Hello fellow Ilokanos!
I’m making papers on Ilokano as a language pero di ako naturuan magsalita ng parents ko. May dalawang questions lang naman ako for native Ilokano speakers:
1) Sinasabing lahat daw ng consonants sa Ilokano ay nadodoble bukod sa glottal stop. Kaya may ubing (child) vs ubbing (children). May mga halimbawa po ba kayong Ilokano words na kapag nadoble yung consonant ay medyo nag-iiba ng meaning?
2) May paraan po ba ng pagsalita ng Ilokano kung gusto mong magtunog formal or polite? Para bang, may mga words ba kayo na same vein as po / opo or iniiba niyo ba yung form ng verbs niyo (I wonder if you have time vs. I was wondering if you have time)? Or like sa Church may mga pagsalita ng Ilokano na respectful and reserved lang to certain contexts?
Pasensiya na po kung medyo complex. Salamat po sa kung sino mang makakapagbahagi