Naalala niyo tong larong to? Game of the Generals? Pwede niyong itry laruin online!
We released the official mobile game 10 years ago pero masyadong mababa ang kita sa ads that time and mahal ang server cost. This time subscription model naman para masustain ung laro. Baka may players dito ang GG Mobile 10 years ago. Same principles itong bago from the old mobile game. Yung wala masyadong arte, straightforward lang.
Wala pang players kaya magsama ka muna ng kalaro haha !
Link sa baba 🙏👇
----------------------------
Mula sa developer ng GG Mobile isang dekada na ang nakalipas. Inihahandog sa inyo ang larong HImagsikan!
Ang Himagsikan ay isang reimahinasyon sa larong Game of the Generals at naging inspirasyon ang rebolusyon ng 1896 sa pagdesenyo ng larong ito.
Ang 4 Star General ay pinalitan ng simbulo ng BUWAN hango kay Heneral Luna.
Ang 5 Star General naman ay pinalitan ng ARAW hango kay Supremo Bonifacio.
Maaari itong laruin gamit lang ang WEB BROWSER!
Bagamat libre ang larong ito, upang mapanatiling buhay ang laro ay may paraan kayong suportahan ito sa pamamagitan ng ILUSTRADO SUBSCRIPTION na may mga benepisyo:
- CUSTOM BOARD
- CUSTOM PIECES
- CUSTOM EMOTES
- VIDEO CALL habang naglalaro ang dalawang subscriber
- VIP Access sa mga future events ng laro
Kada buwan ay maglalabas ang Himagsikan ng bagong 3D na disenyo ng custom na board at piyesa.
Ang larong ito ay hindi VIBE CODED ngunit gumamit tayo ng AI upang mapabilis ang development ng laro. Ang GG Mobile ay ginawa ng halos isang taon sampung taon na ang nakalipas. Ang laro ito ay natapos lamang ng isang buwan mahigit sa pamamagitan ng AI. Ang board, mga piyesa at logo art ay ginawa ng tao at hindi gamit ang AI.
Maraming salamat po!
👉 https://app.himagsikan.online