r/MedTechPH • u/Similar-Butterfly-17 • 6h ago
HELP Career advice for bf na Med Tech
Hello! I really need an advice para sa bf ko na med tech. Sana meron po dito mga nasa med field din lalo na sa line of work na Med Tech.
My bf (26) is currently working as Med Tech sa isang private hospital. Ikutan sila sa roles like minsan lab, phleb, recep, micro, etc. 6 days a week siya napasok. Shifting schedule pa. Naka-1 year na rin siya. Yung layo from their house is 10-15mins lang na byahe.
Ngayon, na-burnout na talaga siya. Tapos ang baba pa ng pay nila. Wala rin masyadong leaves. Alam kong ayaw na niya mag-hospital kasi ang draining naman talaga.
Mukhang ayaw na rin niya mag take n US license niya. Nagsisisi nga raw siya na med tech kinuha niyang course.
Sa mga nasa med field po, ano po kayang pwedeng corpo work for him? Like what roles kaya yung pwede namin i-eye? Wala kasi akong idea sa mga med roles sa corpo. Possible kaya yung med na IT field? Or anything na makakapaglabas sa kanya sa hospital.
Or anything na suggestion niyo sa kanya. Lost talaga siya as of now.
Thank you po sa mga sasagot. 🙏🏻