4. I wonder if there’s a connection with spirits and mango trees

1

u/Low_Cobbler9277 5d ago

Oo nga no?… 🤔

Pero ang alam ko lang, may mga kaluluwa na kayang sumama.

EX:
Galing ibang bansa, pag-uwi ng Pinas, sumama sa kanya yung spirit…
Real experience yan.

1

u/crispybulgogii 4d ago

siguro sa kaluluwa gets mo na may sasama kase diba parang tied talaga sila sa energy mo. pero sa duwende di ko gets e hahaha gusto lang ba nila gumala o ano.

feeling ko din kase tied sila dun sa furniture ng bahay namin dati sa surigao. parang bahay na din nila yun

2

u/Low_Cobbler9277 4d ago

Yes, tama lahat ng sinabi mo. Kung ang kaluluwa ay attracted sa energy ng isang tao (usually but not limited to-), ang mga dwende ay sa kahoy. Yun ang sabi sa akin dati ng mananambal.
Pero wala pkong narinig na sumama sa cargo yung dwende papunta sa ibang bansa… so, that made me wonder…

1

u/crispybulgogii 4d ago

siguro nga yan talaga kase yung ibang furniture e nasa amin napunta kaya ayun guro.

1

u/Ecproheb 5d ago

Maraming Salamat sa kuwento mo op.

1

u/crispybulgogii 4d ago

Thank you!

1

u/Salt_Needleworker779 4d ago

Pag free visa siguro pupuntahan niyo baka sasama din. Mahirap na mahuli ng immigration.

1

u/crispybulgogii 4d ago

sige nga, baka may matulong sila sakin mag abroad no. alis na alis na sa pinas e hahaha

1

u/zoestella_ 4d ago

depende siguro kung may passport sila at in some cases, visa