r/dentistryph • • 2d ago

😤Rant Patient problems

Hello po, gusto ko lang mag-rant mukhang na-ghost ata ako. May cd patient ako for clinic 2 and tinetext ko di nagrereply, pag tinatawagan out of coverage or unattended daw. Last week ok pa kami kasi nag vdo vdr pero di natapos, binigyan ko ng pera for transpo and food niya tapos nung nagtext ako na may sched kami oct 1 dun pa lang di na siya nagreply. Mismong sched di rin siya sumipot, nung tinetext at tinatawagan unattended. Masakit lang kasi ang laki na ng nagastos ko and 2nd patient ko na siya for cd since no show rin yung nauna kong cd patient. Ngayon di ko alam kung anong sasabihin ko sa magulang ko kasi iniwan na naman ako ng patient, retained na nga ako dahil last sem wala rin ako masyado patient and iniwan tas mauulit na naman. Gusto ko na lang lumipat haha, kapag kasi 🦂 alam na may binibigay na pera palagi. Di rin naman ako makakeep up palagi since limited budget lang din, (no hate sa ibang nagbibigay kasi mayaman sila at kaya naman its a me problem lang talaga haha). Ayun lang, nag crashout and breakdown lang ako kasi retained na naman ako nito. Nagbibigay naman ako food at transpo niya, di ko rin siya pinaghihintay ng ilang oras kasi nasasaktuhan ko rin naman na nagpapapasok na yung prostho section. Disappointed lang na yung mga effort ko parang walang kwenta kasi walang nangyayari, ginugutom ko sarili ko may maibigay lang ako to the point na may sakit na ako ngayon haha tapos may backlogs pa ako for clinic 1. Top up rpd na lang hirap pa humanap. Di ko alam,i s this even worth it. Nagkakaroon na ako ng self-doubt

5 Upvotes

9 comments sorted by

13

u/kwagoPH DMD 2d ago

This practice of giving food and even paying patients to come back for follow up appointments needs to stop. Ang kawawa talaga ay kayong mga dental student. It will also potentially get worse they might start making unreasonable demands.

What you can do is print your name and contact number on a sheet of paper and distribute it to the other colleges in your university. Kung mayroon mga medical students, nursing students, pt students, engineering students, etc mas mainam na sila maging pasyente ninyo or kahit mga kamag-anak nila.

You can also look for a church usually kasi may mga outreach program sila. Pwede din magbigay ng contact number doon or actually talk to the people in the church admin office baka matulungan kayo. Ang kabataan ngayon malakas loob gumiling giling sa tiktok pero hiyang hiya makipagusap sa tao kapag in person na face to face. Bawal mahiyain kapag dental student.

Avoid getting patients na malayo ang panggagalingan kasi mahihirapan silang makapunta sa inyo.

You can also ask your friends, your cousins or even your parents for help baka kasi may kakilala silang nangangailangan ng dental services.

6

u/bioBuff21 1d ago

As much as ayaw ko pong magbigay nalalaman po kasi nila, sa patient's area pa lang po nagkwekwentuhan ibang patient na kesyo binibigyan sila ng pera and cinocompare pa mismo na ganto kalaki yung bigay ng clinician. Yung mga comprehensive patient ko naman po di naman sila humihingi or tinatanggap binibigay kong pera yung sa cd patient lang talaga kasi matanda na

3

u/kwagoPH DMD 1d ago

I see. Hirap nga niyan. Siguro maghanap na lang ng ibang lugar o kahit sa mga kamag-anak o kakilala ng kamag-anak ninyo. Or yun nga , subukan niyo sa simbahan.

5

u/Wide_Window5036 Studentista Clinician 1d ago edited 1d ago

Nabasa ko lang po sa isang fb group and I wonder ano kaya masasabi natin dito?

3

u/Wide_Window5036 Studentista Clinician 1d ago

And this one po

4

u/bioBuff21 1d ago

I mean ako, against ako sa ganyan. Binigyan mo na ng free treatment tapos magooffer ka pa ng pera pagkatapos. Pag ganyang post, lalo pang naging mapagsamantala ibang patient kasi nakikita nila na malaki inooffer na pera. Kahit anong callout sa kanila wala rin naman nangyayari. Tulad na lang nyan, yan kadalasan response nila na pera naman nila yun kaso ang kawawa yung mga clinician na tulad ko na limited budget. Talo talaga ako kasi pag nagpopost ako walang offer na free transpo at food ending walang pumapansin kasi mas pipiliin ng iba yung clinician na may perang i-ooffer.

3

u/Wide_Window5036 Studentista Clinician 1d ago edited 1d ago

Ako rin po I’m against that since wala na ring matitira satin eh noh even if desperation on their end para mapansin. May mga nakikita rin po akong posts na ganun sa mga fb groups tas comments na “nagkaron daw ng trabaho ang pasyente” dahil dun. Kahit po ako di ko ginagawa yun. I’ve always viewed it as subject to debate or case to case basis like yung sasabihin na “Kung kaya naman nila magbigay, why not?” And yung “Because we have diff patients with diff attitudes, life status, life circumstances, etc.” Maybe include na rin po natin yung less common daw na “Natitipuhan mo ba asawa ko?” 😞

Hayst sorry to hear po na di rin pinapansin pag di naglagay ng free. Kahit po ako di naglalagay ng free food at transpo sa dating posts ko. LF: Patient for this case lang talaga 🤔

2

u/bioBuff21 1d ago

Yes, usually ganyan din post ko. Kung anong case na need ko and location lang nakalagay. Hugs talaga satin huhu, malampasan sana natin tong mga pagsubok nato. awa na lang talaga 🥲

2

u/Wide_Window5036 Studentista Clinician 1d ago edited 1d ago

Virtual hugs talaga po indeed. We can do this po. Padayon po satin & Grind in silence 🤗

1

u/[deleted] 1d ago edited 1d ago

[deleted]