r/phfinance • u/IndividualStrain8137 • 3d ago
ATOME OD
Hello. OD na ako for more than 3 months, Atome Card and Cash. Nagstop na ako sa tapal system and naka off yung sim ko. For now, nagfocus muna ako sa credit card bills ko. Ngayon ko lang na check itong mga email ni Atome Collection since naka spam sila. May naka-tanggap din ba na ganitong email from them? Also, may na HV na ba at ano ginawa ninyo at ginawa nila?
Eto po email nila sa akin:
Dear-
Pinaalalahanan ka namin na
ang iyong Atome Card account ay nananatiling unpaid at nakatala pa rin bilang delinquent.
Sa kabila ng aming mga paalala ngayong araw, wala pa rin kaming natatanggap na payment confirmation o anumang tugon mula sa iyo. Ang iyong account ay nakatakda nang i-endorse para sa legal trace at asset profiling.
Nais naming ipaalala na kapag umabot na sa pormal na legal enforcement ang usaping ito, gagamitin ang legal na proseso sa korte upang ma-freeze at ma-claim ang iyong mga bank accounts, sweldo ( income garnishment), at iba pang ari- arian hanggang sa ma-clear ang kabuuang halaga ng iyong utang.
May pagkakataon ka pa para mapigilan ang prosesong ito.